Anino (Part 2)

416 25 0
                                    

Ito ang karugtong ng kwento ng Anino, ang kwento ni Ana.

******************************
Akala ko tapos na, akala ko wala na, akala ko 'di na babalik. Nag kamali ako, bumalik na sila...

Hindi pa tapos ang lahat.

Hindi sila titigil hangga't di nila ako nakukuha.

Akala ko noong una tapos na ang lahat, ang saya ko kasi naging normal na ang buhay ko. Hindi ko na sila nararamdaman, hindi ko na sila nakakausap, at nakikita.

Pero akala ko lang pala, akala ko titigil na sila, pero di pa pala, babalik at babalik sila para makuha ako.

Para kunin ako...

Ako si Ana at ito ang ikalawang bahagi nang aking kwento.

Nang matapos ang gamutan, naging maayos na naman ang lahat. Naging normal na ang buhay ko. Matutulog sa gabi na walang masamang panaginip, at gigising sa umaga na maganda ang gising at masigla. Pero lahat nagbago nang bumalik na naman sila. Akala ko tapos na pero di pa pala, nag uumpisa palang ang lahat.

Nakasanayan ko na palaging nasa bahay nagmumukmok at 'di lumalabas. 'Yan ang gawain ko tuwing bakasyon, hindi tulad sa mga kapatid ko na nagbababad sa sikat ng araw kakalaro sa kapwa nila bata.

Tuwing bakasyon umuuwi si mama sa kanilang probinsya sa Cotabato para asikasuhin ang negosyo namin. Minsan dinadala niya ang mga kapatid ko kaya ako at si papa nalang ang natitira sa bahay. Hindi ko masyadong nakakasama si papa kasi may trabaho rin siya at linggo lang ang kaniyang rest day.

Isang delivery boy si papa, tuwing tanghali umuuwi ito para mag tanghalian.

Hindi naman nangangamba ang mga magulang ko na maiwan ako sa bahay mag-isa, kasi tulad ko, akala rin nila tapos na ang lahat.

Tanghali ng oras na iyon, umuwi si papa para mag tanghalian.

"Ana, nagugutom na ako. May naluto ka na bang pagkain?"

"Opo 'pa, sandali lang po at maghahain na ako."

Matapos kong maghain ay sinabayan ko siyang kumain. Nang matapos ay niligpit ko ang aming pinagkainan at nagpaalam na rin si papa na aalis dahil may trabaho pa siya.

Nang matapos ako sa paghuhugas ng pinagkainan ay dumiretso ako sa kwarto para matulog kasi nakaramdam ako nang antok. Hinayaan ko lang na naka bukas yung pinto ng kwarto ko, nakatagilid akong humiga noon, hindi pa ako nakapikit nang mabuti ng may maaninag akong anino sa tapat ng pintuan na nakatayo.

Nanatili lang ako sa pagkakahiga habang pinagmasmasdan ng mabuti ang anino.

Mataba ito at hindi katangkaran "'Pa, ikaw ba yan?" Sa pag-aakalang si papa lamang ang lalaking iyon kaya tinawag ko siya. Tsaka ko lang naalala na umalis na si papa kanina pa. Kaya doon na ako napabangon at nagdasal.

Nakaramdam ako ng takot kasi, ang akala ko tapos na ang lahat hindi pa pala.

Inilihim ko nalang kay papa yung nangyari, ipinag sawalang bahala ko na lamang ito.

Isang gabi habang nasa kwarto ako kachat ang mga classmates ko upang magkamustahan ay nagulat ako ng may bumulong sa aking tenga.

Boses ng bata ang bumulong sa tenga ko at tila nag-eecho sa aking pandinig ang kanyang sinasabi na hindi ko naman maintindihan ang lingguwahe.

Pinagsawalang bahala ko na lamang iyon at hindi ako natakot, kasi sabi nila kapag natakot ka mas tatakutin ka lang nila.

Nagdasal na lang ako ng mataimtim.

Kinabukasan doon na nagsimula ang lahat, hindi ko sinabi kay papa ang mga nangyari, pinabayaan ko lamang.

Minsan kapag natutulog ako, nakasanayan ko kasing tumagilid ang puwesto, sabi kasi nila kapag matutulog ka raw huwag kang titihaya.

Nasa ganoon akong posisyon nang maramdaman ko nalang na may tumulak sa likod ko kaya na subsob ako sa kama.

Madalas mangyari sa akin yan, tuwing nakatagilid ako.

Nakikita ko ba sila?

Hindi pero naririnig ko sila, naririnig ko ang hagikgik ng bata. Tila ba pinaglalaruan niya ako.

I just want to make story clear, noong nagpagamot ako, sinara yung third eye ko kasi ang sabi ng manggagamot kapag 'di raw sinara baka pag may nakita ako at hindi ko kinaya pwede akong sapian.

Puwedeng magbukas ang third eye ko kung gugustuhin lang daw, kaya siguro nakita ko 'yung anino sa pintuan.

Back to the story, one time kachat ko friend ko 'nung mga oras na iyon, nakatihaya akong humiga, tapos nagulat nalang ako ng biglang nahulog yung cellphone ko sa mukha ko, not once but trice.

"Ano ba yan, ang kulit mo naman, inaano ba kita riyan? Kung gusto mong magbasa ng conversation namin magbasa kalang wala lang hulugan ng cellphone sa mukha!" Galit na turan ko kasi alam ko naman yung bata ang may kagagawan kung bakit nahuhulog yung phone sa muka ko.

Nagulat nalang ako ng may marinig ako na parang miliit na boses na ume-echo pero hindi ko maintindihan ang salitang binibigkas niya. Feeling ko, baka nagalit siya sa akin.

Bigla rin namang nawala matapos ang ilang minuto. At hindi ko na rin maramdaman yung presence ng bata.

Kinagabihan, bago ako matulog ay nagdarasal muna ako pero nawala ako sa focus dahil may sumigaw at nag-echo yung boses niya. Mas lalong luminaw ang kanyang sinabi ngunit hindi ko talaga maintindihan dahil iba ang ligguwahe na sinasambit nito. Tumaas ang balahibo ko at nakaramdam na ako ng takot ngunit hindi ko pinahalata ang takot na nararamdaman at nagdasal ako ng mataimtim hanggang sa nakatulog na ako.

Kinabukasan ng tanghali nagbabasa ako ng wattpad sa kwarto ng mapatingin ako sa isang sulok ng kwarto ko.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang repleksyon ng isang napakaitim na anino, naka sideview siya sa dingding kaya makikita mo talaga kung gaano ka tangos ang kaniyang ilong at hubog ng kaniyang katawan. Kung kaya't kumpirmadong lalaki ito.

Una akala ko imahinasyon ko lang kaya hindi ko pinansin, kung kaya itinuon kong muli ang attention sa cellphone ko pero dahil hindi ako makampante muli kong tiningnan kung saan ko nakita ang tila aninong imahe.

Nagulat at napamura ako ng makitang halos malapit na sa akin.

Sa sobrang pagmamadaling tumakbo palabas ng bahay ay naiwan ko pa ang aking cellphone sa loob pero hindi ko na binalikan iyon. Hindi na ako pumasok at inantay na lamang si papa na makauwi ng bahay.

Nagdasal ako ng taimtim ng mga oras na iyon habang umiiyak kasi naririnig ko na naman ang kanilang mga tinig.

Mga tinig na tinatawag ako at niyayayang sumama sa kanila.



Wakas

*Maraming salamat muli Ms. Anonymous sa karugtong ng iyong kuwento. Nauunawaan ko kung bakit natagalan ang pagpasa ng iyong kwento. Ipagpipray kita...

Again than you. ---- elyon0423

Paranormal True Stories- Ang malikot na imahinasyonWhere stories live. Discover now