SOL:42

705 28 1
                                    

Summer's POV

After two years....

Nag aayos ako ng sarili ko habang hinihintay si James. Ihahatid niya kasi ako sa work ngayon. Magka sunod lang naman kasi yung oras ng trabaho namin.

James and I have already a business. Di man toh ganun kalaki pero it is not a bad thing para sa fresh grad na katulad naming dalawa.Meron akong isang maliit na coffee shop. Tinulungan ako ng parents ko para makatayo nun and si James naman tinulungan ako sa pag manage. Si James naman may sariling na si James na Car repair shop.

Ang dami ng nangyari these past 2 years. Si Liza and Quen going strong parin hanggang ngayon. Si Yassi naman ayun nasa San Francisco dun niya kasi gusto mag trabaho and mag aral. And si DJ and Kath naman finally nagkatuluyan na sila kahit sa umpisa hindi ganun kadali.

Ako naman i'm planning to take culinary arts sa susunod na pasukan. Ayoko na sa ibang bansa. Mas gusto ko kasi talaga dito sa pinas. Inuna ko muna talaga itayo ang shop ko.

Maya maya nakatanggap ako ng text kay James, nasa labas na daw siya ng bahay kaya agad ko kinuha mga gamit ko at lumabas.

"Good morning sweet" He greeted me then he kissed me.

"Good morning din!" Masayang bati ko sakanya. It's been two years pero wala parin nag bago sa pagmamahal namin sa isa't isa.

"So what's your plan for today sweet?" He asked me habang nag dadrive.

"Hmm. Wala naman. Pero titignan ko yung requirements para sa enrollment" I said.

"Okay just tell me if you need to go somewhere okay?" He said then. He's holding my hand while his driving. Nakasanayan niya toh, buti nga hindi pa kami nabubunggo.

"No need sweet. I can drive okay? Nakaka istorbo na ako sayo" Sabi ko sakanya. Pano ba naman kasi kahit may trabaho siya sasamahan niya ako palagi,

"I know but I want you to be safe always. And hindi ka istorbo noh" He said then he kissed my hand.

Halos isang oras din ng makarating kami sa coffee shop. Bukas na ito. Mga tauhan ko na lang kasi ang nagbubukas nito.

"See u later. Wag masyado mag pagod ha? I love you" He said bago ako makababa.

"Ikaw din ha? I love you too!" I said. Bababa na sana ako kasi hinawakan niya kamay ko.

"Oh bakit?" Tanong ko.

"Wala man lang ba ako good bye kiss?" Lambing niya saakin. Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Kaya I kissed him.

"Oh sige na alis na. Mag ingat ka ha!" I said then lumabas na ako ng sasakyan niya.

Pag pasok ko ng coffee shop agad naman nila akong binati.

"Good morning Mam!" Bati sakin ni Kate. She's one of my employees.

"Good morning din!"

Tumulong muna ako sa mga employee ko na gumawa ng orders. Maaga pa naman eh.

Habang tumutulong ako nagulat naman ako sa babaeng pumasok sa coffee shop.

"Therese!" Tawag ko sakanya. Agad naman akong lumapit at niyakap siya.

"Miss na miss na kita" Sabi ko sakanya at bumitaw na sayakap.

Therese is my super close cousin. Sabay kaming lumaki nito. Panganay lang siya ng isang taon. Lumipat sila nila tita sa new york at doon siya nag aral.

"I miss you to summer" She said. Umupo muna kami bago kami nag kwentuhan.

"Gusto mo ng coffee? Your favourite?" Sabi ko sakanya. Umiling naman siya.

"Wag na. Juice na lang. Bawal ako ng coffee" She said. Nag taka naman ako sa sinabi niya. Kelan pa siya naging bawal sa coffee?

Hindi ko na lang iyon pinansin at nag pakuha na lang ako ng juice for her.

"Asan sila tita? Kasama mo ba sila umuwi?" Tanong ko sakanya. Hindi naman siya agad nakasagot. Nagulat na lang ako ng tumutulo na ang luha niya.

"Hala Therese! Bat ka umiiyak?" Nag aalalang tanong ko sakanya.

"I'm pre-gnant" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Pero may halong excitement din akong naramdaman.

"Talaga Therese?! Mag kakaanak ka na?! Magkaka pamangkin nako!!" Excited kong sabi sakanya. Pero siya mukang hindi.

"Bakit Therese? Anong problema?" Tanong ko sakanya.

"Na-laman nila Mommy. And they were mad. Kaya ako napauwi dito" She said while crying. Nilapitan ko naman siya at niyakap.

"Asan ang ama ng bata?"

"He's getting married Summer" Dahil sa sinabi niyang yun lalo siya napaiyak.

"Shhh. Don't cry. Andito lang ako, tutulungan ko kayo ni baby" Sabi ko sakanya.

Nang tumigil na siya sa kakaiyak, kwinento niya sakin ang nangyari.  She's already 2 months pregnant.

Nag babakasyon daw siya sa Paris ng makilala ang lalaki. 2 months din sila dun. Pinoy din ang lalaki.

Paalis na sila ng Paris ng malaman ni Therese na ikakasal na sa iba yung lalaki. Hindi niya alam ang gagawin. Mas pinili daw nung lalaki yung papakasalan niya.

Kaya umalis siya agad ng Paris at bumalik ng new york. After a month dun niy nalaman na buntis na pala siya.

Nag stay naman mag hapon si Therese sa coffee shop ko. Wala rin naman daw siya gagawin sa bahay niya. Mag hapon lang siya natulog sa office ko. Buntis nga.

Nang mag sasara na ang coffee shop. Ginising ko na siya.

"Therese, gising na mag sasara na ang coffee shop" Nagising naman agad siya at inayos ang sarili niya.

"Hatid ka na namin ni James sa bahay mo. Hindi ka pwede tumanggi" Natawa naman siya sa sinabi ko. Kilala niya si James dahil lagi ko itong kwinikwento sakanya.

"Opo. Mukang wala naman po akong choice" She said. Nauna na kami umalis ng coffee shop. Sila Kate na lang ang pinag sara ko.

Paglabas ko andun si James hinihintay kami. Alam niyang andito na si Therese. Sa video call palang sila nag kita.

"Oh ikaw pala yung ginayuma ng pinsan ko" Biro ni Therese. Natawa naman si James

"Hoy Therese!"

"It was nice meeting you, finally" James said at nag shake hands sila.

Pumasok na kami ng sasakyan. Si Therese sa likod ako naman sa harap. Tulog lang si Therese sa byahe. Si James naman tahimik lang. Which is very unusual.

"May problema ka? Bat parang ang tahimik mo?" Sabi ko sakanya.

"Nothing. Pagod lang sa trabaho" He said. I just nodded. Hindi na ako nag salita.

Bakit parang ang lalim ng iniisip niya?

Pagkahatid namin kay Therese dumiretso agad kami sa bahay. Tahimik parin siya habang nag dadrive. Hindi ko na lang siya kinulit baka kasi mainis pa siya sakin.

"Hindi ka ba muna papasok?" Tanong ko sakanya ng makarating kami sa bahay.

"Hindi na sweet. Gabi na rin. Aga pa ng pasok bukas" He said.

"Okay. Goodnight. I love you" Sabi ko sakanya.

"I love you too sweet" He said then he kissed me.

Seasons Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon