Special Chapter

1.8K 63 15
                                    

Special Chapter

Him

Felix Ferrer Point of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Felix Ferrer Point of View

"Felix, lagi na lang tayong nagpupunta rito. Ano bang mayroon sa lugar na ito?" tanong ng lalaking kasama ko, nakasuot ito ng kulay asul na kamiseta at nakakunot ang noo nitong nakabaling sa akin.

"Tristan, maghintay na lamang tayo, alam kong may taong darating sa lugar na ito, isang espesyal na tao," tugon ko at isang ngiti ang kumawala sa aking labi.

"Sino ba yan? Yung Leonora? Yung babaeng lagi mong napapanaginipan?" aniya at tumawa. "Hindi totoo yun! Panaginip nga diba? Kabaligtaran ang nangyayari sa totoong buhay!" anito at muling tumawa.

Tinignan ko siya ng mariin at huminto siya sa pagtawa. "Alam kong darating siya..." seryoso kong tugon.

"Malalaglag ka na riyan sa tubig na nasa ibaba, wala pa rin s'ya!" anito nang may inis ang tono. "Madyak ammo kanya mun, Felix! Mabagbagtit kan," Hindi ko na alam sa iyo, Felix! Nababaliw ka na. Anito at naglakad papunta sa owner na sasakyan n'ya. Pumasok siya sa loob at muling sumulyap sa akin.

"Umay kat tuyen!" Halika na rito! Imwinestra n'ya akong pumasok na sa loob ng pagmamay-ari n'yang Owner Jeep.

Muli kong sinulyapan ang mga bituin na nasa itaas. Alam kong darating din siya.

Tumayo ako at naglakad na papunta sa kinalalagyan ng owner. Napahinto ako nang may isang bagay ang pumulupot sa aking suot na rubber shoes. Inabot ko ito at itinaas kapantay ng aking mukha. Isang kuwintas. May disenyo itong puso at may parang susian sa gilid nito.

"Anya? Mauna nakkon?" Ano? Mauna na ako? Tanong ni Tristan na nakasakay sa sasakyan.

Ibinulsa ko ang kuwintas at naglakad, at pumasok na papasok sa kanyang owner.

Minaneho n'ya ang sasakyan at kaagad kong inilabas ang kuwintas na ibinulsa ko.

Kanino ka ba? Pamilyar ka sa akin.

"Ano yan?" tanong ni Tristan nang mapansin ang dala kong kuwintas.

"Kuwintas, napulot ko," tugon ko.

Nagpatango-tango si Tristan at muli na lamang pinako ang kanyang tingin sa kalsada. Ibinulsa ko muli ang kuwintas at ipinikit ang aking mga mata.


"Jikkō wa ashita ni naru," The execution will be tomorrow, boses iyon ng isa sa mga heneral na kagaya ko. Suot n'ya ang unipormeng kulay kayumanggi at may salakot sa ulo, may makapal siyang balbas at katabaan.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now