CHAPTER 16

14.2K 390 4
                                    

Author's note:

Wala akong gana dumaldal ngayon..anyway lahat ng pagkaemo ko binuhos ko na sa update na to. ang masama hindi din gumana. hehe that's life.

pahingi 5 seconds! CLICK VOTE! tnks CLICK VOTE VOTE VOTE VOTE

CHAPTER 16

Drei’s POV

Weekend lang yung time na pwede kong mapagtuunan ng pansin si Autumn kaya sinamantala ko na yung araw ngayon.

Balak kong ipasyal siya dahil tuwing magkatext kami madalas itong magreklamo na nakakulong lang siya sa bahay.

Sa tabi ng pool ko siya nakita nung araw na yon.

“Hi Tammy!” Bati ko sakanya.

Napalingon naman siya at nginitian ako. “Nasa basement sila Red kasama sila Sky.” Mukhang maganda ang naging gising nito kaya maaliwalas ang itsura nito.

That’s good.

Sa pagkakaalam ko mag totwo months na yung tiyan niya pero wala namang nagbabago sa katawan niya.

Hindi naman siya tumataba di tulad ng ibang nagdadalang tao.

I smiled back at her. “Hindi naman ako pumunta dito para magtambay kasama sila. Ikaw talaga pakay ko. Gusto mo mamasyal?”

Nagliwanag naman yung mukha niya pagkarinig dun.

“Sige! Sige!” Excited na sabi nito.

“Ok.. Magbihis ka na.”

Nagmamadaling tumungo naman ito sa loob ng bahay para magpalit ng damit.

Pumunta muna ako saglit sa basement para magpakita sa mga kaibigan ko.

“Akala ko ba may lakad ka?” Tanong ni Nate pagpasok ko sa basement.

“Meron nga. Magpapaalam lang ako kay Red.” Hinarap ko si Red. “Mamasyal kami ni Tammy.”

Nag iba yung dating ng itsura niya.

Gulat na mukhang badtrip.

Nakakaramdam na ba ng selos ang isang Red Uytengco ngayon.

Lihim akong napangiti sa ideyang yon.

“Edi mamasyal kayo.”  Pinilit pa ngumisi ni Red, pero halata namang may halong iritasyon yun.

“Eh bat ka galit pare?” Dagdag pa ni Mhyrco at nakipag apir pa kay Sky, kaya mas lumitaw yung pagkainis sa mukha niya.

“Pinagsasabi mo?! Jan nga muna kayo! May kukunin lang ako sa kwarto ko.” Naglabas ito palabas ng basement.

Kami naman naiwan napailing at natatawa na lang.

Nung ready na si Autumn napansin ko na hindi na kasing excited nung itsura niya kanina yung mood niya ngayon.

She looks bothered and uncomfortable.

Nung sumakay siya sa kotse ko ni hindi man lang siya nagsalita o nagtanong kung san kami pupunta.

“May nangyare ba?” Tanong ko dito.

“Wala naman.” And then she freed a deep sigh.

“Seryoso mo kasi.” Puna ko dito.

Ngumiti lang ito ng pilit.

Nung palabas na ng gate yung kotse ko bigla niyang pinahinto yung sasakyan saka siya sumilip sa labas.

“Peach!!!” Masayang tawag nito sa labas.

Nung lingunin ko, nakita ko yung kaibigan niyang si Peach na kakapasok sa gate.

18 years old PARENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon