CHAPTER 22

14.3K 285 4
                                    

Chapter 22

Author’s NOTE:

Sorry sa super tagal na update. Nakakadala kasi ang bakasyon. :)

Pavote.

***

Yen’s POV

“Pakicheck yung mga errors sa file na to.” Utos ni Sir Ran.

Ilang araw na ding nagsusungit, nagagalit, utos utos, at hindi maipinta yung mood ng isang to.

Magmula nung party.

KAINIS!

Siguro may nangyaring hindi maganda at ako na naman yung napagbubuntunan niya.

“Goodmorning Loryen.” Nakangiting bati sa akin ni Russell na kakapasok lang sa office namin.

“Wala ka naman atang appointment kay sir Ran mr. Sy.” Paano naman kaya siya nakapasok ng hindi tinatawag ng receptionist.

 

“Ang sweet naman ng response mo sakin.” Nakangiti pa din ito. “Wala nga talaga akong appointment pero feeling ka kasi meeting ka.”

Hindi ko nagets yung sinabi niya kaya tinignan ko siya ng masama. “Ano?!” Naasar na tanong ko.

“Feeling ko meeting ka…kasi kailangan na kailangan kitang puntahan.” Hindi pa din natitinag yung pagkakangiti niya.

Sweet ba yun o sadyang korni talaga. Tinignan ko siya na para bang sinasabi kong ‘ang-weird-mo-po’.

“What? Pangit ba yung banat ko?”

Imbis tuloy na barahin siya natawa na lang ako sa reaction niya nung hindi ako nagcomment about sa banat niya.

Nakisabay na din siya sa pagtawa.

“MR. SY? Ang alam ko wala kang appointment sakin ngayon.” Biglang lumabas sa office niya si Sir Ran at salubong yung mga kilay.

Nakaramdam ako ng takot sa aura niya pero si Russell nakangiti pa din dito.

“Wala nga. Dinaanan ko lang si Loryen.”

Tumaas yung kilay nito sa narinig. “Lahat ng tao ngayon may trabahong ginagawa kaya breaktime ka na lang mang istorbo.”

Tumawa lang si Russell sa pagsusungit nito. “Ang workaholic mo talaga. Chilax lang. Osige alis na ako. Bye!”

Pagkasara niya sa pinto sinalubong ako ng galit na galit na mukha ni Sir Ran.

“MAY INUTOS AKO SAYO DI BA?!!”

“Yes s….” Sasagot pa lang sana ako pero inunahan na naman ako nito.

18 years old PARENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon