✴ Kabanata 6- Yuishito✴

2.1K 87 13
                                    

KABANATA 6

"Anata wa gojasuda" bulong nya. Hindi ko maintindihan ang kanyang sinabi pero mas lalong lumakas ang pintig ng puso ko.

"M-maawa po kayo. pakawalan niyo na po ako" pagmamakaawa ko.

"Shhhhh" bulong niya ulit. "Wala akong hilig sa babae" nanlaki ang mata kong napatitig sa kanya. N-nagtatagalog siya? Nginitian niya ako pero hindi ko magawang ngitian din siya dahil na rin siguro sa takot ko.

Tumayo siya at kumuha ng Itak at lumapit sa akin. Itinaas niya ang itak at napapikit na lang ako.

Naramdaman ko ang unti-unting pagluwang ng tali sa kamay ko. Dinilat ko ang aking mata, Kala ko ay papatayin niya na ako. Napabuntong hininga ako nang mapagtantong buhay pa ako.

Muli siyang lumapit sa akin at hinawakan ang naka gaza-ng sugat ko sa leeg.

"Masakit ba? Paumanhin kung nasaktan kita." sambit niya.

"H-hindi naman." tugon ko kahit may pag-alinlangan at kaba parin sa aking dibdib.

Muli nya akong nginitian, hindi ko alam kung bakit pero sa pagkakataong ito ay naging kampante ang loob ko sa kanya.

"Napakagandang pulseras" sabi niya at tinuro ang pulseras na nakalagay na ngayon sa akin pulso.

"Maraming salamat, Ginoo" tugon ko.

Tumayo siya at bumalik sa kanyang inuupuan at muling kinuha ang diksyunaryong tagalog.

"Kumain ka muna" alok niya at tinuro ang pagkaing kulay itim, may nakalagay na kanin sa loob at kulay pulang pagkain na nasa gitna.

"Maraming salamat na lang, Ginoo pero busog pa ako" tugon ko.

"Mamayang alas onse kita pakakawalan, nariyan pa si Heneral Usui" sabi niya habang nakatingin parin sa Diksyunaryo.

Maya-maya pa, may narinig kaming katok mula sa pintuan. Tumayo yung lalaking kempetai na nakaupo at lumapit sakin.

"Anata wa watashi no okorimono o tanoshinde imasu ka?" (Are you enjoying my present?)

"Hai, arigatogozaimasu" (Yes, Thank you)

"Umungol ka" bulong nya sakin. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Paano ko gagawin iyon? Hindi ko alam kung paano.

"H-hindi ako marunong" bulong ko.

Nagulat naman ako ng bigla siyang umungol.

"Anata wa sore o tanoshinde iru ha~a~tsu" (you are enjoying it, huh) sabi pa ng lalaki at marahang tumawa.

Narinig naming papalayo na ang mga yapak at senyales iyon na umalis na ang Heneral. Tumayo na siya at sumilip sa maliit na butas.

"Umalis na siya at sa palagay ko ay magtutungo siya sa kabilang kampo." sabi niya.

Ilang minuto lamang ay lumabas na kami ng silid na iyon. Tahimik sa kampo nila at halatang nagpapahinga na ang ilang kempetai.

"Ihahatid na kita" presinta niya.

"S-salamat, Ginoo" sambit ko.

Nakakailang hakbang palang kami galing sa silid niya nang may natanaw akong isang babae na nakadungaw sa maliit na bintana ng silid.

"Tulungan mo ako" pabulong na sambit ng babae.

Lalapitan ko na sana ang babae pero hinawakan ng lalaking kasama ko ang aking pulso.

"Hindi natin siya pwedeng itakas, magagalit si Heneral Usui pagbalik niya" bulong niya sakin.

"Pero, kailangan ko siyang iligtas, may pamilyang naghihintay sa kaniya" tugon ko.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon