Baguio City (MANSION)

1.1K 56 0
                                    


Natatandaan niyo ba si Calvin na isang seminarista sa kwento kong "Pamisa para sa kaluluwa?" Noong magbalik siya sa community, hindi namin maiwasan na mapagkwentuhan ang tungkol sa mga nakakatakot na bagay. Natanong ko tuloy sa kanya.

"Kuya Calvin, bakit maraming multo sa Baguio?"

Ang sagot niya ay; "Maaring marami sa kanila ay hindi binyag sa simbahan o kaya hindi nila alam kung ano ang dapat gawin." Nakatingin lang ako kay Calvin. Hinayaan ko lang siyang magpatuloy. "Karamihan sa mga ninuno nila ay hindi nabinyagan o namatay na hindi binyag. Maraming malagim na pangyayari noon sa Baguio mula sa kamay ng Amerikano at sa kamay ng Hapon. Maari ring noong mamatay sila hindi nabasbasan ang kanilang katawan o kaya hindi naipagdasal ng kanilang kamag-anak." Dugtong pa niya. "Naalala ko noon habang nasa prayer room kami ni Bryan. Ang sabi niya sa akin marami raw kaluluwa sa harap ng altar. Nang tanungin ko siya kung bakit nasa harap sila ng altar ang sabi niya sa akin ay hindi nila alam ang gagawin. Hindi nila alam na puwedeng mabawasan ang kanilang pananatili rito kung ipagdarasal sila. Nakatingin lang sila sa atin. Walang anumang sinasabi."

Kasagsagan na ng gabi kung kami ay magkwentuhan kaya naman habang palalim ng palalim ang gabi napakarami niyang nakwento sa akin. Katulad na lang ng mga kasambahay nila sa mansion o formation house.

Narito ang mga kwento ni Calvin.

Nagkaroon noon ng isang selebrasyon ng kaarawan ang isa sa mga kasambahay nila. Nagluto ito ng maraming pagkain at nagrenta ng videoke.

"Aling Using nandito na po 'yung videoke." Buhat ni Jonel kasama nang dalawang pang lalaki ang karaoke.

"Sige, lagay mo na lang diyan."

"Manong lagay natin dito, paki-operate na rin po."

Hapon noon at abala ang lahat sa paghahanda. Nakabukod ang tinutuluyan ng mga care taker, kasambahay, at trabahador sa mansion. Dito nila naisip na mag-celebrate dahil malawak ang harapan nito.

"Nanding umpisahan mo na nga 'yung videoke." Utos ni Omer sa kasamahan niya.

"Sige, dahil kaarawan mo kaya kakantahan kita ng birthday song."

Nag-videoke at nag-inuman sila hanggang sa sumapit ang takip silim. Lahat sila ay masayang masaya sa kaarawan nang kanilang kasama.

"Napagod na ako mamaya naman tayo kumanta." Binitawan ni Nanding ang mikropono.

"Kumanta ka lang napagod ka na? Sige pumunta muna tayo 'dun sa lamesang puno ng pagkain." Yaya ni Jonel. "Patayin ko muna itong videoke sayang sa kuryente eh. Wala namang kakanta pa."

Pinatay nga ni Jonel ang power ng videoke. Nilapag ni Nanding ang mikropono sa upuan. Lumayo silang tatlo kasama si Omer at lumapit sa iba pa nilang katrabaho na nasa kabilang lamesa. Masayang masaya silang lahat ng may napansin ang isa.

"Teka, 'yung videoke nagbukas ng kusa."

"Pare tinanggal ko 'yung saksakan kaya imposibleng iyang sinasabi mo. Lasing ka na ata baka sila Aling Using lang ang nagbukas." Palibhasa dala ng kalasingan kaya halos hindi maaninag ni Jonel ang paligid. Maging ang tinutukoy nang kasama nito.

"Nandito ako Jonel."

Lahat sila'y nakatingin sa videoke na wala namang katao-tao upang mag-operate nito. Kusang nag-select ang videoke nang isang duet tagalog song. Nagtayuan ang kanilang balahibo nang marinig ang boses ng mga kumakanta. Napakalamig at parang galing sa hukay ang dalawang boses na naririnig ng lahat na naroon. Samantalang wala namang gumagalaw sa mikropono na nakalapag sa may upuan.

Tulala sila habang inaantay na matapos ang kanta. Halos sabay-sabay silang napatingin sa likuran ng videoke kung saan nakatayo ang mansion ilang metro lamang ang layo nito sa kinatatayuan ng videoke.

"Kuya Calvin sa palagay mo sino ang mga kumakanta?" Tanong ko sa kanya habang kumakain nang boy bawang na binili ni Nanay Marie sa tindahan.

"Hindi ko rin alam Elyon. Matapos mangyari iyon ay nag-alay sila nang alak at kaunting pagkain malapit sa videoke."

Ipinagpatuloy namin ang kwentuhan ni Kuya Calvin.

Isang tanghali ng maka-uwi si Calvin sa mansion. Sobrang pagod na pagod siya galing sa aktibidad sa labas. Pumasok siya sa napakalaking pintuan ng mansion na gawa sa purong narra.

Hahakbang palang si Calvin ng hakdan nang biglang humangin ng malakas mula sa loob ng mansion palabas ng pintuan. Sa sobrang lakas nito nakayang mahatak at masara ang napakabigat na pintuang gawa sa narra. Dahil sa lakas ng hangin malakas din ang naging pagsara ng pintuan dahilan para makagawa ng nakakabinging ingay.

Tiningnan ni Calvin kung saan nanggaling ang hangin. Imposibleng magkaron ng hangin sa loob dahil puro pader at nakasarado ang ilang kwartong nasa ibaba.

"Ano ba? pagod na pagod na ako galing labas tapos gaganyanin niyo pa ako? Sige kayo, hindi ko na kayo ipagdarasal."

Nagpatuloy ang kanyang pag-akyat hanggang sa makarating sa kwarto. Laking gulat niya ng makitang nakatalikod na ang mga santo at nakadapa na ang mga picture frames na nakadisplay sa isang table.

Alam ni Calvin na walang ibang tao sa mansion. Nasa labas noon ang mga pari at seminarista. Nasa kabilang bahay naman ang mga trabahador ng mansion. Kaya naman dahan-dahan niyang inayos ang mga naka-display habang nagsasalita. "Kayo naman oh! Parang hindi na kayo mabiro. Sige ipagdarasal ko kayo huwag na kayong magtampo."

Hindi ko alam kung matatawa o matatakot ako kay Kuya Calvin pero hanggang doon na lang ang aming napagkwentuhan dahil nasita na kami ni Nanay Marie.

Masyadong napasarap ang aming kwentuhan kaya hindi namin namalayang gabing-gabi na pala at kailangan na niyang magpahinga.




WAKAS


Paranormal True Stories- Ang malikot na imahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon