CHAPTER 10

14.2K 316 3
                                    

Author's note:

Buti pa ang wattpad, hindi puro games ang notification :) eh sa facebook..puro games at nakakabwisit na comments. tsk tsk tsk.

Anyway thanks sa mga nagvovote at comment lalo na kay miss izel08 at cjhikhekbilaro. Kasi ibig sabihin may mga bumabasa talaga dito. thank you!!!!

Pati kay jamille haha. at kay boyfriend...kasi binasa niya kahit hindi niya naman to gawain.:)

Vote if you like and comment if you want to say something.

****

Chapter 10

Autumn’s POV

Ang bait bait ng buong pamilya ni Red sakin.

Kahit papano ok na din, kahit alam kong siya..eh hindi pa din tanggap ang mga nangyayare ngayon.

Nung natapos yung party, nung hinatid ako ni Tita sa bago kong kwarto, nakita namin si Red na papasok na sa kwarto niya. Ni hindi nga ito lumingon samin kahit tinawag na ito ng mama niya.

Tapos magkatabi lang pala yung kwarto namin.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na kwarto ko na to.

Parang triple siya ng kwarto ko sa apartment.

And when I checked the walk in closet, may mga laman ng mga gamit yung closet at shelves.

May maternity dress, shirts, blouse, sandals, dolly shoes, jeans, shorts…almost all the girls stuffs.

At lahat ng yon kasya sakin.

Kahit alam nilang hindi ko naman magagamit yung ibang damit kapag lumaki na yung tiyan ko, still nilagyan pa din nila iyon ng mga ganun.

Baka masayang lang yung iba, kasi di ba kadalasan ng nagbubuntis tumataba.

Tataba din kaya ako???

Sigurado kapag nangyare yon hindi na talaga ako magugustuhan ni Red.

Eh bakit naman kasi kailangan niya ako magustuhan.

Hindi naman yung magustuhan niya ang pakay ko sa pagtira ko dito ah.

Biglang may kumatok sa pinto.

Bumangon ako para pagbuksan ng pinto yung kumakatok pero hindi yon yung taong ineexpect kong kakatok.

“R..Red…”

“Can I come in?” Sabi nito sa malamig na boses.

Dahan dahan ko namang pinaluwag yung pagkakabukas ng pinto para sakanya.

Nakatayo lang ako sa tapat ng pintuan pagkasara ko noon habang pinapanuod siyang nakatayo sa tabi ng bed ko na nakapamulsa.

Ang awkward.

You are in a room with the person you do not know well, and yet he’s the father of your baby.

“How are you?” Seryosong seryoso pa din yung aura nito.

Concern ba siya?

“Ok lang.” Ginalingan ko talagang magpanggap na nasa normal na sitwasyon lang ako kahit ang totoo mejo kinakabahan ako.

“We need to talk about how we are going to live our life here together.” Nagsimula na itong sabihin yung dahilan kung bakit nandito ito. Obviously.. hindi dahil concern ito sa kalagayan ko. “I just want to clear things to you. Una, hindi mo ako pwedeng pakialaman sa mga gagawin ko at gusto kong gawin dahil di mo naman ako pag mamay-ari. Pangalawa, you can’t use the baby to force me to marry you. I can be a father to that kid, but I can’t be a husband to you… and lastly… hindi mo ako pwedeng lapitan sa public places. Do I make myself clear Autumn?”

That was the first time he made mention of my name to me..and he sounded bothered and irritated.

Hindi ko naman siya pwedeng kontrahin dahil may point siya.

The only entity that’s linking us is the baby. Kung wala yung bata, wala din naman kaming connection.

Somehow, I understand why he was asking for something like that.

He’ young, he’s enjoying, he’s life, he’s not prepared….just like me.

Gusto ko din magreklamo ng ganun..that I still wanted to enjoy my teenage life, that I’m not prepared….pero it’s pointless.

It’s very pointless to complain at this point.

Ang mahalaga ngayon ay kalagayan ng baby, yung future niya, yung magiging buhay niya, yung hindi siya matutulad sa naging buhay ko.

“Ok.. Hindi naman ako nandito para pilitin kang pakasalan ako. Andito ako para sa baby. Andito ako para ifullfill yung responsibilidad ko as mommy nung baby at ikaw as yung Daddy nung baby.” Pinilit kong magsmile kahit ang dami dami kong gustong sabihin na hindi ko masabi sabi. Kahit ang lungkot lungkot nung sitwasyon. KAhit gusto ko sabihin na hindi lang siya yung nahihirapan sa sitwasyon.. kahit gusto ko malaman niya na ginagawa ko lahat ng to para sa baby

Matagal din akong tinignan nito sa mata bago niya ito pinikit saka bumuntong hininga. “Then that settles everything.”

Papunta na siya sa pinto nung nagsalita ulit ako. Kaya napaharap ulit siya sakin.

“Alam ko kasi yung pakiramdam ng walang Papa… ayaw ko namang maramdaman niya yung naramdaman ko noon kasi mahirap talaga yung walang ama. Pag-iisipan ka ng masama ng mga tao… iisipin nila anak ka sa labas, kabit yung mama mo… o kaya nilayasan kayo ng papa mo.”

Ewan ko kung anong kinalabasan ng pilit na ngiting pinakita ko habang sinasabi ko yung mga yon.. Nagmukha bang sarcastic yung sinabi ko, o nagmukhang nagbibiro lang ako.

Gusto ko lang naman ipaintindi kay Red kung bakit ko ginagawa to. Gusto ko lang naman iparating sakanya na wala akong intention na sirain yung dati niyang buhay.

Saglit lang siyang tumingin sakin, bago tuluyang tumalikod at lumabas ng kwarto ng walang ibang sinasabi.

****

Red’s POV

I was about to leave the room when she started to speak again.

“Alam ko kasi yung pakiramdam ng walang Papa… ayaw ko namang maramdaman niya yung naramdaman ko noon kasi mahirap talaga yung walang ama. Pag-iisipan ka ng masama ng mga tao… iisipin nila anak ka sa labas, kabit yung mama mo… o kaya nilayasan kayo ng papa mo.”

She was smiling sadly habang sinasabi niya yun.

And watching her with an expression like that freed the guilt out of me.

I know it was too selfish to ask things like that, pero yun naman yung dapat. Ayoko namang magpanggap na gusto kong ikasal sakanya.

Pero hindi talaga maalis sa isip ko yung lungkot ng itsura niya kanina.

Alam ko naman na masasaktan siya sa sasabihin ko pero hindi ko naman akalain na magiging ganito ako kaapektado sa mararamdaman niya.

Damn!!! She was just pregnant!! And I was just worrying about the baby!! Nothing more nothing less!!

Pilit kong sinisigaw yun sa isip ko, pero parang wala namang epekto sa pagiging bothered ko.

Kinabukasan pagkagising ko at pagpunta ko sa basement para kunin yung naiwan kong headset, naabutan ko na dun si Drei na naglalaro ng WII. Hindi siya nakauniform.

“Ang aga mo ah! Wala kang pasok?” Tanong ko dito.

“Meron, pero hindi ako papasok.”

Nabigla ako sa sagot niya.

Sabihin na lang natin na sa aming magbabarkada, si Drei yung tipong hindi basta basta mag aabsent lalo na para lang gawin ang isang walang kwentang bagay.

“Hindi naman siguro dahil gusto mo lang maglaro ng WII dito sa basement?”

“Gago hindi. Pwede naman akong maglaro na lang sa bahay kung gusto ko eh.” Natatawang sagot nito.

“Eh bakit di ka papasok?”

“Para maiba.”

Di na ako nagsalita.

Iniwan ko na lang siya saka hinanda yung sarili ko para sa pagpasok sa school.

18 years old PARENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon