Pamana: Sumpa o Biyaya? (3)

393 24 1
                                    

Hi, it's me Clara. Heto na naman ako. Ha-ha-ha! Ewan ko pero gumagaan ang pakiramdam ko kapag naishare ko ang mga karanasan ko.

Ang bigat na kasi kaya kailangan kong pagaanin 'tong dinadala ko.

Here we go...

Lumaki ako na isang normal at tipikal na bata. Na mayroong masaya at simpleng pamilya. I was raised in a God-centered-family. I am a Christian in Baptist denomination.

But, I was taught to always be open-minded on what I might encounter along my way.

As I could remember, noong maliit pa ako, ilang beses akong nakakakita ng translucent human-like-form but as a child, wala akong pakialam. Ni hindi ako nakakaramdam ng takot.

But my fear towards supernaturals or paranormal started to envelop me when I was grade five.

Tuwing madaling araw, 12am to 3am, nagigising akong umiiyak at sumisigaw ng tulong.

I always had a nightmare. Ilang buwan ding tumagal na gano'n ako, everyday. Iisang panaginip lang ang napapanaginipan ko. And I doubt kung panaginip ba talaga iyon.

No'n din nagsimula ang takot ko kapag may bumubulong sa aking tenga. Dahil sa tuwing madaling araw, may napakagandang babae ang dumadalaw sa akin at may binubulong sa aking tenga.

Kakaibang lenggwahe ang gamit niya pero naiintindihan ko siya. Sinasabi niyang gusto niya akong isama sa lugar nila dahil maganda at masaya raw do'n.

Ang babaeng 'yon ay may itim at napakahabang buhok, maputla siya at nakaitim na bestida.

Sa tuwing dinadalaw niya ako, hindi ako makagalaw sa kinahihigaan ko pero nagagawa kong imulat ang mga mata ko at nakikita ko siyang nakadungaw sa akin at nakangiti.

Maamo ang kaniyang mukha pero nakakatakot ang mga mata niyang napakaitim.

Hanggang ngayon, kahit ilang taon na ang nakalipas ay tandang-tanda ko pa rin ang lahat.

Kinuwento ko kina mama ang tungkol sa babaeng iyon. Simula nang malaman nila ang dahilan kung bakit ako nagigising tuwing madaling araw ay tumatabi na sa aking pagtulog ang aking kuya, na tawagin nating Kuya Carly, siya 'yong kuya kong namatay at may bukas na third eye.

Sabi ni Kuya Carly, na huwag akong matakot dahil siya na raw ang bahala sa akin. Kahit katabi ko si Kuya Carly, dinadalaw pa rin ako ng babaeng 'yon pero mabilis siyang nawawala.

Ngunit may isang beses na akala ko ay tuluyan na akong makukuha ng babaeng iyon. Tuluyan niya akong naisama sa lugar nila. Siyempre, ang espirito ko ang nakuha niya.

Nakita ko pa nga ang katawan kong nakahiga sa kama na katabi si Kuya Carly.

Iyak ako nang iyak no'n. Humihingi ng tulong kina kuya. Nag-pray rin ako ng todo. Pero masyadong malakas ang babae. Tanda ko pa kung saan kami dumaan at kung saan niya ako dinala.

Doon sa pinapasukan kong Elementary School. Sa likod ng grade six building may miniforest doon.

Sa miniforest niya ako dinala. Hanggang sa narating namin ang tila isang maliit na baryo. Nakita ko na lang ang sarili kong nakagapos sa gitna nilang lahat na walang saplot.

Pinapalibutan ako ng mga nilalang na 'yon na kawangis ng tao pero alam kong hindi sila tao. Nakaitim silang lahat at may sinasambit silang kakaibang salita.

May umaawit. May sumasayaw. Nagkakasiyahan silang lahat. Habang 'yong babae naman ay naglalakad palibot sa akin habang may sinasambit na salita.

At naisip ko na lang na ginawa nila akong alay sa isang ritwal.

Paranormal True Stories- Ang malikot na imahinasyonWo Geschichten leben. Entdecke jetzt