CHAPTER 5

15.3K 324 5
                                    

Chapter 5

Drei’s POV

Ilang beses na akong nagpapabalik balik sa school ni Autumn pero sabi ng dean nila, drop na daw siya sa mga subjects niya. 1 month na daw siyang hindi pumapasok sa school.

Mas naguilty tuloy ako.

Nung kinuha ko yung address niya, naduwag din akong harapin siya.

Nanatili lang ako sa loob ng kotse ko habang nakatingin sa bahay apartment na inuupahan nila.

Napakaselfish ko.

Buong buhay ko, buong buhay naming magkakapatid, hindi nagkulang si daddy,

But on the other side, someone is suffering because we didn’t even share what she deserves.

Kung hindi lang dahil kay Mommy, baka gustuhin kong sa bahay na lang namin siya tumira.

Bumuntong hininga ako saka ko pinaandar yung kotse para umalis na.

Nung nasa daang paliko na ako biglang may sumulpot na kung ano, kaya prineno ko agad pero natamaan pa din yung iniiwasan ko.

“Awwww! Dugo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

Kinabahan ako sa sigaw niya na yun kaya agad agad akong lumapit.

“Miss! Are you ok?”

“May dugo na! Tingin mo ok pa din ako!!!” Mangiyak ngiyak ito habang hawak hawak yung paa niya.

Eh yun naman ang madalas na  unang tinatanong sa ganung pangyayare di ba?!

Kung hindi lang siguro ako ang responsible sa nangyare sakanya, baka iniwan ko na lang siya sa isang tabi sa sakit sa tenga ng boses niya.

Tinignan ko kung ano yung inaaray niya.

Natuklap pala yung isang kuko niya sa paa kaya nagdudugo.

Hindi ko na inantay yung permiso niya na idala ko siya sa hospital..

Binuhat ko na siya saka sinakay sa kotse ko.

“Hoi san mo ako dadalhin?! Ibaba mo nga ako!” Tanong nito, na naglikot likot pa para ibaba ko siya.

“Dadalhin lang kita sa hospital Miss. Baka maimpeksyon yang paa mo.”

Ang likot likot niya, pero at least relieved ako na wala siyang pilay.

Pagkapaupo ko sakanya sa kotse sinubukan niyang bumaba pero pinigilan ko siya.

“Please lang Miss, kasalanan ko kung bakit ka nabunggo kaya dadalhin kita sa hospital.” Sinubukan ko pang pahabain yung pasensiya ko.

“Hindi pwede! Yung bike ko! Alangan naman iwan ko jan! Ako na lang magpapagamot sa sarili ko. Hindi kita idedemanda wag ka mag alala” Salubong yung mga kilay nito.

Iniwan ko siya saglit at dalidaling kinuha yung bike niya at inilagay sa loob ng kotse ko. Buti na lang kasya.

“So ano, dadalhin na kita sa hospital?”

“Oo na. Sinabi ko namang hindi kita idedemanda eh.” Iritadong sabi nito.

“Mas maganda ng sigurado. By the way I’m Warren Drei del Rosario, and you are???”

“Peach Michelle Won.” Matipid na sagot nito.

Kaya pala mukha siyang koreana, may lahi siguro sila.

Habang nagdadrive ako ng kotse tahimik na siya sa pagrereklamo sa sakit ng sugat niya.

Napansin ko din na nakatitig siya sakin.

18 years old PARENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon