SOL:25

814 32 9
                                    

Summer's POV

Ngayon na yung last day of fair, ngayon na rin yung concert. Simula nung binigay ni James yung ticket hindi pa namin pinag uusapan yung tungkol dun.

Hinihintay ko sila Yassi ngayon. Sasakyan kasi namin lahat ng rides bago kami manood ng concert. Mamayang gabi pa naman kasi yun.

Maya maya dumating na rin sila sawakas.

"Wow buti naman naisipan niyong siputin ako" Pa biro ko sakanila.

"Ito naman ang inipin. Tara na nga!" Yassi said.

"Ay Nadz natanggap mo yung concert ticket diba?" Biglang tanong sakin ni Quen habang nag lalakad kami.

"Ah oo binigay sakin ni James" Sagot ko.

"Ano sabi?" Nagulat ako sa tanong ni James. May alam ba siya? Lahat naman sila naghihintay sa sagot ko.

"A-no niyaya niya ako sa concert" Sagot ko pero hindi ako nakatingin sakanila. Patuloy lang ako nag lalakad.

"Sige na pumayag ka na" Nagulat naman ako sa sinabi ni Liza.

"Ano ba kayo! Alam niyo naman na may girlfriend yung tao diba. What happened us in Japan must stay in Japan" Sabi ko sakanila.

"Hala siya oh ang dami na agad sinabi. Bakit bawal ba mag sama ang mag kaibigan? Kasama mo parin naman kami ah." Yassi said.

Oo nga pwede naman kami mag sama bilang mag kaibigan. Pero lugi ako. May feelings ako sakanya eh.

"Eh pano ka?" Sabi ko kay Yassi.

"May kasama ako noh!" She said.

Kaya pala. Kaya niya ako niyaya kasi wala magiging 5th wheel lang ako. Tss. Malamang ano pa ba ang ibang reason.

"O-kay" Yun na lang ang nasabi ko. Mukang wala naman akong choice eh.

Pag dating namin dun sa may Anchors away andun si James. Bat siya kasama?

Sabagay kami lang naman ang mga kaibigan niya sa school. At wala rin si Kath ngayon. Ako lang naman ata nag bibigay ng malisya.

"Matchy matchy ah"  Yassi said. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Tinuro naman niya si James.

Pag tingin ko halos pareho kami ng outfit ni James. Naka white shirt siya. Ako naman naka white na crop top. Tapos naka black jeans din siya. Pero sakin rip jeans. Sa sapatos lanh kami nagkaiba. Pero parehos yung nike.

"Pinag usapan niyo noh" Asar ulit sakin ni Yassi.

"Hindi noh! Di na kami nag uusap niyan" Bulonh ko sakanya. She just nodded.

Pinuntahan na lang namin siya at pumili na kami. I just smiled at him at ganun din siya.

Nakapila siya sa harapan ko si  Yassi naman sa likod ko. Sasakay na sana kami sa ride kaso may biglang nag kulong samin ni James sa isang hula hoop.

"Te-ka ano toh?!" Natatarantang tanong ko.

"Jail booth po" Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Huh?! Bakit?!" Nako naman oh. Yunh kasama ko naman walang imik.

"Matchy po kayo eh. Tara na po" Sabi nung babae at hinila na nila kami.

"Huy! Yassi! Tulong!" Sigaw ko.

"Mamaya na friend! Sakay muna kami" Nagulat naman ako sa sinabi niya. At sumakay na nga sila ni Quen at kami naman ay hinila na.

Seasons Of Love Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt