SOL:39

858 31 4
                                    

Summer's POV

Pagkatapos nung nangyari samin ni Chris, hindi na niya ako inaway. Pero syempre paminsan minsan iniirapan niya ako. Hinahayaan ko na lang. Malaki na talaga sakin galit nun.

Hindi naman ako binigo ni James sa panliligaw niya. Halos araw-araw kung ano ano ang binibigay sakin. Nagpakilala na rin siya kala Mommy and kay Kuya.Mabait naman kasi talaga si James. Kahit si Mommy binibigyan niya ng flowers and foods.  Although  si Kuya medyo nag aalala kasi daw baka masaktan ako. Pero kung san ako masaya, dun na rin siya masaya para sakin.

Hihintay ko ngayon sila Quen dito sa may parking lot. Kakain kasi kami ngayon sa labas. Si James namna hindi pumasok kasi may inaasikaso siya. Habang nag hihintay nakita ko si DJ na naglalakad mag isa.

"DJ!" Tawag ko sakanya. Tumigil naman siya sa paglalakad kaya lumapit na ako sakanya.

"San ka punta? Sama ka samin?" Tanong ko sakanya.

"Ah hindi. May gagawin pa kasi ako. Sige Nadz una na ako" Sagot naman niya.  Bago siya makaalis pinigilan ko siya.

"Wait saglit lang DJ. May problema ka ba? Hindi ka na namin nakakakasama nila Quen" Sabi ko sakanya. Lagi kasi siyang umiiwas samin eh. Huling matinong usap namin is yung sinamahan niya ako na hintayin si Yassi.

"Yes Nadz. I have a problem. I'm still in love with you" Nagulat naman ako sa biglaan niyang pag amin. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Ano? Di ba-"

"Yes I know ginago kita nun. Pero I just realized na ikaw pala talaga ang gusto ko." He said.

"Sorry DJ. Hindi na talaga pwede eh" Sabi ko sakanya. Napabuntong hininga naman siya sa sinabi ko.

"I know. Nung una umasa ako na baka sakali bigyan mo ko ng second chance. But then seeing you with him, alam kong talo na ako" Hindi ko ini expect na sabihin niya sakin toh. Ang akala ko nagugulahan lang siya samin ni Kath.

"Siguro DJ pinag tagpo lang tayo para mag silbing lesson sa isa't isa. Malay mo naman naguguluhan ka lang ngayon. Baka si Kath naman pala talaga ang gusto mo. Kasi kung gusto mo talaga ako hindi ka titingin sakanya" Sabi ko sakanya. Wala naman halong bitter yung sinabi ko. Gusto ko lang talaga sakanya ipa realize.

"Sana DJ. Maging maayos din tayo. Bumalik sa dati bilang magkakaibigan"

"Oo naman Nadz. Pero hindi ngayon. I just need time. Okay?" Napatango na lang ako sa sinabi niya. He hugged me then umalis na siya.

Pagka alis ni DJ maya maya dumating na rin sila Quen. Na ikwento ko sakanila yung sinabi ni DJ. Wala naman kasi kaming tinatago sa isa't isa. Except yung nangyari samin ni James kasi ayaw namin mapalaki ang gulo.

Sabi nila halata naman daw na may feelings pa sakin si DJ. Pero baka naguguluhan na lang siya. Kaya hayaan daw muna namin siya. Sinabihan na rin nila ako na wag na ako masyado mag alala kay DJ kasi desisyon naman daw niya iyon. 


KINABUKASAN maaga akong pumasok sa school. May kailangan kasi akong  ipasa. Buti na lang hinatid ako nila Daddy sa school. Hindi ko na sinabi kay James na maaga ako pupunta ng school kasi for sure mag pupumilit yun na ihatid ako. Ayoko naman siyang istorbohin.

Pagdating ko ng school agad ako dumiretso sa may gym. Andun kasi ang office nung head sa sportsfest namin. Ipapasa ko na yung official members ng cheer leading team namin. Ako na kasi ang captain ngayon.

Na adjust naman bigla ang sports fest namin dapat next year pa kaso mas maganda daw pag October na lang ang start.

Pagkapasok ko ng office niya nagulat ako ng hindi lang pala ako ang magpapasa ng members. Pati si Kath andun. Siya na rin pala ang captain this school year.

"Sige Sir. Una na po ako" Sabi ni Kath at umalis na siya.

Pinasa ko naman agad yung listahan ng members at agad siyang hinabol. Buti na lang naabutan ko pa siya.

"Kath!" Tawag ko sakanya. Gusto ko kasing makipag ayos sakanya. Tumigil naman siya sa paglalakad ng tinawag ko siya.

"Pwede ba tayo mag usap?" Tanong ko sakanya. She just nodded.

Pumunta kami sa garden ng school at umupo sa isa sa mga benches dun. Wala pang tao dito dahil nga maaga pa.

"Kath. Gusto ko sanang humingi ng sorry sa nangyari. Alam kong mahirap pero sana magka ayos na rin tayo" Sabi ko sakanya. She's not looking at me. Nakatingin lang siya sa paligid.

"Alam mo Nadz. Ako dapat humingi ng sorry sayo eh. Sinira ko kayo ni DJ. Sorry hindi ko naman talaga sinasadya" Sunod na sunod na sabi niya. Hindi na rin niya napigilan umiyak. Hinawakan ko naman ang mga kamay niya para kumalma.

"Okay lang yun tapos na eh. To be honest nung una galit na galit ako sayo. Syempre sinong hindi magagalit diba? But when I fell in love with James dun ko naintindihan. Na pag tinamaan ka hirap pigilan. I'm not saying na okay manira ng  relasyon. Pero siguro may mga tao na dadarating lang sa buhay natin pero hindi mag s-stay." Explain ko sakanya.

"Pero grabe lang talaga ang tadhana satin, pinag exchange gift tayo" Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Thank you Nadz." She said while smiling.

"Thank you din. Sana mahanap mo na rin ang happiness mo. In God's perfect time" I said to her.

"Be happy with James. Sana hindi ka ma nose bleed" Natawa naman ako sa sinabi niya.

Nag kwentuhan pa kami saglit pero nauna na rin siya kasi may class pa siya. Pupunta na rin sana ako ng classroom ko ng makita ko si James.

"James? Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa?" Tanong ko sakanya.

"Yes. Dumaan ako sa bahay niyo  to surprise you but they said you went early to school. And yes kanina pa ako dito" Sagot niya.

"Narinig mo lahat?" I asked him. He smiled and nodded. Inakbayan naman niya ako.

"So how's your feeling?" He asked me. Naglalakad na kami habang naka akbay parin siya saakin.

"Syempre masaya, kasi okay na. Ikaw?"

"Of course I'm happy. Because now I can tell to the world how much you mean to me" He said then he kissed my forehead.

Seasons Of Love Where stories live. Discover now