✴ Kabanata 13 ✴

1.4K 76 12
                                    

KABANATA 13

"A-Ama?" Nanlaki ang mata ko sa nakita ko, si Ama ang nasa kama, nakapikit ang kanyang mga mata at may marka siya sa kanyang leeg na parang sinakal. Inilapag ko ang gasera sa katabing maliit na mesa at hinawakan ang kamay niya.

"A-Ama, gumising ka!" Humahagulgol na sabi ko, sumisikip ang aking dibdib, nangingig ang aking mga tuhod, ngayon ko pa lamang nakitang ganito ang hitsura ng aking Ama. Nakasuot siya ng kamiseta na puti taliwas sa mga magagarbong Amerikana na lagi niyang suot, benda ang ngayo'y suot niya sa halip na sumbrerong isa sa koleksyon niya.

"Ama, p-pakiusap gumising ka!" sabi ko at hinagkan ang kamay niya.

"Ama, Lumaban ka hindi namin kakayanin na wala ka. Pakiusap, Ama." sambit ko, gumalaw ang kanyang daliri at napatingin ako sa mukha niya.

"A-Ama, sandali lamang wag ka munang tatayo"

"L-Leonora? I-Ikaw ba yan?" nakakunot ang noong tanong niya habang matiim na nakatingin sa akin.

"Opo, Ama ako nga." sabi ko at kinuha ang gasera at tinapat ko malapit sa mukha ko upang makita nya ako ng lubusan.

"Nasaan tayo, Anak? Bakit napakadilim rito? Si Luna? Ang inyong Ina? Nasaan sila?" Sunod-sunod na tanong ni Ama.

"W-Wala sila rito, Ama. Si Ate ay in---teka, si Ate kailangan ko siyang balikan" sambit ko. Nalimutan ko na iniwan ko pala si Ate. Kailangan ko siyang makita. "Ama, kailangan ko munang umalis, kailangan kong ipaalam kay Ate Luna na nandito ka, babalik din ako, Ama. Pangako." akmang tatayo na ako nang biglang masalita si Ama. "Leonora",

"Po, Ama?" tanong ko at tinitigan siya sa mata.

"Patawad."

"Bakit ka humihingi ng tawad, Ama? Ako nga dapat ang humingi ng tawad sa iyo dahil wala po ako roon sa sandaling kailangan niyo ako"

"Paumanhin, Anak kung wala na akong kakayahan upang ibigay sa inyo ang mga kagustuhan ninyo. Patawad kung hindi na mababango at magagarbong kasuotan ang maisusuot nyo. Patawad, Anak ko" ramdam ko ang lungkot sa boses ni Ama at nakita ko ang luhang pumatak galing sa kanyang mata.

"Ama, walang magarbong kasuotan ang mas hahalaga pa sa pamilya, kahit pa papiliin ako sa pagitan ng pamilya at maraming ginto ay pipiliin ko kayo, dahil walang halaga ang buhay kung wala kayo, ang pamilya ko." seryoso kong tugon.

"Napakatalino mong bata, Anak. Lagi kitang pinagmamalaki sa aking mga Kaibigan." Napangiti ako sa tinugon ni Ama, nakakabusog sa puso na malaman na pinagmamalaki ka ng iyong Ama.

"Maiwan ko muna kayo rito, Ama kailangan ko pong makita si Ate Luna." Sabi ko at tumango naman siya.

Lumabas ako ng Kubo at nakita ko si Yuishito na nakahiga sa damuhan at wala si Yoshito sa tabi nito, may Tali at gamot na rin ang sugat niya. Maingat akong naglakad palayo sa kaniya upang bumalik sa lugar kung saan ko iniwan si ate Luna.

"Pinasundo ko na sya kay Yoshito. Hintayin mo na lamang at babalik rin sila." nakatitig parin siya sa kalangitan habang binibitiwan ang mga salitang iyon.

"Sige." sabi ko at umupo sa tabi niya.

"S-Salamat nga pala, Ginoo d-dahil tinakas mo ang aking Ama. Hindi ko alam kung paano ka susuklian sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Walang pagsidhan ng tuwa ang aking puso dahil nalaman kong ligtas na ang aking Ama." Ngiti lang ang tugon nya sa akin. "Wala ka bang ibang sasabihin?" Nakakunot ang noong tanong ko sa kanya.

"May dapat ba akong sabihin?" Tanong niya at tumingin sa akin.

"Hays, Wala naman. Nga pala, kamusta ang iyong sugat?" Tanong ko.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now