✴ Kabanata 11 ✴

1.5K 69 11
                                    

KABANATA 11

"Michi, Leonora?" Narinig naming tawag ni Tiya Carlota. Kaagad inayos ni Michi ang kanyang postura. "Maari ko ba kayong maistorbo sandali?" ani tiya Carlota.

"Opo, Ina." sabi ni Michi at sinenyasan ako na tumahimik, binuksan niya ang pinto at bumungad sa amin si Ate at Tiya na may dalang gatas at paunang panglunas.

"Magsiinom muna kayo ng gatas. Nga pala Leonora at Luna, nagpadala na ako ng liham sa inyong ama na paririto muna kayo ng isang linggo dahil may naganap na Martsa ng kamatayan kanina kaya't inaayos pa nila ang daanan at kinukuha ang katawan ng mga napatay na Sundalo. Nagkakagulo pa sa Plaza dahil may mga sumugod na Rebelde dahil napag-alaman nilang pinatay nila ang lider nila, a-ang inyong kapatid. Kaya nagpadala ako ng liham sa inyong Ina at Ama para masiguro na rin ang inyong kaligtasan, kami na mismo ang mag-hahatid sa inyo sa Hacienda." mahabang pahayag ni tiya Carlota.

"Maraming salamat, Tiya sa inyong pag-aalala. Hayaan nyo ho habang naparito kami ni Leonora ay tutulong kami sa gawaing bahay." sabi ate Luna na nasa tabi ni tiya Carlota.

"Nako, Ija hindi na kailangan, may mga serbidora naman kami kaya't wag na kayong mag-abala." sambit ni tiya Carlota na hinawakan ang kamay ni ate Luna.

"Nakakahiya naman ho Tiya at wala rin naman kaming pagkakaabalahan dito." nahihiyang sambit ni ate Luna.

"Ano ba ang inyong hilig? may pang pinta si Michi riyan at may mga Aklat rin, maari rin kayong mamasyal sa malapit na karagatan at sa Jardín del amor" (Garden of Love) suwest'yon ni tiya Carlota at nakatingin kay Michi.

"Jardín del amor?" Magkasabay na tanong namin ni Ate Luna.

"Iyon ang aming hardin, nasa dulo ng Hacienda iyon kaya't bihira namin mapuntahan, Si Michi ang nagpangalan nun hindi ko nga ba alam d'yan sa batang iyan kung bakit iyon ang ipinangalan" nakangiting sambit ni tiya Carlota habang pasalit-salit na nakatingin sa aming tatlo.

"I-Ina, maganda naman ang Jardín del amor. Ang mga bulaklak roon ang dahilan kung bakit ko ipinangalan iyon." Ani Michi.

"O siya sige na. Nga pala si Luna ay dito muna matutulog, hindi siya sanay na hindi kasama si Leonora kaya Anak doon ka na muna sa aking silid kung hindi ka sanay nang may kasama."

"Hindi, Ina dito na lang ako. Gusto ko rin ng may makakakwentuhan sa gabi." nakangiting wika ni Michi.

"O, sige maiwan ko na muna kayo. Matulog na kayo pagkatapos ninyo magkwentuhan. Nga pala, Leonora. May dala akong panglinis at panggamot ng sugat, linisin mo ang sugat mo bago ka matulog, Ija." ani tiya Carlota at ibinigay sanakin ang dala n'yang kahon na may lamang unang panglunas. "O-opo, tiya Carlota." nahihiyang tugon ko. "Wala iyon, mi hermosa sobrina" ani tiya Carlota at hinaplos ang aking buhok. "Matulog na kayo." ani tiya Carlota at hinalikan ang aming mga noo.

"Oho, tiya" "Opo, Ina" magkakasabay naming tugon. Ngumiti si tiya Carlota at isinara na ang pintuan. Nagpalinga-linga si ate Luna sa silid ni Michi, naglakad siya papunta sa maliit na mesa kung saan may nakakabit na malaking salamin at may malilit na drawer. May nakapatong na suklay at pulbos sa mukha na nakalagay sa bilog na lagayan. Kinuha ni ate Luna ang suklay na nakapatong sa mesa at pumunta sa aking likuran, nakasanayan na rin ni ate Luna na parating sinusuklay ang aking mahabang buhok.

"Michi, mawalang galang na, ano nga ulit ang iyong tunay na pangalan?" Tanong ni ate Luna habang sinusuklay ang aking buhok.

"Mikaela de la Vega, ate Luna. Michi naman ang aking palayaw may espesyal na lalaki ang nagbigay sa akin ng ngalan na iyon kaya't sinabi ko kay Ina na iyon na lamang ang itawag sa akin at ipakalat sa buong hacienda at sa buong pamilya ang aking bagong palayaw. Naguguluhan ba kayo? Paumanhin, sadyang espesyal lang ang palayaw na iyon sa akin." mahabang pahayag ni Michi.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now