CHAPTER 7

13.8K 312 12
                                    

Author's note: Haha nagkataon na magkasama kami ni an***** kagabi. She was suggesting something na hindi ko talaga kayang isulat. anyway....

Do Vote if you like.. and do post a comment if you want to say something. :)

******

Autumn’s POV

“IKAW!!!!!!!!!!!!!” Halos sabay pa kaming sinabi yon.

“Wait… magkakilala kayo??” Singit ni Tita Yen.

Pareho kaming tumahimik.

“Siya yung pamangkin mong buntis?!” Nakakunot noong tanong nito.

“Oo, So magkakilala nga kayo?” Ulit ni Tita Yen.

So alam na nito yung sitwasyon ko.

Bakit ba ngayon ko pa siya nakita..

Sa oras na hindi ko napaghandaan.

“Damn!” Napamura si Red ng mahina habang salubong yung mga kilay nito.

“Teka nga! Ano bang nagyayare dito!” Asar na tanong na din ni Tita Yen.

“Siya yung ama nung batang dinadala ko…..” Mahinang sabi ko.

Buong kwarto tumahimik.

Ang sumunod lang na gumawa ng ingay…ay yung pagbukas ng pinto at pagpasok ng isang lalakeng mejo hawig ni Red.

“What’s happening here?!” Nakakunot noong tanong ng lalakeng bagong pasok.

“How could you be sure?”

Parang nag echo yun ng paulit ulit sa tenga ko.

It was just a question pero nakakainsulto.

“Maybe it was just a mistake.” Dugtong pa nito.

Sa pagkakataong yun hindi ko na napigilang lapitan siya at sampalin.

Lahat sila nagulat sa ginawa ko.

“Ganyan ka ba kaduwag…” Pinipilit kong huwag ilakas yung boses ko pero may halong galit yung tono ng pananalita ko. “…..Para lang makatakas ka sa responsibilidad na ‘to…kailangan mo pang pagmukaing masama ang isang tao?!” Nagsimula na ding lumabo yung paningin ko dahil sa mga luhang nagsisilabasan sa mata ko. “..Alam mo kung ano yung nangyare nung gabing yun. Kung di mo yun ginusto….ano na lang ako?? Malaki yung nawala sakin.” Saka ko pinagsusuntok yung dib dib niya.

18 years old PARENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon