SOL:7

1.4K 57 4
                                    

Summer's POV

''Thu-nder'' Gulat kong sabi ng makita ko si Thunder na nakatingin saamin.

''Thunder?Sinong Thunder?''Nagtatakang tanong ni DJ.

''Huh? A-no wala'' Sabi ko. Napatingin naman si DJ kay Thunder.

''Bakit tol may problema ba?'' Tanong ni DJ kay Thunder. 

''Nothing'' He said. Naka poker face lang siya. 

Dinaanan niya kami ni DJ at pumasok na siya ng CR.

Hindi ko na kinausap si DJ, bumalik na lang ako sa table namin. Napansin ko naman naka sunod lang siya. Pagbalik namin, nakatingin lahat sila saamin. 

''Bakit?'' Tanong ko. 

''Wala naman.'' Quen said.

''Sabay kayo natapos?'' Liza asked. 

Napatingin ako kay Kath. Parang naghihintay din siya ng sagot ko. 

''Huh? Ewan ko'' Yan na lang ang nasabi ko. 

Maya maya dumating na si Thunder galing CR.

''May class ka pa mamaya?'' Biglang tanong ni DJ. Sasagot na sana ako kaso biglang sumagot si Yassi. 

''Oo. Bakit mo tinatanong?'' Yassi asked.

''Huy Yassi! Kelan ka naging si Nadz?'' Sabi ni Quen sakanya. Napatawa naman kami. Si Yassi napairap. 

''Whatever! Hoy DJ, bat mo nga kasi tinatanong?'' Kulit ni Yassi sakanya. 

''Wala lang'' DJ said. 

''Anong wala lang? Sorry na lang DJ, may driver ngayon si Nadine eh. Kaya hindi mo siya mahahatid ngayon. Next time na lang!'' Napairap na lang ako sa sinabi ni Yassi.

''Ano bang pinagsasabi mo? Wala naman akong sinabi na ihahatid ko siya'' Sabi ni DJ. 

''Sus! Kunwari ka pa! Parang ganun na rin yun'' Liza said. Napailing na lang si DJ. 

''Masyado niyo namang binubuking si DJ. Uy James and Kath bat kayo tahimik?'' Napatingin naman kami dun sa dalawa. 

''Huh? Hindi ah. Pinagmamasdan ko lang silang dalawa. Ang cute nilang tignan eh. Diba babe?'' She said then tumingin siya kay James.

Wtf? Seriously? 

''Yeah'' Matipid na sabi ni James.

''Seryoso,  cute sila para sayo?'' Tanong ni Yassi kay Kath. 

''Oo ba-kit?'' Kath said. 

''Ah wala lang.'' Yassi said.

''Plastik'' Narinig kong bulong ni Yassi.

''Yassi!'' Pabulong kong sita sakanya.

''Bakit?Totoo naman eh.'' She said. Napailing na lang ako. 


After naming kumain,bumalik na rin kaming school. May mga class pa kasi kami. 

''Anong oras uwian mo?'' Biglang tanong ni DJ sakin habang nag da-drive siya pabalik sa school. 

''6 pa'' Tipid kong sagot. 

''Nako nako sinasabi na nga ba.'' Yassi said. Hindi na lang namin siya pinansin. 


Maya maya nakarating na rin kami sa school. Hindi ko na siya hinayaan na pag buksan ako ng pinto, lumabas na agad ako. 

''Thank you, sige una na kami. Paki sabi na lang sakanila'' Sabi ko kay DJ. Hindi pa kasi nakakarating sila Quen.

''Sige, ingat!'' He said. 

Iniwan na namin siya at nag palit na kami. Sa kitchen kasi kami ngayon. Baking class.

''Uy Nadz, sige na sali ka na sa cheer dance'' Sabi nung ka block ko na si Selena. 

Every year nila akong kinukulit na sumali dun.

''Sige pag iisipan ko'' I said.

''Lagi mo naman yan sinasabi eh!'' Napatawa naman ako.

''Promise pag iisipan ko'' 

''Okie bye!'' She said then umalis na. 

''Bat hindi ka kasi sumasali? Kaya mo naman yun eh'' Yassi said. 

''Eh alam mo naman diba, tinatamad ako mag training, atsaka mapapagod lang ako dun'' I said. 

''Eh kasi dati kayo pa ni DJ. Ngayon wala na! So may time ka, hindi ka na mapapagod.'' 

''Ewan ko sayo. Bahala na'' I said. Hindi naman na siya nag salita.

Pumasok na kami ng kitchen. Mag be-bake daw kami ngayon. By partner, kami ni Yassi ang partner. Red velvet cupcake ang gagawin namin. 

''Nakakainis talaga si Kath kanina!"' Yassi said.

''Ikaw talaga, buti na lang hindi niya narinig kanina yung sinabi mo'' 

''Hayaan mo siyang marinig niya!Kainis ang plastik talaga niya kanina'' 

''Malay mo naman totoo yung sinasabi niya'' I said.

''Nako! Hindi yun totoo. May feelings din yun kay DJ. Halata naman eh. Kasi hindi naman makikipag break sayo si DJ kung alam niyang wala talaga siyang pag asa kay Kath.'' 

''Grabe. Baka naman hindi niya talag ako gusto''

''Isa pa yang DJ na yan eh! Ang gulo! Ang sarap i untog!'' She said. 

''Hayaan mo na. Wala yun!'' 


Totoo kaya yun? May feelings si Kath kay DJ? Pano na si Thunder?

Seasons Of Love Where stories live. Discover now