SOL: 38

765 39 4
                                    

Summer's POV

Natapos narin ang OJT namin ni Yassi at nakabalik na kami ng Pilipinas. Hindi na kami halos nakapag bakasyon dito kasi sakto pagbalik namin malapit na ang pasukan.

Excited ako ngayong araw kasi first day namin bilang isang 4th year student. At syempre makikita ko na ang mga kaibigan ko. And malaya na rin kaming makakagalaw ni James.

Andito ako ngayon sa isa sa mga benches hinihintay sila Yassi. Medyo napaaga kasi ang dating ko dito sa school sumabay kasi ako kala Mommy.

"Good morning!" Bati sakin ni DJ at umupo sa tabi ko. Hindi pa kami nag kikita simula nung dumating ako dito.

"Good morning" Bati ko sakanya at ngumiti.

"Na miss kita. Ang tagal na kitang hindi nakausap. Busy ka na kasi noh" Natawa naman ako sa sinabi niya. Alam na niya kasi yung tungkol samin ni James.

"Baliw ka talaga" Sabi ko sakanya at ginulo ang buhok niya.

Nagkwentuhan lang kami habang sinasamahan niya akong hintayin si Yassi. Natigilan naman kami ng may biglang nag salita sa harapan namin. Pag tingin namin si James, tinitignan lang kami.

"Sige Nadz, una na ako may class pa ako eh. Take care." He said then ginulo niya ng konti ang buhok ko.

"Ikaw din ingat. Salamat" Sabi ko sakanya at umalis na siya.

Nag paalam naman siya kay James pero tinanguan lang siya ni James. Nakasimangot naman si James na tumabi sakin sa bench.

"Oh ang aga aga ganyan muka mo" Sabi ko sakanya. Pero hindi parin siya nagsasalita.

"Alam mo pag ganyan ka hindi nag sasalita lalayasan kita dito" Inis na sabi ko sakanya.

"Pero pag si DJ..." Narinig ko naman na bulong niya.

"Ano sabi mo? Ano naman meron kay DJ?" Tanong ko sakanya.

"You know that I get jealous everytime you are with him. Gusto na talaga kitang bakuran" Natawa naman ako sa sinabi niya kaya kinurot ko ang pisnge niya.

"Hay nako diba sabi ko naman sayo na friends lang kami nun. Ikaw kaya ang gusto ko." Sabi ko sakanya. Bigla naman siyang ngumiti. Baliw talaga toh.

"What did you say?"Tanong niya sakin habang nakangiti.

"Na friends lang kami?"

"Nope. The other one" Bigla ko naman na realize ang sinasabi niya. Kaya napairap ako at natawa.

"Ikaw ang gusto ko. Okay na?" When I said that hindi napigilan ni James na ngumiti. Namatay ata ako sa ngiti niya.

"Gusto na talaga kitang bakuran" He said then sumandal siya sakin. Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

"Ay ang aga aga niyo naman mag lambingan!" Sabi ni Yassi ng dumating siya. Natawa na lang kami ni James sa sinabi ni Yassi.

Tumayo na ako dahil may class pa kami ni Yassi. Hinatid na rin kami ni James hanggang sa classroom. Ramdam ko naman na pinag titinginan kami pero wala na akong pakielam.

"Sayang. We don't have a same class anyomore" Sabi sakanya ni James habang hawak hawak ang kamay ko. Nasa may labas lang kami ng classroom. Samantala si Yassi nauna na sa loob.

"Okay lang yun. Same naman tayo ng break eh" Sabi ko sakanya. He just smiled.

"Good luck sweet. Don't think too much of me okay?" He said then he kissed my hands. Nagpaalam na kami sa isa't isa at umalis na siya.

"Ang haba ng hair mo! Umabot hanggang mars!" Asar sakanya ni Yassi ng makapasok ako ng classroom at tumabi sakanya.

"Ay naapakan mo na ba?" Pag sakay ko sa asar niya. Nagtawanan namin kaming dalawa.

"Landi landi" Narinig ko na lang sabi ni Chris na ka block namin. Hinayan ko na lang siya. Alam ko naman na may gusto na siya kay James simula palang. Kaya naintindihan ko galit niya saakin.

Maya maya dumating na yung prof namin. Naging prof na rin namin toh last sem kaya hindi na kami nag introduce. After ng dalawa naming class nag ayos agad kami ni Yassi para pumunta sa canteen. Break na kasi namin.

Palabas na sana kami ng classroom ng may biglang sumigaw.

"Hoy malandi!" Sigaw ni Chris. Hindi ako tanga para hindi malaman na ako yun.

Hindi na lang namin siya pinansin ni Yassi. Pinagpatuloy na lang namin yung paglalakad. Pero makulit itong si Chris kaya tumigil pa siya sa harapan namin.

"Hoy tinatawag kita wag kang bastos" She said to me.

"Ay ako ba? Akala ko kasi tinatawag mo sarili mo" Sabi ko sakanya. Aalis na sana ako kasi bigla niyang hinila ang kamay ko.

"Ano bang problema mo ha?!" Inis sa sabi sakanya ni Yassi. Kaunti na lang ang tao sa classroom. Umalis na rin kasi yung iba namin na ka block.

"Yan kasing kaibgan mo ang landi landi! Akalain mo yun inahas si James kay Kath" Pinigilan kong umiyak dahil sa sinabi ni Chris. Susugurin na sana ni Yassi si Chris kaso pinigilan ko.

"Unang una sa lahat Chris,ano bang pakielam mo? Buhay naman ito. Ganun ka na ba ka bored sa buhay mo kaya gusto mo makielam?" Sabi ko sakanya ng kalmado. Nakatingin lang siya sakin.

"At pangalawa, hindi ako ahas. Wala kang alam sa nangyari kaya wala kang karapatan husgahan kami. Kaya pwede ba? Paki respeto na lang kami" I said.

"Ang yabang yabang mo!" Napairap na lang ako sa sinabi niya. Ang haba haba ng sinabi ko yun lang ang sagot niya.

"Ano bang nagustuhan sayo ni James ha?! Hinabol habol mo siguro yon!" Sasagot na sana ako ng may biglang nag salita.

"Oo nga noh? Ano bang nagustuhan ko sakanya?" Nagulat kami ng biglang nag salita si James. Naka sandal lang siya sa may pinto.

Naglakad siya palapit samin. Si Chris mukang kinabahan ng makita si James. Nang makalapit na si James hinawakan niya ako sa may bewang.

"Hmm. What do i like about you sweet? Your smile, your personality actually everything about you" He said while looking at me.

Masyado kong pinigilan ang kilig ko sa mga sinabi ni James. Yung ibang tao nga sa classroom kinikilig pano pa ako diba.

"So do you have any problems with that?" Sabi niya kay Chris. Umiling lang sakanya si Chris.

"Good and one more thing. Even though she's in the other side of the world it didn't stop from chasing her." He said then hinawakan na niya ang kamay ko at lumabas na kami ng classroom kasama si Yassi.

"Ikaw pala dapat bakuran ko eh" Sabi ko sakanya.

"It's my pleasure" He said while smiling.

"Huyy. Andito pa po ako may kasama pa po kayo" Natawa na lang kami sa sinabi ni Yassi. 

Seasons Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon