CHAPTER 18

15.6K 320 8
                                    

Author's note:

That awkward moment..when you smile in front of your friends just to show them how strong you are..but deep inside you're trembling.

Huwag mong piliting tumibok ang puso ng isang tao kung may butas pa iyon. Kasi walang maiiwan sa loob nun. ---anu daw. ewan ko ba kung san ko napulot yang mga yan.

VOTE niyo. Jan nio lang ako mapapasaya. nx in advance. pasenxa na sa pagiging imotera.

****

CHAPTER 18

Autumn’s POV

Pag uwi namin after magpacheck up nadatnan ko sa bed ko yung isang box na may lamang white dress na may partner na pouch, shoes and accessories.

Maya maya may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

It was kuya Ran.

“Can I come in?” Tanong nito.

“Oo naman kuya.” Nakangiting sagot ko dito saka pinaluwag yung pagkakabukas ng pinto.

Sa tapat ng bintana agad siya tumayo habang nakapamulsa.

Nagawi yung tingin nito sa dress na nakalatag na sa bed ko.

“Do you like it?” Maya maya ay tanong nito.

“Opo. Sayo ba ‘to nanggaling kuya?”

“Yeah. Tita mo ang pumili sa dress na yan. Actually andito ako para kamustahin ka. Anong sabi ng doctor kanina.”

“Kagaya pa din po ng dati. Na wag daw ako magpapagod at kumain daw ako ng tama. Ok lang naman daw yung blood sugar ko at blood pressure ko.”

“Good. Kinukulit na kasi ako ni Mommy about sayo. Hindi daw sinasagot ni Red yung tawag niya.” Paliwanag nito.

“Baka busy po.” Umupo na ako sa bed ko habang hinihintay kung ano pa yung susunod na mga sasabihin nito.

“Kamusta kayo ni Red? Hindi pa rin ba maganda ang pakikitungo ng isang yon sayo?” Tanong ulit nito.

“Ok naman na po kaming dalawa.” Masiglang sagot ko dito.

“Hmmmn. Good to hear na nagmamature na yung pag iisip ng isang yon. He was a selfish brat na ang gusto walang nangingialam sa buhay niya. Akala niya lahat ng bagay puro page enjoy lang. Kaya paagpasensiyahan mo na kung minsan nagiging harsh siya sayo. Pakiramdam niya siguro ninakaw mo sakanya yung kaligayahan niya.” Napabuntong hininga na lang ito saka dumungaw sa labas ng glass window ng kwarto ko. “I’m telling you all this para hindi ka masyadong madala sa pagiging makitid ng pag iisip niya minsan. I hope you don’t mind.”

Eto yung unang pagkakataon na nagkaroon kami ng serious conversation magmula nung dumating ako sa bahay nila. Workaholic kasi talaga si kuya Ran. Kahit hindi siya palangiti..mabait naman siya sakin.

“Magkasundong magkasundo na nga kami ngayon kuya. Hindi na niya ako madalas simangutan di katulad nung dati. Minsan nga nakakapag asaran pa kami.”

Ngumiti ito sa akin. Mejo nabigla rin ako sa pagngiti niyang iyon dahil hindi naman ito palangiti.

“Good. Be sure to look more beautiful at the party the day after tomorrow. Iparealize mo kay Red na ikaw na talaga.” Nakangiting tumalikod na ito at lumabas ng kwarto pagkatapos nitong magsalita.

Hindi ko naintindihan yung sinabi niyang ‘Iparealize mo kay Red na ikaw na talaga.’

Weird.

Sa dinner hindi na naman sumabay si Red.

Sabi ng isa sa mga katulong na inutusang tawagin ito..busy daw ito at may tinatapos na requirement. Kakain na lang daw siya after niyang gawin iyon.

18 years old PARENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon