SOL:19

1.2K 44 6
                                    

Summer's POV

It's been two days simula nung dinalawa ako ni James sa bahay ko. Pag gising ko nun eh wala na siya sa tabi ko. 

Agad akong pina check up nila Mommy. At tama nga ang hinala ko, allergy ako dun sa pain killler. Kaya hindi na ako pinainom ng iba pang pain killers. Tutal hindi na masakita. Kumikirot na lang siya. 

2 days na rin ako asbent para makapag pahinga ako. Binisita naman ako nila Yassi.Kahit nga si DJ eh. Pinilit nilang wag na akong sumali ng cheerdance, kahit magulang ko. Kahit si Kuya na super busy na nasa ibang bansa. 

Pero ang sabi ko babalik parin ako. Hindi naman malala ang nangyari sakin eh. Yung iba nga nabalian pa. 

Papunta ako ngayon sa school. Kailangan ko ng pumasok kasi malapit na midterms namin kaya sigurado pura exams kami ngayon. 

"Thank you Kuya" Sabi ko sa driver ko at bumaba na. 

Pumunta agad ako sa classroom ko.  Pag dating ko naman dun agad akong binati ng mga ka block ko, tinanong nila kung okay na ba ako. Yung iba naman naki tsismis lang. 

"Oh Nadz, bat ka agad pumasok okay ka na ba?" Nag aalalang tanong ni Yassi. 

"Okay nako don't worry. Atsaka malapit na ang midterms kaya kailangan ko ng pumasok" Sabi ko sakanya. 

Maya maya eh dumating na yung prof. Kasabay ng pag dating ng prof namin, dumating na rin si James. Bigla naman akong kinabahan, hindi pa kasi kami nag uusap simula nung pumunta siya sa bahay.

Nagkatingan naman kami pero agad akong umiwas. Umupo na lang siya sa tabi ko. 

"May dapat ka pang i-kwento samin ah" Bulong sakin ni Yassi. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Hindi rin kasi namin napag usapan nung pumunta sila sa bahay kasi nga kasama nila si DJ.

Nakinig na lang kami sa prof. Si James naman tahimik lang. Mag uusap pa kaya kami? Baka hindi na. After mag discuss ng prof namin umalis na rin siya agad. Ganun din si James. Kasi nga hindi naman namin siya ka classmate sa next class. 

"Yassi, CR lang ako ah" Paalam ko sakanya. She just nodded. 

Pumunta na ako sa CR para umihi. Pag labas ko nagulat ako sa nakita ko. 

"We still need to talk" James said then umalis na siya. So mag uusap parin kami. Ugh. Bat parang kailangan ko makipag usap sa lahat? 

Pagbalik ko saktong dumating na rin yung prof namin. Nagfocus na lang ako sa pakikinig sa discussion kasi nga malapit na ang midterms at nirereview na rin kami ng prof. 

Pag dating ng lunch break agad kaming pumunta sa coffee shop. Hindi daw makakasama ngayon sila James kasi may date sila ngayon ni Kath. 

Ouch.

Nag order muna kami. After nun umupo kami sa dulo ng coffee shop kung saan wala samin makakarinig. 

"So mag start ka na" Yassi said. Huminga muna ako ng malalim bago mag salita. 

"Si James, I met him in Japan" Pag amin ko sakanila. 

"I knew it!" Yassi said. 

"So you mean siya yung lalaki na nakilala mo na nag bigay ng necklace sayo na hindi mo na naikwento samin?" Tumango lang ako sa tanong ni Liza. 

"But pano kayo nag kakilala?" Tanong ni Quen. 

Kwinento ko naman sakanila ang lahat ng nangyari simula nung nagkita kami sa streets hangang sa nangyari sa disneyland. 

"Wow destiny"Quen said. 

"Pano yun? Taken na si James" Sabi naman ni Liza.

"I swear guys, I didn't know that he has a girlfriend that time. Kaya nung pinakilala mo siya at nalaman kong may girlfriend siya, I feel.." 

"You feel betrayed" Natigilan ako sa sinabi ni Yassi. 

"You feel betrayed because hindi man lang niya sinabi sayo na may girlfriend siya. Kasi akala mo he's the one. Siya yung dahilan kung bakit nakalimutan mo ang sakit na binigay sayo ni DJ. Akala mo siya na yung mag papasaya ulit sayo. But nagkamila ka" Kilalang kilala na talaga ako ni Yassi.  

"Ye-s. I guess you're right. But don't worry pipigilan ko tong nararamdaman ko. Ayokong masira ang relasyon nila ni Kath" I said habang pinipigilan kong umiyak.

"Kaya ba ayaw mong ipaalam kay James na ex mo si DJ? Kasi pag nalaman niya, baka maghiwalay sila ni Kath?" Quen said. I just nodded. 

"We're proud of you Nadz. Kasi kahit pwedeng pwede mong sirain ang relationship nila, mas pinili mo parin na manahimik." Sabi sakin ni Liza. 

"You're still the same Nadine we know, selfless" Yassi said. Nginitian ko na lang sila. 

"Don't worry Nadine, we will always be here for you" Sabi ni Quen. 

"Thank you" Sabi ko sakanila. 

Maya maya eh dumating na yung pagkain namin kaya hindi na namin pinag usapan. Nag promise naman sila na hindi nila sasabihin sa iba. 

After nun bumalik na ulit kami sa classes namin. After naman ng class umuwi naman agad sila Yassi, ako naman dumiretso sa gym. May practice kasi ngayon ng cheerdance. Nung una ayaw nila akong pumunta pero buo na ang desisyon ko kaya di na nila ako pinilit. 

Pag dating ko sa gym naabutan ko ang mga ka team ko na nag prapractice.Kami lang ngayon sa gym. 

"Oh Nadine, bat andito ka na?" Tanong ni Coach. 

"Eh gusto ko na po sana mag practice" I said. 

"Nako wag muna, next week na lang." 

"Eh sige na po. Okay naman na po ako" Pag pupumilit ko. 

"Nadine, wag muna okay? Baka mabigla ka. Ganito na lang manood ka na lang samin para hindi ka mahuli sa steps pag nag practice ka na" Coach  said. 

Mukang wala na akong magagawa kaya pumayag na ako. Umupo na lang ako sa bleachers. Habang pinapanood sila biglang may nag text. 


Fr: James

Meet me at the lib. Now. 


Bigla akong kinabahan sa nabasa ko. Eto na yun Nadz, hindi mo na pwedeng takasan toh. Kinuha ko na ang bag ko at nag paalam kala coach then lumabas na ako ng gym. 


Author's Note:

I posted a new story; It Might Be You. It's a McRis Fanfiction



Seasons Of Love Where stories live. Discover now