✴ Kabanata 25 ✴

1.3K 61 15
                                    

KABANATA 25

"M-Mang Nestor" naluluha kong pahayag. Nanlaki ang kanyang mapupungay na mata ngunit hindi siya nagpatinag, ikinasa n'ya ang hawak na riple at itinutok sa akin.

"Hindi kita kilala" malumanay ngunit may diin n'yang salita.

"Leonora." bulong ni Manang Minda at itinulak ako palayo at kasabay noon ay pag-alingawngaw ng putok ng baril. Muling natamaan ang kanang balikat ni Manang Minda.
Itinapat ko ang dala kong riple kay Mang Nestor. Bumuntong hininga ako at hinila ang trigger ng riple at ipinutok sa lupa. Hindi ko kayang pumatay ng tao, hindi.
Inalalayan ko si Manang Minda habang nagpapaputok sa lupa, isinakay ko siya sa Auto-Calesa na nakaparada sa harapan ng pintuang daan. Minaneho ko ito habang si Manang Minda ay patuloy na nagpapaputok sa mga humahabol na tauhan ni Arnaldo gamit ang kanyang kaliwang kamay.

Binilisan ko ang pagpapatakbo sa Auto-Calesa ngunit nasasagad na ang takbo nito.

Bumuntong hininga si Manang Minda. " Kamuntikan na tayo roon, Leonora"

"Kaya nga ho, kailangan na nating makapunta sa kampo upang malapatan ka ng paunang lunas." sambit ko habang pabaling-baling ang tingin sa pagitan ng daanan at kay manang Minda.

"Iliko mo sa susunod na kanto, mas malapit ang daan papunta sa ruta." ani Manang Minda. Sinunod ko naman ang sinabi n'ya niliko ko ang sasakyan sa sumunod na kanto at tumambad sa amin ang malawak na talahiban, madilim pa ang paligid at tanging sinag mula sa buwan lamang ang nagsisilbing liwanag.

"Bumaba ka na riyan!" sigaw ni Manang Minda na kabababa lamang ng sasakyan. "Bilisan mo." anito. Bumaba ako ng sasakyan at lumapit sa kanya.

"Wala tayong--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang iabot n'ya ang isang lampara sa akin.

"Nakuha ko sa loob ng sasakyan." anito. "May posporo sa bulsa ng iyong suot na pang-ibaba. Gamitin mo upang sindihan iyang lampara." dagdag pa n'ya at nauna nang maglakad.

Ibinaba ko ang lampara sa lupa at kinapkap ko sa mga bulsa ng unipormeng suot ko ang posporo. Nakita ko sa likurang bahagi ng bulsa ang posporo. Lumuhod ako sa harap ng lampara at sinindahan ito gamit ang posporo.

"Bilisan mo, Leonora!" sigaw ni Manang Minda na nasa kalayuan na. Agad akong tumayo at maingat na tumakbo sa kinalalagyan n'ya. Sabay kaming naglakad.

"Maging mapagmatyag ka! Baka mahulog ka sa mga patalim, sakop ito ng ating ruta." aniya habang naglalakad. "Hinto!?" sigaw n'ya at napahinto naman ako.

"Bakit po, Manang Minda." naguguluhang tanong ko.

"Umalis ka riyan! Isang hakbang pa at malalagag ka sa patibong." ani Manang Minda. Agad naman akong humakbang paatras at lumapit sa kanya.

"Iwasan mo ang madadahon lugar, lalo na ang may nakaimbak na mga dahon." anito. "O-Opo." tugon ko.

Makailang kilometro pa ay nakarating na kami sa kuta. Naabutan namin ang mga kalalakihang nagpapahinga.

"Nalagasan ba kayo?" tanong ni Manang Minda sa hindi ko tiyak kung kanino.

"Hindi, Minda. Dahil hindi namin naabutan ang mga kempetai sa kanilang kampo. Mukhang nakatunog sila. Ngunit may nakalap kaming impormasyon na sasalakay muli ang ilang kampo nila sa Corregidor. Kailangan nating tumungo roon, kulang na sila sa kagamitan at wala ng laman ang kanilang sikmura." ani lalaking sa tingin ko ay nasa pagitan ng edad trenta hanggang trenta'y singko. Nakasuot siya ng puting kamisa de chino na may karumihan na at may sukbit sukbit siyang bolo sa kanyang magkabilang baiwang. Marahan kong tinignan ang kanyang mukha. Kayumanggi ang balat n'ya, may kalakihan ang kanyang mata, may kapanguan ang kanyang ilong, manipis ang kanyang mapupulang labi at may peklat ng pagkakahiwa ang kanyang pisngi.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon