✴ Kabanata 26 - I Love You ✴

1.3K 65 73
                                    


Sa kabanatang ito, promise hindi kita bibitinin 😂✌Enjoy Reading!

KABANATA 26

"Leonora,"

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata, nanlaki ang aking mga mata sa nasaksihan.

"A-Ate?" usal ko.

"Leonora." sambit n'ya at niyakap ako.

Tinignan ko ang kalangitan, napakabilis ng oras dahil sumisilip na ang inang araw. Dumako ang tingin ko sa karagatan, ang bughaw na tubig ay nababalot ng pulang dugo na nanggagaling sa dalawang kempetai na lumulutang ang walang buhay na katawan. Ngunit, Sino ang may gawa nito?

Kumalas sa pagkakayakap si Ate Luna, "Leonora," bakas sa kanyang maamong mukha ang takot at gulat sa nangyari, at ganoon din ako, lalo pa't wala na kaming masasandalan bukod sa aming sarili. Wala na.

"Ayos lang ba kayo?" sambit ng pamilyar na tinig na nanggagaling sa aking likuran. Unti-unti kong hinarap ang may-ari ng tinig.

Lumulundag ang puso ko, ang takot sa aking dibdib ay napalitan ng saya at pag-asa.

"Yuishito" usal ko. Katabi n'ya si Yoshito na ngayon ay nakatingin sa aking kapatid.

Lumapit sa akin si Yuishito at humakbang din ako papalapit sa kanya, sumagi sa aking hita ang ulo ng isang kempetai na wala nang buhay at lumulutang ang katawan, hindi ko na lang iyon pinansin at lumapit kay Yuishito.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya at kapagkuway hinaplos ang aking pisngi na puno ng luha. Dahan-dahan akong tumango at pinagkatitigan ang kanyang makisig na mukha. Hindi maitatangging nagkakaroon na ako ng pagkagusto sa lalaking ito. Ngayong narito na siya sa aking tabi, nasisiguro ko ang aking kaligtasan. Kaligtasan siya lang ang nakakapaghatid.

"Nag-alala ako sayo, bakit mo ako iniwan?" puno ng emosyong usal n'ya.

"Kuya, Bilisan mo at baka dumating sina Heneral Yaito!" sambit ni Yoshito.

Hinawakan ni Yuishito ang aking kamay at iginiya n'ya ako sa hindi ko tiyak na lugar, at alam ko at nasisigguro kong tungo ito sa aking kaligtasan.

Habang tumatakbo kami ay palihim ko siyang pinagkatitigan. Bakit ba naging isa kang bituin sa kalangitan at isa akong tubig sa karagatan? Bakit napakahirap mong angkinin kahit pa alam kong kaharap lang kita? Bakit hindi ka na lang naging dalampasigan nang may pag-asang tayo'y magsama? Bakit?

Dumako ang tingin n'ya sa akin at nagpakawala ng matamis na ngiti na agad ko namang tinugunan. Marahil, ito na ang pinakaunang ngiting iginanti ko sa kanya.

Dinala n'ya ako sa maliit at payak na tahanan na gawa sa bato. Pinaupo n'ya ako sa isa sa kahoy na upuan.

"Ito ang tinutuluyan ko; Inabandona ito ng dating nagmamay-ari nang makapasok ang nga kempetai sa corregidor, at kamakailan ko lang namalaman na may sikreto itong silid," tumigil siya at inalis ang tela at itinaas ang kahoy na nakakabit sa sahig, isa itong lagusan papunta sa sikretong silid. "Dito ka pupunta kapag may naramdaman kang kakaiba." sambit n'ya at tumango naman ako. Iniayos n'ya ang sarado ng lagusan, saka siya umupo sa aking tabi.

"Si Ate Luna, bakit wala pa siya rito?" tanong ko.

"Hindi ko alam, Binibini. Marahil ay kasama siya ni Yoshito. Magtiwala ka, sigurado akong nasa maayos na kalagayan ang iyong kapatid."

Marahan naman akong tumango sa kanya.

"Nagugutom ka ba? May pagkain ako riyan." sambit n'ya.

"Ah, Hindi" tugon ko. Tumayo ako at naramdaman ko ang sakit ng aking puson. Hindi maari, dinalaw ako ng aking buwanang karumalan.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon