CHAPTER 36

12.5K 260 29
                                    

Author’s note: Yosh! Last 4 chapters I guess then we’re done.

Ang daming bumabasa pero ang onti ng votes :(

Anyway Guys! Please do read my new book about Drei and Jamie. I marry a playboy. Yun po yung napikot na ni Jamie si Drei. Don’t worry, mejo matatanda na sila don.

Update: Every weekend. So please do Vote pa rin. I guess mag aupdate din ako mamaya ng isa pang chapter nito at 2 chapters din sa i marry a playboy :D

CHAPTER 36

Red’s POV

Pagkatapos naming magcelebrate ng Christmas at new year sa bahay, dumating na nga yung araw na pupunta kami sa Palawan, at hanggang ngayon hindi pa alam ni Autumn na dadating ako sa mismong araw na yun. Balak ko siyang isurprise kaya nagpanggap akong pumasok sa school well in fact hinihintay ko lang na mauna silang sumakay ng airplane papunta dun, then I’ll take the next flight after them.

Effort kung effort din tong surprise na to dahil pagkatapos kong sumakay ng eroplano, nagcommute ako papunta sa beach resort namin. Wala naman kasing nakakaalam na pupunta ako dito ngayon maliban kay Peach.

And speaking of Peach. Damn! Naalala ko na naman yung insidenteng nangyari kagabi bago namin isara yung coffee shop.

[flash back]

Maglalakad na sana ako paalis ng coffee shop kasunod ng mga empleyado namin nung tawagin ako ni Peach.

“Why?” Tanong ko dito nung makalapit ako sa kanya na noon ay nakatayo sa harap ng coffee shop.

“Eh kasi di ba pupunta k ang Palawan bukas? Pabili naman ako ng mga delicacies nila oh.” She said while wearing a huge smile.

“Don’t bother. Papasalubungan na lang kita dahil pumayag kang magleave ako ng one week.”

“Talaga? Yehey!” Sabi nito na parang bata pero nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Niyakap ako nito dahilan para pareho kaming mapatunganga sa nangyari.

Nagkasalubong yung mga mata namin.

Pero ang mas kinagulat ko yung bigla niyang pag galaw para mawala yung distansiya sa pagitan ng mga mukha namin. She kissed me on my lips, kaya nabigla ako at lumayo agad sakanya.

“What was that?” Nakakunot noong tanong ko.

“I…I’m sorry.” Nag aatubiling sagot nito. “Nabigla ako. Sorry.” Saka siya yumuko para itago yung mukha niya.

“Pretend like nothing happened.” I said coldly, saka ko siya tinalikuran at dali daling pinuntahan yung kotse ko.

“That was close! Dammit!” Sermon ko sa sarili ko habang nagmamaneho.

She almost got me tempted to kiss back. Mabuti na lang nakabawi agad ako.That kiss almost trigger my playboy personality, muntik ko ng makalimutan si Autumn.

“I need a gloss of whiskey.” Sabi ko saka pinaharurot yung kotse ko papunta sa bar ni Mhyrco.

[End of flashback]

“Sir andito na po tayo.” Sabi nung driver kaya sinantabi ko muna yung pangyayaring yun.

Nakita ko agad yung mga sasakyan na nakaparada sa tapat ng Villa, which means, everybody has arrived.

“You’re here? Akala ko ba hindi ka makakapunta?” Tanong ni Nate nung madaanan ko siya sa living room.

Nginisian ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad para agad dumeretso sa kwarto ni Autumn.

18 years old PARENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon