✴ Kabanata 8 ✴

1.8K 80 5
                                    


"Tumahimik ka, Anselmo! Baka may makarinig sayo." napatahimik naman si Anselmo at pinagpatuloy na lamang ang kanyang ginagawang pagtatali ng sugat ni kuya Leonardo.

"Alam kong pag-sinabi ko kay Ama na kasapi ako ng mga Huks (HUKBALAHAP / HUKBONG BAYANG LABAN SA MGA HAPON) ay hindi niya ito sasang-ayunan at ayaw ko ring madamay sila ni Ina at aking mga kapatid. Alam kong nahihirapan ka na magkubli ng aking sikreto, Anselmo pero sana patuloy mo paring panghawakan ito, at nais kong pag-nawala ako, ikaw ang magiging daan ng aming mga sakrispisyo para sa bayang ito, ikaw ang mangangalap ng mga kasapi ng aming itinayong hukbo. Malaki ang tiwala ko sayo Anselmo, ikaw ang aking matalik na kaibigan." mahabang pahayag ni kuya Leonardo.

"O-Oo, A-asahan mo, K-kaibigan" nauutal na sumbat ni Anselmo.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, nanginginig ang aking mga tuhod at tumutulo na ang aking mga luha na animo'y walang katapusan. Hindi maari ito, bakit g-gagawin ni kuya iyon kahit alam nyang ikapapahamak niya. Alam kong makasarili ako sa lagay na ito pero hindi ko kayang may mawalang isang malapit sa aking puso.

Nakita kong papalapit na si kuya Leonardo sa pintuan kaya't nagkunwari akong kadaraan lang pero hindi maikukubli ang mga luha na ngayon ay umaagos sa aking mga mata.

"Oh, L-Leonora! K-kanina ka pa ba riyan?" nauutal na tanong ni kuya Leonardo, gustuhin ko mang sabihin sa kanya ang aking narinjg at kumpirmahin ay wala akong lakas nang loob na magsalita patungkol doon.

"Po? Ahh, H-hindi po. K-Kukuha lang ako ng maiinom" nauutal at nabblangko kong tugon habang iniiwasan ang kanyang mga titig.

"O, s'ya samahan na kita." tugon niya at tumango na lamang ako bilang sang-ayon.

✴✴✴

"Bakit namumula ang iyong mga mata? Sino ang nagpapaluha sa iyo?" tanong ni kuya Leonardo.

"W-wala ito, Kuya ma-may naalala lang akong nakakalungkot na pangyayari" sabi ko at muli na namang bumuhos ang aking luha.

"S-si Arnaldo na naman ba ang dahilan ng iyong pag-tangis?" diretso niyang tanong. Nagulat ako sa tinanong niya ngunit siguro, ito na lamang ang aking idadahilan. "Po? O-oo, Kuya. Si A-Arnaldo nga" sabi ko.

"Wag ka nang tumangis dahil sa kanya, kapatid ko. Pagmasdan mo na lamang aking makisig na mukha upang mapalitan ang iyong kalungkutang nadarama." at sa sinabi niyang iyon, ay mas lalong bumigat ang aking dinaramdam, paano ko pagmamasdan ang kanyang mukha kung sa bawat pag-tingin ko rito ay pag-kaawa ang nakikita ko? Paano ko pagmamasdan ang mukhang alam ko na ngayon ay nasa pagitan ng buhay at kamatayan?

"Ipangako mong di mo ko iiwan, Kuya" seryoso kong tugon.

Napalaki ang kanyang mga mata at ilang sandali pa ay ngumiti.

"Alam ko namang kaya mo, nakakahinga ka naman ng wala ako, hindi ba?" nang-aasar n'yang pahayag

"Kuya, ipangako mong hindi mo ko iiwan !?" medyo tumaas ang tono ng pananalita ko pero sapat lamang upang hindi magising ang mga tao sa paligid.

"Leonora?" narinig kong tawag ni ate Luna.

"Leonardo, bakit hindi ka pa nagpapahinga ?" tanong ni ate Luna kay kuya Leonardo.

"Sinamahan ko lamang ang nalulumbay nating, Bunso" sabi ni Kuya. Hindi ko alam pero sa bawat salita nya parang unti-unting nadudurog ang puso ko, marahil ay dahil walang nakakatiyak ng nalalapit na mangyari o kung anong mangyayari sa kanya.

"Magpahinga ka na at alam kong pagod ka. Ikaw naman, Leonora hindi ba't sinabi kong ako na ang sasama sa iyo? Bakit inistorbo mo pa ang iyong Kuya Leonardo?" paninita sa akin ni ate Luna.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon