SOL:48

804 35 7
                                    

Summer's POV

Maaga ako gumising ngayon, para maghanda sa gaganapin na dinner mamaya nila Liza. Sakto naman na gising na rin Clar. 

"Let's go down baby kakain na tayo ng breakfast" Sabi ko sakanya. Kinusot niya lang ang kanyang mga mata at tumango. Medyo wala pa toh sa mood kasi kakagising lang. 

Habang pababa kami, nagulat ako ng makita sila Mommy sa living room. Oo nga pala ngayon ang dating nila galing dun sa business trip. Nang makita sila ni Clar agad agad itong pumunta sakanila.

"Anma! Anpa!" Tawag ni Clar sakanila. Ito ang tawag niya kala Mommy. Dapat kasi grandma and grandpa kaso hindi nama nito mabanggit ni Clar. Binuhat naman siya agad ni Daddy. 

"Na miss namin ang paborito naming apo!" Dad said.

"Maraming dalang pasalubong si Anma sayo!" Natutuwang sabi ni Mommy kay Clar. 

Niyaya ko naman silang kumain, pero sabi nila mamaya na daw tutal maaga pa naman. Gutso na agad nila ipakita yung mga pasalubong kay Clar. At dahil may trabaho pa ako nauna na akong kumain sakanila. 

After kong mag ayos para pumasok nadatnan ko naman na nasa living room parin sila Mommy at may pinapakita si Clar sakanila. 

"Mami mami! I show anma anpa dadi! Pogi ng dadi ni clar  clar!" Nagulat naman ako sa sinabi ni Clar. Nakalimutan kong napakadaldal pala ng anak ko. 

"Care to explain this Summer?" Dad said. 

"Mom, Dad mamaya na lang po. Busy yung restaurant para sa dinner mamaya" Sabi ko sakanila. Totoo naman kasi yung sinabi ko. 

Wala naman nagawa sila mommy kaya nag paalam na ako sakanila. Sila na raw bahala kay Clar mag dala mamaya sa dinner. Invited din kasi sila Mommy 

Pag dating ko sa restaurant may inasikaso lang ako mga papers then tumulong na ako sa kitchen para mamaya sa dinner. Gusto ko kasi ako ang mag luto para mamaya. Nag umpisa na rin kami kasi kahit simple lang yung dinner madami dami din. Ni rent nila yung isang venue place dito. Syempre hindi lang naman kami ang invited pati na rin ang family nila Liza both sides.

After ko mag luto ng mga dish, pumunta na ako sa office ko para makapag pahinga. Sobrang dami rin kasi ng ginawa ko sa kitchen. Habang nag papahinga napaisip ako. 

Pupunta kaya siya sa wedding? Balita ko  invited siya. Malamang bestfriend yun ni Quen. Bakit hindi naman siya pupunta? 

Wala na akong news about sakanya these past few years. Ang alam ko lang eh gumaling na ang Dad niya. Kaya nga ako nag tataka eh kung bat hindi pa siya umuuwi. Siguro mas masaya na talaga siya dun. 

Hindi ko rin alam kung may balita ba siya sakin. I blocked him, sa lahat ng accounts ko. Nag private din ako. Sinabihan din ako ng kuya ko. Para naman daw maka move on ako and to focus on my studies and kay Clar. 

Nang malipat na ang dinner, nag ayos na ako at nag palit ng damit. I wore a blak off-shoulder dress na below the knee and fitted. Nag white ako ng na stiletto. Tinulungan ko rin ang mga staff ko sa pag ayos ng venue. 

"Nadz! Omygosh thank you super ganda!" Liza said nung dumating sila then she hugged me. 

"Syempre ikaw pa ang lakas mo sakin eh" Sabi ko sakanya. 

Binati ko rin naman ang parents nila Liza and Quen. Maya maya dumating narin sila Yassi. 

"Ang ganda natin ngayon ah!" Sabi sakin ni Yassi. 

"Syempre may pinag hahandaan!" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Quen. Pinag hahandaan?

"Hoy mga kups!" Napatingin naman kami sa dumating. It's DJ.He's with Kath. 

"Aba mabuti naman nakapunta kayo! Akala namin hindi na kayo babalik eh" Liza said. Kakagaling lang siguro nila sa trip nila. 

"Aba kelan niyo ba kami bibigyan ng isa pang inaanak?" Sabi naman sakanila ni Quen. 

"Kaya nga kami bumalik dito para gumawa na eh!" Biro naman ni DJ. Kaya nabatukan naman siya ni Kath. Napangiti naman ako. 

"Dj ano ba!" Sita sakanya ni Kath. Nagtawanan naman kaming lahat. 

Parang nung college lang kami. Kaibahan nga lang eh ngayon naging okay na kami nila Kath, At may isa pang kulang. Si James. 

 Masaya kaming nag kwekwentuhan nila Yassi habang si Liza naman nag we-welcome ng mga guests. Bigla naman napatigil si Yassi. Mukang nagulat siya sa nakita niya mula sa likuran ko. Tatanungin ko palang sana kung sino ng biglang nag salita si Quen habang papalapit ito. 

"James!" 

Feeling ko biglang tumigil ang mundo ko sa narinig ko. Hindi ako makahinga. Ang bilis ng tibok ng puso ko. 

Andito siya. 

Lahat nama sila lumapit kay James. Ako hindi parin makagalaw sa pwesto ko. Hindi ako makalingon. Natatakot ako. 

"Nadz!" Narinig kong tawag nila sakin. Kaya no choice ako. Unti unti ko silang nilingon. 

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko siya. May nag bago sakanya. Mas mukang matured na siya ngayon. Kahit sobra akong kinakabahan nagawa kong lumapit sakanila.

Wag ka magpa apekto Nadz. Kaya mo toh. 

Tumingin naman siya sakin, nginitian ko naman siya at agad ng umiwas. 

"Grabe! Ang saya sa wakas kumpleto na tayo!" Masayang sabi ni Yassi. Samantalang sila Liza naka tingin sakin na nakakaloko. 

"Oh bless ka na sa ninong mong madami ng utang sayo!" Sabi ni Andre sa anak niya. Agad naman nag bless si Yasser. 

"Grabe ka! Nung kasal nila Liza umuwi ka pero nung kasal namin ni babe di ka umuwi! Bitter ka talaga!" Biro sakanya ni DJ. 

"Sorry. I was busy" James said. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses niya. 

"Yasher! Yasher!" Lahat naman kami napatingin. 

Si Baby Clar kasama sila mommy na  tumatakbo papunta samin. 

"Nako naman mapapa alaga nanaman ako" Andre said. Pag kasi nag lalaro ang dalawa siya palagi ang nagbabantay kasi hindi kaya ng energy namin ni Yassi. 

"Clar clar! Mish kita!" Yasser said to Clar at niyakap ito. Eto namang anak ko nakita lang si Yasser nakalimutan na ako. 

Napatingin naman ako kay James, he's looking at Clar na parang may inaalala siya or something. 

"Look oh! May bago nanaman akong ninong!" Yasser said then tinuro niya si James. 

Tinignan naman nito ni Clar na parang may inaalala. Na parang kinikilatis niya ang bawat muka ni James. Bigla nanaman akong kinabahan. 

"Dadi dadi!" Tuwang tuwang sabi ni Clar kay James. Agad naman nagpabuhat si Clar sakanya at hindi niya ito tinaggihan. 

Tinignan naman ako ni Yassi na parang nag tatanong kung ano ang nangyayar. Lalong lalo na si James na parang naguguluhan oh parang naiinis. 


Patay ka Summer. 


Seasons Of Love Where stories live. Discover now