Ang Annual Planning Sa Retreat House

1.7K 71 18
                                    


Isa akong volunteer noon sa isang Non-Government Organization bilang area leader ng community namin. Taon-taon may annual planning kami at madalas sa labas ng community namin ito ginagawa.

Noong 2012 bago ako tuluyang umalis sa grupo, nagkaroon kami ng annual planning sa isang reatreat house ng Quezon City na malapit lamang sa aming komunidad.

Two days and one night lang kami sa lugar pero dahil may pasok ako ng umaga kaya humabol ako sa gabi.

Sa kasagsagan ng biyahe ko ay biglang tumunog ang aking mobile phone at nagregister ang panglan ni Ate Sarah. "Hello po?"

"Saan ka na?"

"Malapit na po ako."

"Sige. Katatapos lang namin kanina magmeeting. Malapit na kaming kumain ng hapunan kaya pagdating mo diretsyo ka na lang sa kusina."

"Sige. Thank you po." In-end ko na ang call at muli itong sinilid sa aking bag. "Manong para po." Pagbaba ko ng jeep hindi na ako nag-tricycle dahil nanghihinayang ako sa pamasahe. Mahal kasi ang tricycle lalo kung wala kang kahati.

Nang makarating ako sa street ay dumiretsyo ako sa guard house. "Kuya saan po ang retreat house?" Tanong ko kay Guard na naka-duty nang gabing iyon.

"Bakit po ma'am?"

"May annual meeting po kami roon. Nauna na po 'yung mga kasama ko."

"Ah, Ganun po ba? Sandali lang po at tatawag ako sa retreat house." Nag-dial ito sa telepono at kina-usap ang nasa kabilang linya. Matapos makumpirma ang aking pangalan ay pinapasok na rin ako nito at tinuro kung nasaan ang pakay ko.

Palibhasa subdivision kaya tahimik ang paligid hanggang sa makapasok ako sa retreat house. Matapos kong matanggap ang mensahe ni Ate Sarah ay lakas loob ko na ring tinahak ang madilim na paligid hanggang sa makarating ako sa kusina na hindi naman kalayuan sa bungad ng retreat house.

Saktong pagdating ko ay tapos nang kumain ang halos lahat ng kasama ko.

"Oh, Elyon bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Fr. Elmer ang Parish Priest ng aming komunidad.

"Kasi po hinanap ko pa itong lugar. Tago po pala ito sa subdivision kaya medyo naligaw po ako ng kaunti."

"Pasensya ka na kung hindi ka na namin naantay pero tinirhan ka naman namin ng pagkain."

"Nakita ko nga po." Biro ko kay Fr. Elmer.

Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. "Nagutom na kasi kami eh. Anyway after mo riyan puntahan mo si Sarah para ituro sa'yo kung saan ang kuwarto mo."

"Sige po father kakain na po ako." Iniwan na ako ni Fr. Elmer sa kusina habang ako naman ay kumakain na ng hapunan mag-isa. Bagamat maliwanag sa loob nito ngunit kapansin pansin pa rin ang katahimikan ng paligid lalo na ang kadiliman na kung matatakutin ang titingin dito'y iisipin mong posible kang makakita ng multo.

Sanay ako sa mga ganitong klaseng lugar dahil madalas akong pumunta sa ibat-ibang kumbento, seminaryo, at retreat house.

Pagkatapos kong kumain hinanap ko Si Ate Sarah.

Malaki ang retreat house at madilim sa ibang bahagi nito kaya hindi ko tiyak kung saan sila hahanapin. Ilang minuto akong nag-antay sa labas ng kusina, nagbabakasakaling may maka-alalang nasa kusina pa pala ako at mapuntahan ng aking mga kasama pero walang kahit sino ang napapadaan sa kusina.

Naglakad ako bit-bit ang aking mga gamit sa isang pasilyo. Hinanap ko sila sa bawat kwartong nadadaanan ko.

Naaninag ko si Joms na pumasok sa isang activity area. Habang tawag ang kanyang pangalan ay patakbo na rin akong pumasok kung saan ito lumusot.

Paranormal True Stories- Ang malikot na imahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon