SOL:33

755 34 2
                                    

Summer's POV

Nag aayos na kami ng gamit ngayon nila Yassi. Ngayon na kasi ang last day namin dito sa Japan. Mamaya na rin ang flight namin papuntang San Francisco. 

Dapat mamasyal kami ngayon pero dahil sa nangyari hindi na. Si Kath lumipat ng hotel room. Si James naman daw di nila alam. 

Pero sabi ni Bret and Alexander wag daw kami mag alala kasi baka pumunta lang daw yun sa kamag anak niya dito si Japan. 

Nalaman ko rin na alam pala nila  Bret at Alexander ang nangyari samin ni James dati. Kasi nag kwento agad si James sakanila. Pero hindi naman daw nila expected na kaibigan pala ako ni Quen. 

Cool off si James and Kath nung nagkakilala kami dito sa Japan. Dahil nga sa nalaman ni James na parang may iba na si Kath pero never nalaman ni James kung sino yung lalaki. 

At ang galing ng tadhana kasi si DJ yon na ex ko. Na siyang dahilan kung bat nagkalabuan sila ni Kath. 

"Hoy kayong dalawang mag iingat kayo dun ah" Sabi ni Quen samin ni Yassi. 

"Don't forget to contact us ha! Andito lang kami pag may kailangan kayo" Liza said. 

"Opo mom and dad tatandaan po namin yan" Asar ni Yassi dun sa dalawa. Natawa naman kaming lahat. 

"Daya kasi dapat kasama ko rin kayo!" Sabi naman ni Liza. 

"Bakit babe ayaw mo na ba akong kasama?" Sabi ni Quen sakanya habang nag papacute. 

"Aysus dito pa talaga sa harapan naminn nag landian kayo" Sabi ni Yassi sakanila. 

"Nadz" Napatingin naman kasi sa nagsalita. Si DJ kakapasok lang sa room namin. 

"Pwede ba tayong mag usap?" Tanong sakin ni DJ. Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko. 

"Sure" Sagot ko sakanya. Lumabas muna sila Yassi para makapag usap kami. Tumabi naman sakin si DJ. 

"Are you okay?" Tanong niya sakin. 

"Hindi. Pero kakayanin" Sagot ko sakanya habang nakangiti. 

"That's what I love about you. You're so strong" He said. 

"Nako bolero ka parin" Natatawang sabi ko sakanya. 

"Hindi kita binobola noh. Totoo yung sinabi ko" Sabi niya saakin. Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko. 

"Actually ikaw parin ang laman nito" He said tapos inilagay niya ang kamay ko sa dibdib niya. 

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko or kung anong sasabihin ko. Nung natauhan naman ako bumitaw ako sa pagkahawak niya sa kamay ko. 

"Nako na-man DJ wala akong time sa jo-kes mo" Natatawang sabi ko sakanya. Pero deep inside kinakabahan ako. 

"I'm not joking Nadz. Oo inaamin ko nagka feelings ako kay Kath. Pa sikreto kami nag kikita these past few months kasi gusto namin linawin ang lahat. And dun ka na realized na hindi kita kayang mawala sakin" Hindi ko ini expect na maririnig ko sakanya toh. Nakatingin lang ako sakanya. 

"That's why these past few moths I did my best para bumawi ulit sayo. I want to court you again that time Nadz. Pero may napansin ako. I was too late." 

"I'm sorry DJ. I'm so sorry" Sabi ko sakanya hindi ko naman napigilan na umiyak. 

"You love him don't you?" Tanong niya saakin. I just nodded. 

"Sorry talaga. Hindi ko alam, hindi ko sinasadya. Promise" I said habang umiiyak. Niyakap naman niya agad ako. 

"Bakit ka nag so-sorry? Ako dapat nag sasabi niyan eh. I don't deserve a girl like you Nadz. Gusto ko sana sabihin na i'm letting you go. Pero hindi ka naman na sakin eh. Kaya I'll just accept your decision and be happy for you" Lalo akong napaiyak sa sinabi niya kaya napahigpit ako sa yakap sakanya.

Hearing those words on DJ medyo gumaan ang pakiramdam ko. Ramdam na ramdam ko yung sincerity niya. Feeling ko naiintindihan niya ako. Lalo na nung prinotektahan niya ako kagabi. I feel so safe. 

That's what I loved about DJ. Kahit na pinipigilan niya ako sa gusto ko ever since gusto niya na talaga ako protektahan. He always cared about me. 

After namin mag usap tinuloy na namin ni Yassi ang pag aayos. Pagkatapos nag lunch muna kami sa tokyo midtown. Sayang naman kung mag kukulong lang kami sa hotel room mag hapon. 

"Oh wala na kayong naiwan?" Tanong samin ni Quen. Paalis na kami papuntang airport. Mauuna kasi flight namin sakanila. Mamaya pa silang madaling araw. 

After namin i check kung may naiwan ba kami umalis na agad kami sa hotel. Halos lahat kasama pati sila Bret papuntang airport. Wala nga lang si Kath. Lalo na si James. 

"Summer" Napalingon naman ako kay Bret ng tinawag niya ako. Papasok palang kami sa airport. 

"Don't worry too much. Magiging okay din ang lahat" He said then smiled at me. Na touch naman ako sa sinabi niya. 

"Thank you" Sabi ko sakanya. 

"And I know for sure James didn't mean those words" Naalala ko nanaman tuloy ulit yung mga sinabi ni James sakin. I just smiled at him at pumasok na kami sa loob. 

Pag pasok namin ng airprt agad kong nakita ang Kuya ko na naghihintay samin. 

"Kuya!" Excited kong tawag sakanya. Agad naman siyang lumapit samin at niyakap ko siya. 

"I miss you bunso" He said habang yakap yakap ako. 

"I miss you too kuya" Sabi ko sakanya. After namin magyakapan pinakilala ko naman sakanya sila Bret at Alexander. 

Medyo may awkwardness kay Kuya Winter at DJ dahil sa nangyari samin dati. Pero nag explain naman na ako kay Kuya na okay na kami. 

"Tara bunso baka ma late pa tayo. Matatagalan tayo sa immigration" Kuya Winter said. Kaya nag paalam na kami sa mga kaibigan namin. 

Niyakap namin ni Yassi si Liza na naiiyak na. 

"Eto akala mo naman taon kami mawawala!" Biro sakanya ni Yassi. Natawa naman ang lahat. 

"Ingat ka palagi ah! Pag inaway ka ni Quen isumbong mo samin!" Sabi ko kay Liza. 

"Hoy mamahalin ko lang yan noh!" Singit naman ni Quen sa usapan. 

"Bye. Ingat ka rin ah" Sabi ko kay DJ. Niyakap naman niya ako. 

"Ikaw din palagi kang mag iingat. Pag may problema andito lang ako" He said. 

"Pasabi pala kay Kath sorry" 

"I will. Just enjoy there. Iwanan mo muna ang problema mo" Sabi naman niya sakin. Bumitaw naman ako sa yakap. 

"Thank you" I said. Nginitian niya lang ako. 

"Wala yun. You will always have a special place in my heart" Napangiti na lang ako sa sinabi niya. 

After namin mag paalam sakanilang lahat pumasok na kami nila Kuya at Yassi.

Tama si DJ. Kailangan kong iwanan ang mga problema ko. Maganda rin na lalayo muna ako. Baka sakali na makalimot ako. 





Seasons Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon