✴ Kabanata 31 ✴

1.2K 53 19
                                    

KABANATA 31

Sinalubong kami ng kulay abong dalampasigan, binuhat ni Yoshito si Yuishito mula sa pagkakadantay sa aking balikat. Nang makaalis si Yuishito sa aking balikat ay nanuot ang pagkangalay at sakit sa aking balikat, ilang oras din siyang nakadantay sa aking balikat at para na akong na semento sa posisyon namin sa bangka.

Tinignan ko ang buong kapaligiran, malapit nang sumikat ang inang araw, pero naririnig parin ang mga tunog ng mga kulisap sa paligid, malamig ang hanging yumayakap sa aking katawan at marahang tumatangay sa aking ilang nakatakas na buhok.

"Leonora! L-Luna! Pakibilis, malapit nang rumonda ang mga kempetai sa bahaging ito," ani Yoshito habang akay-akay parin ang walang malay na si Yuishito. Pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan ni Yuishito, hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil ang pagdurugo nang kanyang sugat, marahil ay napuruhan talaga ito, lupaypay at walang lakas ang kanyang katawan kaya't minsa'y nawawalan ng balanse si Yoshito dahil na rin sa bigat ni Yuishito.

Yuishito, alam kong lalaban ka, alam kong magkasama pa nating hahanapin ang lahat ng sagot sa ating katanungan... sa aking katanungan... alam kong lalaban ka para sa akin... sa atin.

"Leonora," ani Ate Luna at napabalikwas naman ako sa aking iniisip.

Dala ang sakit ng aking balikat ay minabuti kong umalis na nga sa bangkang iyon dala ang mga bagay na ibinigay nang mga nakipagdigma sa kabilang dako ng karagatang ito.

Naramdaman ko ang buhanging humalik sa aking talampakan, naglakad kami sa hindi ko alam na lugar, sinundan si Yoshito.

~~

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay huminto kami sa harap ng maliit na tahanan na parang kasya lamang ay lima hanggang walong katao.

Imwinestra ni Yoshito si Ate Luna na kumatok sa bahay at kaagad namang tinugon ni Ate.

"Aling Pacing! Si Yoshi po ito," ani Yoshito at ilang sandali pa ay binuksan ng isang babae ang pintuan.

Sinalubong kami ng nagtatakang sulyap nito, "Pasok kayo," anito at imiwnestra ang loob, tulad nga nang inaasahan ko, maliit ang bahay, may ilang lampara ang nakapaligid sa sulok nito at siyang nagbibigay ilaw sa kabuuan ng bahay. Sa kaliwang bahagi ay may maliit na silid na kinakain ng kadiliman dahil walang liwanag mula rito. Sa kanang bahagi naman ay isang maliit na upuang tanggapan na yari sa kahoy ang naroroon. Simple at payak ang tahanan, wala na halos kagamitan bukod sa mahabang upuan iyon na nasa kanang bahagi ng bahay.

Ibinaba ni Yoshito si Yuishito sa isang yari sa kahoy na maliit upuang tanggapan.

"Manang Pacing, nasaiyo pa ba iyong ibinigay kong panggamot sa iyo?" ani Yoshito. Tahimik naman kami ni Ate Luna na nakatayo di kalayuan sa kanila.

"Oo, Hijo. Yun nga lang ay nagamit ko ang ilan sa paggagamot ng mga sugatan," ani Babae. Puti na ang kanyang buhok, pero masasabi kong nasa edad singkwenta hanggang sisenta pa lamang ito. Payat ang kanyang pangangatawan at may ilang bakas ng sugat ang nasa kanyang braso.

Umalis ang matanda sa aming paningin at pumasok sa isang maliit na silid, pagkatapos ay bumalik ito sa amin at may inilahad na kahon kay Yoshito.

"Mga binibini, kumuha muna kayo ng tulog sa aking silid," anito sa amin.

"Hihintayin ko pong magising si Yuishito," sambit ko at bumaling ang tingin ko kay Ate Luna na halos papikit na ang mata, " Ate, matulog ka na muna rito lang ako," sambit ko.

"Sige, Leonora, mauuna na muna akong matulog sa iyo," anito. Nagpatianod si Ate Luna sa matandang tinawag ni Yoshito sa pangalang Aling Pacing papasok sa  maliit na silid.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now