CHAPTER 24

14.5K 294 5
                                    

Author's note:

kanda hirap hirap ako idownload yung with me ng sum41 -_-

La lang. narinig ko kasi ulit yung song nung nanuod ako gossip girl.

PAVOTE PO OK :)

4 sure bitin na naman kayo dito..pati ako ehh nabitin sa time hahaha :)

***

Autumn’s POV

Mahigit two months na yung dinadala ko at mejo bumubukol na yung tiyan ko kaya loose na yung madalas kong isuot.

Pagbaba ko para sana magbreakfast naabutan ko yung maraming gamit sa living room.

At sa sofa..nakaupo yung mama ni Red.

“Mommy?!” hindi makapaniwalang sabi ko nung makita ko siya.

Tumayo siya at sinalubong ako ng yakap.

“Autumn… Hindi ka tumataba ahhh. How’s the baby?”

“Ok naman po. Regular naman po kami magpacheck up. Bakit hindi niyo man lang po sinabing uuwi kayo ngayon?”

“Para surprise. Surprise!” Parang batang sabi nito. “Anyway..madami akong biniling pasalubong para sayo…at siyempre para sa baby.” Tuwang tuwang sabi nito…tapos binuksan yung isang maleta na punong puno ng colorful boxes. “Para sayo tong lahat.”

“Ang dami naman po. Madami naman na po akong gamit.”

“Ok lang. At eto naman para kay baby.” Sabay pakita sa isang bag ng mga baby’s stuff. “Puro unisex kasi hindi ko pa naman alam ang gender ni baby.”

“Thank you po talaga.” Tapos tuwang tuwang niyakap ko ulit siya.

“Invite mo si tita mo o kahit sinong kaibigan mo mamayang lunch ok? Magpapakain ako.”

“Sige po! Sige!”

“So siya si Autumn?” Isang magandang babaeng nakasuot ng maigsing shorts at blouse ang biglang dumating galing sa kung saan.

“Yeah. She’s beautiful right?” Nakangiting sabi dito ng mama ni Red. “Anyway Autumn..this is Jamie…Red and Ran’s cousin.”

Nginitian ko siya tapos nilapitan niya ako.

“Hello Autumn.. so ikaw pala yung nabuntis ni Red.. Two months right?” Hinawakan nito yung tiyan ko. “Bakit parang hindi ka naman buntis?” Nakataas yung kilay nito.

“Ahh hindi ko din alam kung bakit hindi pa masyadong lumalaki yung katawan ko ehh. Baka soon.” Pinilit kong ngumiti kahit tinatarayan niya ako.

“Mom?!” Si Red naman yung dumating at gulat na gulat din nung makita yung mommy niya. “Jamie you’re here too.”

“Yes! I’m here for good.” Walang ganang sagot nito kay Red.

Maldita talaga ata ang isang to.

“For good?!” Hindi makapaniwalang sabi ni Red. “Bakit pumayag yung parents mo? Don’t tell me sawa ka na sa Paris?”

“Sawa na ako sa pagmumukha ng step Mom ko. Tita pwede na ba akong magpahinga sa room ko?”

“Sure. Go ahead. Take a rest.” Sabi naman ng mama ni Red.

“Mom why did you let that brat live here..with us?” Iritadong tanong ni Red.

“Hindi na sila nagkakasundo ng step mother niya so sinama ko na siya dito. Anyway tara..breakfast na tayo.” Yaya nito samin at sumunod naman kami sakanya.

18 years old PARENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon