CHAPTER 26

14.3K 328 6
                                    

Chapter 26

Author's note:

Nagkamali ako sa chapter 25..hehehe kaya andoon na po yung kadugtong. :)

Don't forget to hit VOTE!! :)))))

****

Yen’s POV

Paglabas ko ng cafeteria after ko magmeryenda nakita ko si Russell na nakatayo sa lobby na may kausap.

Nahiling ko na lang sa isip ko na sana hindi niya ako nakita.

“Hello miss beautiful.”

Awkward time.

Awkward place.

Awkward situation.

Ang malas naman.

Ngumiti na lang ako saka ko sila nilagpasan ng kausap niya.

Akala ko magandang chance na yung may kausap siya..pero nung papasok ako ng elevator bigla siyang humabol papasok doon.

Dalawa lang kami na nasa loob noon.

“Busy busyhan na naman ba kayo ni Ran?” Nakangiting tanong nito.

“Everyday Mr. Sy.” Formal na sagot ko dito. Ayoko na din kasing madugtungan pa yung usapan kaya matipid lang yung sagot ko.

Tumango lang siya pero nakangiti pa din.

Bakit ba kailangang nakangiti siya parati kahit wala naman ng nakapaligid na babae? Isa pa kahit naman huwag siya ngumiti gwapo pa rin siya. Honestly.

“Mr. Sy nailipat na ba yung office niyo? Lagpas na kasi tayo sa floor ng office mo.” Puna ko dito nung nakita kong lagpas na kami sa floor ng office niya.

“Hindi naman nailipat. Hahatid lang kita sa office niyo.” And as usual, he still wears that gorgeous smile.

Pero hindi ako nakaramdam ng tuwa sa sinabi niya. “Sir as you can see..i am capable of going to our office without your assistance.”

Ngumiti lang siya bilang sagot.

Napabuntong hininga na lang tuloy ako. Ito talaga yung tipo ng taong gagawin lahat ng gusto.

Pagbukas ng elevator paghinto nito sa floor namin…nakatayo si Ran sa harap namin.

Hindi ko maintindihan kung bakit pareho kaming nagulat ang reaction eh normal lang naman magkasalubong kami.

“May pupuntahan ka ba Ran?” Tanong ko sakanya para mawala yung awkward na aura sa pagitan naming tatlo.

*****

Ran’s POV

“May pupuntahan ka ba Ran?” Tanong ni Yen after ng saglit na katahimikan nung magkasalubong kami.

Bakit magkasama sila ni Sy?

Pinilit kong maging formal kahit nakakaramdam na naman ako ng inis…

…o selos.

“Yes. May kukunin akong files na naiwan ko sa loob ng kotse ko.”

“Ok. Mauna na ako.” Sabi lang nito saka siya naglakad na papunta sa office.

“Loryen! Next time ulit ah.” Pahabol ni Russell dito.

Anong next time ulit ang pinagsasasabi ng isang to?

Pagkasara ng elevator walang nagsasalita saming dalawa ni Russell.

“Naligaw ka ata sa floor namin Sy?” Hindi ko na napigilang magsalita.

18 years old PARENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon