✴ Kabanata 27 ✴

1.2K 64 66
                                    

KABANATA 27

"Binibini? Ano ba't hindi ka magkanda-ugaga riyan?" nagugulumihang tanong ni Yuishito.

"May sinubukan lamang ako, Ginoo" mapakla akong ngumiti at kapagkuway hinugot ang palawit ng aking pulseras sa kanyang kuwintas.

Iginiya ako ni Yuishito paupo habang nakaharap sa mga nakapintang larawan.

"Ginoo, bakit nga ba mayroong larawan si Michi sa iyong kubo?" pambabasag ko sa katahimikan.

"Hindi ako ang may gawa niyan, Binibini," mataman n'ya akong pinagkatitigan sa mata. "Ang mga larawan na iyan ni Michi ay likha ni Yoshito, tinuruan ko siyang magpinta at ngayo'y natuto na siya."

"Ang mga larawan ni Michi sa tahanan ni Manang Lucia, si Yoshito rin ba ang may likha?" tanong ko.

"Hindi, Binibini. Ako ang may likha ng larawan na yaon ni Michi. Hindi alam ni Yoshito ang tahanan na iyon at tanging ikaw lamang maliban sa amin ni Manang Lucia ang nakakaalam."

Napatango-tango na lang ako sa kanyang isinawalat at parang dinurog ng pinong pino ng aking puso sa hapdi. Totoo ngang minahal n'ya ng tunay si Michi at sana totoo ang pinagtapat n'ya sa akin...Sana. Ngumiti ako sa kanya bago muling nagsalita, "Hindi ba't sabi mo'y siya ang iyong unang pag-ibig? Pero bakit si Yoshito ang kanyang kasintahan?" nakakunot ang noong tanong ko.

Mga ilang segundo pa ang binilang bago siya sumagot. "Oo, totoo na siya ang aking unang pag-ibig. Ngunit," napahinto siya at bumaba ang tingin.

"Ngunit ano, Ginoo?" tanong ko.

Humigpit ang hawak n'ya sa aking kamay. Nababasa ko ito sa kanyang mga mata, nag-aalangan siyang sabihin ang katotohanan.

"Ngunit noong mga sandaling nalaman ko na gusto siya ng aking kapatid ay nagparaya ako." anito at nagbaba ng tingin. Hinihintay ko lamang ang kanyang mga susunod na sasabihin dahil wala akong salitang makapa sa aking mga dila.

"Leonora," tiim siyang tumingin sa akin. "Hindi ako mabait tulad ng inaakala mo," sambit pa nito.

Nangunot ang noo kong napatitig sa kanya, ang mga mata n'ya ay puno nang samu't saring emosyon pero isa lamang ang tiyak ko, may takot sa titig n'ya.

"Naging isa akong demonyo, Leonora. Nagalit ako sa mundo, puno nang galit ang puso ko dahil sa tingin ko ay hindi ko napaglaban ang pag-ibig ko para sa taong pinakamamahal ko. Naging malupit akong heneral, isa ako sa mga kinatakutan ng mga kempetai at mga Amerikano at Filipinong sundalo. Wala akong pinalampas na buhay. Ngayon, Leonora" sambit n'ya at pinagkatitigan n'ya ako. Aaminin ko, may takot akong naramdaman pero mas lamang ang tibok ng aking puso para sa kanya. Pag-ibig na nga ata ang nararamdaman ko. "Matatanggap mo parin ba ako?" puno nang emosyon n'yang tanong.

Hinila ko siya sa akin at mahigpit na niyakap, "If you love and you get hurt, love more. If you love more and hurt more, love even more. If you love even more and get hurt even more, love some more until it hurts no more.." bulong ko sa kanya habang yakap-yakap siya. "Iyan ang paborito kong pahayag ni Shakespeare."

"And I know," ulas niya "I will always love you," huminga siya ng malalim at hinigpitan n'ya ang pagkakaakap sa akin. "Until I breath no more."

Napapikit ako sa sarap ng sensasyong hatid ng yakap n'ya ito ang pinakamatagal na yakap na natanggap ko sa isang tao, at hindi ako magsasawang maramdaman ang kakaibang sensasyong hatid ng yakap n'ya.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now