✴ Kabanata 14 ✴

1.3K 67 29
                                    

KABANATA 14

"Wala akong nakita, binibini" sabi niya pero patuloy pa din akong sumisigaw. Mas lalo kong nilubog ang aking katawan upang maitago ito sa kanya, nakaapak ako sa bato at nakatago rin sa nakaangat na malaking bato.

"Ano bang ginagawa mo rito? Ako siguro'y sinisilipan mo." singhal ko.

"Hindi binibini nagkakamali ka, naparito lang ako upang...upang linisin ang sugat ko" paliwanag ni...

Yuishito.

Nakaupo siya sa malaking bato at may hawak na isang tela na puno ng matsa ng dugo.

"Kararating ko lamang dito at wala akong nakita miski anong parte sa katawan mo." sabi niya.

"Iabot mo ang aking kasuotan" pasigaw na utos ko at tinuro ang kinalalagyan ng aking kasuotan

"Sige, Binibini" sambit nya at humakbang papunta sa tinuro kong lugar.

Ngunit, teka, naroon ang aking pang ibaba anong gagawin ko?

Akmang dadamputin na niya ang aking kasuotan nang sumigaw ako "Sandali!?" pagpigil ko.

"Bakit binibini?" Tanong niya. Ngunit paano ko nga ba ipapaliwanag na naroon ang aking pang ibaba at walang dapat na makakaita nito kung hindi ako lamang.

"M-M-May dugo ang iyong mga kamay at ... at ayoko sa .. sa dugo kaya't k-kung maari ay..." Hindi ko maituloy ang aking sasabihin dahil wala naman akong maisip na paraan kung paano ako makakahon rito upang makuha ang aking kagamitan. Nilibot ko ang aking paningin, at di kalayuan ay nakita ko ang kanyang kasuotan na pang Kempetai, siguro ay sapat na iyon upang takpan ang aking buong katawan hindi naman ako katangkaran at katabaan kaya't sa tingin ko ay kasya na sa akin ang kasuotan na iyon at gagamitin ko iyon upang gawing pangtakip at makuha ang aking mga kasuotan.

"Sige maghuhugas lang ako bini---"

"Hindi! Sandali riyan ka lang!" Pangputol ko sa kanyang sasabihin

"Bakit binibini hindi ba't pinaaabot mo ang iyong kasuotan?" Nagtatakang tanong niya.

"Oo pero ... Iaabot mo sa aking ang iyong kasuotan na pang kempetai at tumalikod ka habang iniaabot ito" utos ko.

"Ngunit may bahid ito ng dugo hindi ba't sabi mo ay ayaw mo sa dugo?" Tanong niya, Paano ba ito? Anong idadahilan ko? Kailangan kong mag-isip.

"Ahh. Hi-Hindi na ako takot sa dugo." Sabi ko at pinanlisikan siya ng mata. "Agad bang nawawala ang takot ng isang tao?" Nagugulumihan niyang tanong.

"OO! KAYA'T MAARI BANG IABOT MO NA LAMANG ANG IYONG KASUOTAN!" Singhal ko sa kanya

"S-Sige,Binibini." Sambit niya at kinuha ang kanyang kasuotan. Lumapit siya sa akin nang patalikod at sinarado ang kanyang mga mata, malapit na siya sa aking kinalalagyan nang ....

*BLOOOGSH*

Nahulog siya sa tubig at napako na ako sa aking kinatatayuan, napaka lapit niya sa akin at ito ako na walang ni isang saplot sa likuran niya.

"Binibini, wala akong nakita at nais kong marinig ang boses mo." Nakapikit pa rin siya at nakatalikod siya sa akin.

"N-Narito ako s-sa likuran mo"

Umatras siya patalikod at laking gulat ko nang hawakan niya ang aking magkabilang balikat at pinulupot ang kanyang kasuotan sa akin at ngayon ay nakayakap na siya sa akin, pinagkatitigan ko siya, nakasara parin ang kanyang mata.

"Wala akong nakita miski anong parte ng katawan mo, Binibini. Nirerespeto kita tulad ng pagrespeto ko sa aking Ina" Bulong niya. Marahan akong tumingin sa kanya at nakita kong nakapikit parin siya. Humiwalay ako sa kanyang pagkakayakap at tumalikod sa kanya upang ayusin ang butones ng kanyang kasuotan.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon