SOL:12

1.2K 55 5
                                    

Summer's POV

Today is Monday and wala parin yung driver ko kaya nag taxi na lang ako papuntang school tinatamad kasi ako. Tulog pa kasi sila Mommy and Daddy pagod sila galing sa isang business trip.

Pagdating ko sa school agad akong pumunta sa first class ko. Oo nga pala classmate ko si James dito. Pag pasok ko sa room andun na rin si Yassi at James.

"Good morning Nadz!" Bati sakin ni Yassi.

"Good morning" I said.

Umupo na ako sa seat ko which is katabi ko  nanaman si James.

Nilabas ko na lang ang phone ko at binuksan ko na lang ang 3G ko at nag instagram.

"James can I borrow your ballpen?" Yassi said.

"Sure. Kunin mo na lang sa bag ko" James said. Then binigay niya kay Yassi yung bag niya. Halatang tamad na tamad siya ngayon.

Kinuha naman ni Yassi yung bag niya at naghanap na ng ballpen.

"Wait parang familiar toh" Yassi said.

Tinignan ko naman kung ano yung tinutukoy niya.

Nagulat ako sa nakita ko.

Hawak niya yung keychain na niregalo ko kay James nung nasa disneyland kami.

Tumingin naman ako James, halatang nagulat din siya.

"Alam ko na! Ganito din yung isa sa mga pasalubong samin ni Nadz" Lalo akong kinabahan sa sinabi ni Yassi.

"Sayo toh James? Pero bakit S? Hmm. Wala namang S sa pangalan mo . Si Kath naman wala din" Halos mawalan na ako ng dugo sa katawan sa mga pinagtatatanong ni Yassi.

"It's not mine. Sa kapatid ko yan" James said.

"Ah okay! Kunin ko na ballpen mo ah. Thanks again!" Yassi said then binalik na niya yung bag kay James.

Nakahinga naman ako ng maluwag.

Pero bakit nasa bag niya yung keychain na binigay ko sakanya? Pano pag nakita yun ni Kath?

Buong class yung lang iniisip ko kaya di  ako masyado nakita sa prof namin ngayon.

After ng first class namin umalis na si James kasi vacant na niya kami may dalawa pang class.

"Grabe noh ang galing meron din yung kapatid ni James na keychain na katulad na katulad na binigay mo samin" Yassi said. 

"Sye-mpre galing din siya sa Japan so it's possible na pumunta siyang disneyland" I said. 

"Ah. Sabagay. Hindi mo ba talaga siya na meet sa Japan?" Yassi  asked. May alam na ba siya? 

"Hi-ndi nga. Sasabihin ko naman eh" 

"Okay. Hmm. Pero ang galing din kasi nagkataon na  S yung nakalagay sa keychain ng kapatid niya which is yun yung first letter ng first name mo. Alam mo ba nung nakita ko yung keychain ikaw agad ang unang naisip ko! Huy baka sayo galing yung keychain ah!" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng sinabi yun ni Yassi. 

"Huh? Baliw! Bat ko naman siya bibigyan ng ganun?! Malay mo pangalan ng kapatid niya Samantha or kaya Sandra or Sandro!" 

"Chill ka lang Nadz, nag jo-joke lang ako" Yassi said. 

Hindi na ako nag salita kasi dumating na yung prof. Nag focus na lang ako sa pinag sasabi ng prof namin ngayon. 

Nahalata kaya ako ni Yassi? Hay tanga tanga mo kasi Nadz eh. 

Maagang natapos yung discussion ng prof namin. May natira pang 40 mins sa time.

"Yassi pupunta akong canteen, gusto mong sumama?" Tanong ko sakanya.

"Nope, ikaw na lang I have to finish my homework eh para sa next class natin. Pabili na lang ng fries" She said.

"Okay!" I said. 

Kinuha ko na yung wallet ko then pumunta na ako sa canteen. 

"Ate pabili po ng dalawang fries" I said. 

"Sige. mga 5 minutes pa" Sabi ni Ate kaya umupo na lang ako sa malapit na table. Ang dami kasing bumibili kay Ate. 

Habang nag hihintay may biglang umupo sa harapan ko.

"James?"

"Hi" He said. Then kinain na niya yung burger niya. 

Awkward. 

Gosh. Ang gwapo niya parin kahit kumakain ng burger. Bat parang gusto ko kumain ng burger ng dahil sakanya? Na babaliw na ata ako. 

"What?" Nagulat naman ako ng bigla siyang nag salita. 

"Huh?"

"You're staring at me" Nagulat naman ako sa sinabi niya. 

"Ay sorry" Yan na lang ang nasabi ko dahil sa kahihiyan. 

"About that keychain..." Napatingin naman ako sakanya. 

"Here" He said then nilapag niya sa table yung keychain na binigay ko. 

"Huh?" Nag tatakang tanong ko. 

"I'm giving it back to you. That's why it's in my bag" He said. Nagulat ako sa sinabi niya. 

This is not what I expected to happen. 

Kinuha ko na yung keychain. 

"Ah ganun ba. Sige dadalhin ko bukas yung necklace na binigay mo" I said. 

 "Don't bother bringing it tomorrow. I don't need it" He said then umalis na siya.   

Ang sakit ah. 

Oo alam kong may girlfriend siya pero sana yung memories namin sa Japan pahalagahan niya. All this time ako lang pala yung may pake sa mga pinagsamahan namin sa Japan.


Jerk!



 



Seasons Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon