Baguio City (HOTEL)

1.5K 53 7
                                    

Nagtataka ba kayo kung bakit kapag napag-uusapan ang katatakutan hindi nawawala sa usapan ang lugar ng Baguio? Napakarami kong kaibigan na madalas pumunta rito, lalo na sa mga lugar na busog na busog sa kasaysayan ng katatakutan at kahit ako ay hindi naka-iwas sa bagay na ito.

Noong nasa kolehiyo ako nagkaroon ng fieldtrip and seminar sa Baguio para sa mga graduating students ng Institute namin. Two days ang seminar kaya hindi maiwasan maging excited ang lahat lalo na ako dahil first time ko lang makakarating sa nasabing lugar.

Una naming pinuntahan ang The Mansion.

Pagbaba nang bus, niyakap ni Joshua ang sarili dahil sa lamig na nararamdaman. "Wow! Ang lamig."

"Anong oras pa lang ba?" Tanong ni Carla habang panay ang kuha nito sa kanyang camera.

Tumingin sa pambarasong orasan si Teresa. "Seven ng umaga."

"Tingnan niyo 'yung bibig ko habang nagsasalita lumalabas 'yung usok." Hindi pa nakontento si Joshua at bumuga pa ng hangin sa bibig niya.

Nakakahiya man pero para kaming mga bata. Bukod sa first timer kami sa lugar pati ang klima ay first time lang din namin naranasan. Nakikita lang kasi namin ito sa mga foreign movies.

"'Yung ilong ko namumula na." Sabi ni Teresa.

"Ang cute. Mukha kang reindeer o kaya payaso." Pagbibiro ni James.

Nagtawanan ang lahat habang papasok kami sa gate ng mansion. "Prof. baka puwede po kaming pumunta sa loob ng mansion?" Tanong ni James.

"Hindi puwede James, hanggang dito lang tayo sa labas ng mansion, kung gusto niyo puwede kayong maglibot sa labas. Maraming mga tindahan diyan o kaya mangabayo kayo roon."

"Parang mas gusto ko 'yun. Tara punta tayo!" Yaya ni Paulo na ka-batch mate namin pero naging close na rin ng mga classmates ko dahil sa cheering.

Pumunta kami sa lugar na tinukoy ng aming Professor. Binigyan kami ng oras para makapaglibot sa paligid. Matapos naming malibot ang paligid ay agad na rin kaming umakyat sa bus upang tumuloy sa isang hotel.

"Alam niyo ba kung saang hotel tayo?" Tanong ni Aika. Ahead ito sa amin dahil huminto pa siya ng isang taon.

"Ang sabi nila iyon daw ang pinakamurang hotel dito sa Baguio." Sabi ni James habang naglalaro ito sa kanyang mobile phone.

"Bakit mura?" Tanong naman ni Teresa. Tumayo na ito dahil medyo tago ang kanyang pwesto sa bus.

"Kasi luma na raw 'yung hotel tapos ang creepy rin sa loob. Balita ko nga doon din tumuloy last year 'yung mga graduating students eh."

"Kamusta naman daw?" Tanong ko kay James. Kapag katatakutan mabilis mapukaw ang aking atensyon.

"Marami silang naranasang nakakatakot doon."

"Weh? Kalokohan mo!" Hindi ko alam kung takot o hindi lang talaga naniniwala si Joshua pagdating sa mga kwentong katatakutan.

"Oo nga! Sabi nila may nagpakitang white lady sa isang kwarto doon eh."

"Ilang tao ba sa bawat kwarto?" Muli kong tanong kay James.

"Noong time nila apat daw pero dahil marami tayo ngayon pito bawat kwarto."

"Okay naman pala eh. Mas masaya 'yun!" Tumawa ng malakas si Teresa na tila kinikilig pa. Hindi ako sigurado kung saan siya masaya. Kung dahil ba marami sa isang kwarto o dahil gusto niya ang ideya nang kakakutan sa Hotel.

Paranormal True Stories- Ang malikot na imahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon