SOL:47

772 29 8
                                    

Summer's POV

"Baby Clar! Halika na maligo na tayo" Tawag ko sa anak ko. Nadatnan ko naman siya sa kwarto na tinitignan ang mga travel pictures ko sa ipad niya. Naka save kasi dun.

Kanina sabi niya manonood lang siya movie ngayon tumigingin na siya ng pictures. She's always doing that. Aliw na aliw siya habang tinitignan yun. Lalong lalo na yung pictures namin ni James sa Japan.

"Baby clar. Stop muna yan" Sabi ko sakanya at tumabi.

"Mami weyt" She said habang tutok parin sa ipad niya. Napangiti na lang ako habang tinitignan ang anak ko.

Clara Therese Lustre.

She's turning 4 years old this month.Hindi man siya nanggaling sakin, sobrang mahal na mahal ko itong bata na toh.

I named her after St. Claire. Kung saan lagi ako nag dadasal dati. I feel like Clar is my answered prayer. Yung second name naman niya is galing sa tunay na nanay niya. Kahit namatay na si Therese gusto ko may nag uugnay parin sakanila ng anak niya.

Hindi namin expected na hindi kakayanin ni Therese. Napaaga ang paglabas ni Clar. Yung gabing nag away kami ni James, yun din ang gabi na sinugod namin si Therese sa hospital.

Magdamag siya nag labor hanggang sa hindi niya kinaya. Sabi ng doctor ma swerte parin kami kasi nabuhay pa si Clar.

Kasama ako ni Therese habang nag aagaw buhay siya at pinapanganak si Clar. She told me na gusto niya ako ang mag alaga kay Clar kung di man niya kayanin. Nag sorry din siya kasi binibigyan nanaman daw niya ako ng pabigat. Never naging pabigat sakin si Clar. She became my strength this past few years.

Nalaman ko rin na matagal na palang sinabi ni Therese sa parents niya na sakin mapupunta si Clar pag may nangyaring masama sakanya. Alam daw niua kasi na mahihirapan na sila tita mag alaga kay Clar. She's still using the Lustre kasi ganun din naman ang last name ni Therese.

"Mami mami!" Natauhan naman ako sa biglang tawag sakin ni Clar.

"Yes baby ko?"

"Dadi ni clar clar?" She said then sabay turo niya sa picture ni James na kasama ako. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Bat ngayon niya lang ito natanong? Bigla ko naman naalala na pinakita ni Yasser nung isang araw kay Clar ang picture ni Yassi and Andre. Dun siguro nagka idea si Clar.

"Ye-s baby" Sagot ko sakanya.

Nakita ko naman kung pano naging masaya si Clar sa sinabi ko. Tumayo pa siya at nagtatatalon.

"Yey! May dadi na clar clar!" Sigaw niya.

Sorry James. Gusto ko lang maging masaya ngayon si Clar.

"Okay tara na maligo ka na. Pupunta tayo kay Jesus and kay Mama mo" I said to her. Sumunod naman agad siya at pumunta ng banyo.

Pinaliguan ko naman siya, pinabihisan ko na lang siya kay Shara para makapag ayos na rin ako.

Sunday ngayon kaya mag sisimba muna kami sa St. Claire. Habang nasa simbahan hindi maiwasan ang pagkukulit ni Clar. Syempre bata pa naman toh walang ibang iniisip kundi laro.

Paalis na sana kami ng simbahan ng may biglang tumawag sakin.

"Nadz? Omygosh!" Napalingon naman ako sa nag salita. It's Selena. Yung ka team ko nung cheerdance nung college.

"Selena!" Agad naman ko naman siyang nilapitan at niyakap. Napatingin naman siya kay Clar.

"Eto na ba ang baby girl mo? Omg kamukang kamuka mo!" Napangiti naman ako sa sinabi ni Selena.

Marami nag sasabi na kamukang kamuka ko nga daw si Clar. Kaya siguro akala nila anak ko talaga si Clar. Siguro kasi palagi kami magkasama? Atsaka ganun din naman kami ni Therese dati. Para daw kaming pinagbiyak na bato.

"Grabe! Nagkatuluyan pala talaga kayo ni James!" Nagulat naman ako sa sinabi ni Selena.

Siguro akala niya anak nami ni James si Clar because of her foreign looks. Matangos ang ilong ni Clar at she has hazel eyes. Na namana niya sa tatay niyang kalahating italyano, kalahati gago.

Mag sasalita na sana ako ng biglang nag salita si Clar.

"Mami! Balloon balloon!!" Turo niya sa nagbebenta ng balloon.

"Sige baby Clar bili muna kayo ni Ate Shara ah?" Sabi ko sakanya at binigyan si Shara ng pangbili at umalis na sila.

"She's not really my daughter. Iniwan lang siya sakin ng pinsan ko na namatay na" I explained to her. Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Oh. I'm sorry for that. Aleast you have Clar. I think she is really a wonderful kid" Selena said.

"Yes she is" Sabi ko sakanya habang nakangiti.

"Sige na I have to go. May gagawin pa ako. Bibisita na lang ako sa resto mo i heard sobrang sarap dun" She said. Nagpaalam na ako sakanya at pinuntahan sila Clar.

Papunta na kami ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing si Therese. Walang naiintindihan si Cla ngayon sa sitwasyon niya, basta ang alam niya Mommy niya ako at Mama niya si Therese.

Ayoko naman hindi makilala ni Clar si Therese.

"Mama!" Agad naman lumapit sa puntod ni Therese si Clar at nilagay ang paboritong rose ng kanyang Mama.

Ako naman nilagay ko na rin ang bulaklak na dala ako nag sindi ng kandila.

"Talk to your Mama, baby" Sabi ko sakanya.

"Mama! Lapit na po mag 4 si clar clar! Ushap ulit po tayo sa dreams ko ha?" Sabi niya sa mama niya.She said na every birthday niya daw eh nagpapakita ang Mama niya sa dreams niya.

"And yehey po! May dadi na si clar clar!" Napangiti na lamang ako sa sinabi niya.

"Sige na Clar. Mag latag na kayo ni Ate shara para maka eat na tayo" Sabi ko sakanya at sinunod naman niya ako.

We do this every first Sunday of the month.

"I wish you're with us Therese. Napaka bibo ng anak mo" Bigla nanaman akong nalungkot ng maalala ko kung pano pinaglaban ni Therese ang buhay niya.

"Thank you Therese for giving me Clar. Di ko alam kung san ako pupulutin kung wala siya. Always guide us okay?" I said. After nun kumain na kami ni Clar.

"Ano gusto ng baby ko para sa birthday niya?" Tanong ko kay Clar.

"Gushto ko dun sa punta niyo ni dadi!" Sagot niya. She want us to go to Japan.

"Please mami please" Pakiusap niya sakin habang nag papa cute. Matitiis ko ba toh?

"Okay baby we'll go there!" Sabi ko sakanya at kinatuwa naman niya.

Pagkatapos namin kumain, umalis na rin kami kaagad. Pag uwi naman nakatulog na agad si Clar.

Nag aayos ako ng mga schedule, pagtingin ko si Quen.

"Hello Quen" Batinko sakanya.

[Hi Nadz!]

"Oh bat ka napatawag?" Tanong ko sakanya.

[Kasi Liza just want me to remind you about dun sa dinner para sa friday] Para kasi yun sa engagement nila ni Quen. Parang engagement party pero hindi party gusto lang nila na mag dinner at makasama yung mga family and friends na close talaga.

"Oo naman! Baliw talaga yun bat ko kakalimutan yun?" Natawa naman si Quen sa sinabi ko.

[Napaparanoid lang yun. Alam mo naman. Sige na Nadz i gotta go. Kiss baby clar for me!]

"Okay. Bye!" I said then ended the call at pinag patuloy ang mga ginagawa ko.

After ko ayusin inayos ko naman ang sarili ko tumabi na ako sa anak ko na mahimbing natutulog.

This is all I need after a long tiring day.

Seasons Of Love Where stories live. Discover now