Yakap

479 30 13
                                    

Tawagin niyo nalang po ako sa pangalang Cab.

I experienced this kind of creepy things when I was in my teenage life.

So, heto na nga.

November 2006, hindi ko na matandaan kung anong eksaktong araw iyon. It's around 11 pm, noong mga oras na iyon, magkakasama kaming magbabarkada sa bahay ng isa rin sa barkada namin. Kwentuhan, biruan, may magkasintahan naghaharutan, iyan yung mga kinaugalian naming gawin kapag magkakasama kaming magbabakarkada.

Hanggang sa mapunta na ang usapan nila sa katatakutan, 'yung iba nagrereact kasi 'di sila na niniwala sa multo.

Nagtatalo na sila noon kaya pumagitna na ako sa usapan.

"Okay, para matigil na kayo, isa lang ang paraan para malaman kung totoo ba ang multo"

"Ano iyon pre?" tanong ng isa sa lalaking barkada namin.

"Spirit of the glass." Pagkasabi ko 'nun, natahimik silang lahat.

"Game!" Sabi ng isa sa barkada naming babae at excited pa ito ha!

Pinag-usapan namin ang araw kung kailan namin gagawin iyon.

Isang linggo ang lumipas bago kami muling nagtipon, same house, same tambayan. Nag-inuman muna kaming magbabarkada bago namin gawin ang spirit of the glass. Pampalakas lang daw kasi ng loob.

Harutan na naman, tawanan, at biruan. Hindi naman kami nalasing sa ininom naming alak kasi isang lapad lang naman ng tanduay ang aming binili at hindi naman iyon naubos.

"12:18 am na guys, ano game na ba tayo?" Tanong ni Nik, isa sa barkada naming babae.

"Okay, tignan ko nga kung talagang totoo itong multo multo na tinutukoy niyo!" Si Jingay ang isa sa barkada naming lalaki na hindi na niniwala sa multo.

Habang hinahanda namin ang sarili sa gagawing spirit of the glass ay napansin ko si Ann na tahimik at hindi maipinta ang mukha. Kahit hindi niya sabihin alam kong na tatakot na siya.

Ilang minuto pa ang lumipas at ready na ang lahat.

Nakapabilog na kaming pito.

Ako, Nik, Katty, Allen, Gol, Jing, at Nene hindi nila tunay na pangalan. Kami lang ang nagkaroon ng lakas ng loob na laruin ang spirit of the glass, habang ang apat naming barkada ay magsisilbing audience namin. Si Ced naman ang magsusulat ng bawat letra na lalabas.

Inilatag na ko sa gitna ang handmade Ouija board na ginawa ko mismo,  isang shot glass na ginamit namin kanina bilang planchette, at isang kandila.

"Ced patayin mo na yung ilaw at pakisindihan na rin yung kandila." utos ko sa kanya.

Matapos niyang sindihan ay naghanda na ang lahat.

Kapansin pansin ang katahimikan ng paligid dahil nakikiramdam ang lahat.

Una na akong nagpatong ng dalawang daliri sa shot glass, sumunod naman si Nik, Jing at ang iba pa.

"May espirito ba na naririto ngayon?" Panimula ni Kat. Pinakiramdaman namin ang shot glass pero hindi ito gumalaw.

"Espirito, espirito are you here?" Muling tanong ni Kat. May narinig akong pigil na tawa sa isa sa barkada namin, na tawa' siguro sa sinabi ni Kat pero sinaway ko ito.

Ilang segundo o minuto ang lumipas ay hindi parin ito gumalaw. "Espirito sinasamo kita, kung sino ka man magparamdam ka na!" Medyo na-iinis na si Kat pero matapos niyang sabihin ito ay gumalaw ang shot glass.

Halos lahat ay nagulat sa nangyari.

"Hoy! Wag mo nga itulak Cab." Saway ni Jingay.

"Wala akong ginagawa." sagot ko lamang dito. Nagkatinginan kami ni Nik at nang iba pa. Dahil sa nangyari pinagpatuloy ni Kat ang pagkikipag-usap dito.

"Espirito, narito ka na ba?" Tanong ni Kat.

Gumalaw na naman ang shot glass at napunta sa YES.

"Hala! Nanay ko." Natatakot na si Ann at sumiksik sa likuran ko.

"Puwede ba namin malaman kung anong pangalan mo?"

Nang isa-isahin ni Ced na isulat ang letra ay may nabuong pangalan pero hindi ko na matandaan kung ano iyon, basta ang natatandaan ko lang ay isa itong lalaki.

"Tama na nga ito, puro kalokohan." panunuya ni Jing. Bibitaw na sana siya sa shot glass pero pinigilan agad ni Kat.

"Huwag! Close muna natin ito, mahirap na."

Mabuti nalang nakinig si Jingay at tinapos namin ang gawain sa pamamagitan ng pagpapaalam sa espiritong nakausap namin.

Nagdiskusyon na kaming lahat tungkol sa nangyaring spirit of the glass. Kanya kanyang salita pero ganoon parin si Jingay, hindi parin ito niniwala sa mga multo.

Ang iba sa amin ay natatakot na kaya hindi nalang muna kami umuwi sa kanya-kanya naming bahay at nagdecide na sa bahay nalang ni Jing magpalipas ng gabi.

2:00 am or something, nasa kwarto na kaming mga lalaki at 'yung mga babae naman ay sa kabilang kwarto kasama ang kapatid na babae ni Jingay.

Tulog na ang lahat ng mga oras na iyon, patay ang ilaw habang ako ay gising pa. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko na 3315 ang unit at nakita ko na mag 3:00 am na kaya naisipan ko nang matulog. Nang maipikit ko ang aking mata biglang may naramdaman akong kakaiba, hindi ko iyon maexplain at grabe yung kabog ng dibdib ko.

Sandali pa akong nakiramdam at tila may palakadlakad sa paanan namin kaya agad kong binuksan 'yung cellphone ko para makita ang paligid. Bumangon ako at inilawan ang mga kasama ko.

Tulog naman sila kaya bumalik ako sa higaan at nakiramdam muli sa paligid. Ilang sandali pa at may naramdaman  na naman ako.

Hindi na ako mapakali kaya bigla akong bumangon para mabigla ko kung sinuman ang pumapasok sa kwarto namin, agad kong inilawan sa pamamagitan ng cellphone ang mga kasama ko pero wala naman akong makita hanggang sa may napansin akong isang imaheng kulay puti sa tabi ni Jingay at tila nakayakap ito sa kanya. Nagtaka ako dahil alam ko kung sino ang mga kasama ko sa kwarto, nilapitan ko ito at inilawan ng cellphone ko.

Nakita kong may yumayakap kay Jingay pero hindi ko makita ang mukha dahil nakasubsob ito sa likuran ni Jing. Dahil 'dun dali-dali kong hinanap ang switch ng ilaw, at binuksan iyon.

Nilingon ko ang puwesto ni Jingay at wala na yung katabi niya na yumakap sa kanya. Napamura ako ng malakas kaya nagising sina Nik at Ann.

Dahil sa ginawa ko kaya kumaripas sila ng takbo papunta sa sa kwarto namin, nakita nila ako sa pintuan at tinatanong ako kung anong nangyari sa akin hindi naman ako nagdalawang isip at naikwento ko sa kanila ang aking nakita.

Wakas

*Thank you 1988CAB sa pagbabahagi ng iyong karanasan at pagsuporta sa PTSAMI.

*Gusto ko lamang pong paalalahanan ang readers na huwag gayahin ang ginawa nila Cab. Masyado itong delikado lalo na kung walang gabay ng mga taong bihasa sa ganitong gawain. Salamat po ulit. --- Elyon Dela Cruz

Paranormal True Stories- Ang malikot na imahinasyonWhere stories live. Discover now