CHAPTER 13

13.8K 362 8
                                    

Author's note: Hinto muna dito :)

Magrereview pa kasi ako ng mech at matutulog at magmumuni muni.

Next time ulit. kapag tapos na exam. :)

Thank you sa pag abot hanggang dito. Thank you so much!

Kagaya nga ng lagi kong reminder. Do vote if this story makes sense, comment if you have something to say. Mas magandang ishare niyo yung nasa isip niyo kesa sarilinin nio. (anu daw? hahaha)

*****

CHAPTER 13

Autumn’s POV

Kanina lang nagpacheck up ako kasama ni Mommy Mylva.

Sumunod naman si Red kagaya ng sinabi nito pero umalis din kaagad dahil may klase pa daw ito.

Magmula nung hinawakan ko yung ilong at pisngi niya, parang nanggigil ako na ulit ulitin iyon kaso bihira lang naman siya lumapit sakin.

Kapag malapit naman siya, may bagay akong ayaw sakanya..

Yung amoy niya.

Ewan ko ba pero ayaw ko yung amoy niya..gusto ko yun sabihin sakanya kaso nahihiya naman ako sabihin yun sa harap ng mama niya, lalo na product ng company nila yung pabangong gamit niya.

Kinagabihan dumating si Kuya Ran kasama si Tita.

Ang saya saya ko kasi sa wakas dumalaw na din siya.

Halos 2 days na din kaming di nagkikita.

Ang dami din naming pinagkwekwentuhan habang kumakain ng dinner.

Tinanong din nito kung ano daw ang pinaglilihian ko..pero hindi ko naman alam kung ano.

Lahat kasi ng pagkain kinakain ko naman.

Wala naman akong inaayawan.

Nagkwentuhan pa kami hanggang 9:00 ng gabi tapos dumating si kuya Ran.

Pagdating niya hindi ko na napigilan magreklamo.

“Ang sakit sa ilong.”

“Bakit?” Sabay na tanong nilang dalawa.

“Ang baho…ayaw ko yung amoy.” Reklamo ko. Hindi ko naman talaga gusto yung amoy.

“Ano ba yung naaamoy mo?” Tanong ni kuya Ran.

“Kagaya nung amoy ni Red kanina…”

Nagtinginan silang dalawa ni Tita.

“She’s having trouble with your scent.” Sabi ni Tita.

Hindi siguro naintindihan ni kuya Ran kaya pinaliwanag pa ni Tita dito.

“Sensitive kasi yung mga buntis sa kung anu anong bagay like emotion, smell, taste, at minsan sa tao. Pagpasensiyahan niyo na. Buntis eh.”

“Ok..magpapalit na lang ako ng pabango bukas. Anyway..pumunta ako dito para ihatid ka na pauwi miss Romualdez.”

Matapos yung insidenteng yon nag paalam na si Tita tapos ako umakyat na para sana pumunta na sa kwarto ko..

Pero napahinto ako sa kwarto ni Red.

Gusto ko siyang kausapin kahit wala naman talaga akong mahalagang sasabihin.

Gusto ko siyang makita ng hindi ko alam kung ano talaga yung pakay ko.

Kumatok na ako kahit hindi ko alam kung anong isasalubong ko sakanya.

Bumukas naman yung pinto.

18 years old PARENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon