Ang Babae sa palibot ng Chapel

1.6K 56 5
                                    

Ang kwentong ito ay galing kay Dennis na kasama ko sa simbahan.

Si Dennis ay isa sa mga leader ng Parish Youth Ministry bilang Creative Liturgy Head. Nalaman niya na nagsusulat ako ng tungkol sa paranormal kaya kinuwento niya sa akin ang karanasan nila noong nagpa-praktis sila sa chapel na katabi lang ng bahay namin.

Tuwing alas otso ng gabi madalas mong makikita ang grupo ni Dennis sa chapel upang magpraktis para sa nalalapit na event ng aming parokya.

Maraming chapel sa community kaya lang hindi sila pinapayagang magpraktis sa iba dahil bukod sa alanganing oras sila kung mag-ensayo, nagtitipid din ang mga ito sa kuryente.

Tatlong araw na lamang bago ang event kaya puspusan ang pag-eensayo ng mga ito sa animation songs.

"Ulitin niyo yan. Ready na. One, two, three and move..." Turo ni Dennis sa mga miyembro. "Ano ba Laika? Hindi mo aayusin 'yan?" Medyo tumataas na ang boses nito dahil marami pa silang dapat ayusin na songs.

May pagkakataong nakakalimutan ng iba ang galaw dahilan para mapagalitan ni Dennis ang ibang miyembrong madalas magkamali. Nang mapagod ay agad ding pinatay ni Dennis ang music.

"Ano ba? Paulit-ulit na lang tayo riyan ah? Hindi niyo pa rin makuha?" Napahawak na lang sa batok si Dennis dahil sa frustration.

"Sorry, medyo nakakalimutan ko pa rin." Pag-amin ni Laika.

"Kaya niyo 'yan. Please kabisaduhin na natin kasi malapit na 'yung event."

"Sige po Kuya Dennis isa pa." Sabi ni Eloisa.

"Sige isa pa ah. Ayusin niyo na pagkatapos nito mag-break muna tayo ng five minutes."

Sumang-ayon naman ang mga miyembro niya kaya nagtungo ito sa kinalalagyan ng CD player at muling pinatugtog ang isang animation song.

Nang matapos ay nagpahinga muna sila at nagkwentuhan.

"Ano ang kulay ng suot po natin sa Saturday?" Tanong ni Leslie.

"Naka blue tayo sa Saturday." Pagkumpirma ni Dennis sa kanilang magiging suot sa event.

"Kahit ano po bang Blue?" Tanong naman ni Laika.

"May iba pa bang klase ng blue?"

"Sorry naman. Ang ibig kong sabihin kung okay lang po ba na may print 'yung blue tshirt?" Paglilinaw ni Laika kay Dennis.

"Okay lang basta hindi bastos ang naksulat sa damit."

"Okay po."

"Sige balik na tayo sa pag-eensayo para makapag-meeting pa tayo bago mag-uwian."

Agad na tumayo ang bawat miyembro at pumuwesto sa kanilang komportableng lugar. Habang si Dennis naman ay pumunta sa kinalalagyan ng CD Player at muli itong binuhay.

Pumunta siya sa harapan upang makita ang galaw ng bawat miyembro.

Ang pader ng chapel ay kalahating semento at halahating rehas kaya makikita mo ang labas pati ang mga dadaang tao. Sa bandang kanan ng chapel ang multipurpose hall na walang pintuan. Wala ring ilaw sa mga oras na iyon dahil ginagamit lang ito kapag may ibuburol sa lugar.

Sa kasagsagan ng practice hindi naiwasan ni Dennis ang mapalingon sa multipurpose hall. Pakiramdam kasi niya parang may naaninag siyang tao sa loob. Pagsulyap niya sa loob ng multipurpose may nakita siyang babaeng nakaupo at nakatalikod sa loob. Mahaba ang buhok nito, kulay puti at punit-punit ang damit. Binalik agad niya ang tingin sa mga miyembro na kasalukuyang sumasayaw.

Paranormal True Stories- Ang malikot na imahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon