Incubus

579 31 2
                                    

Lahat tayo ay may kanya-kanyang kababalaghan na nanararanasan. Pero para kay Khorie na ipinanganak na tila may kakaibang kakayahan ay normal na lang sa pang araw-araw niyang pamumuhay na maranasan ito. Normal na sa kanya ang makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng mga tao. Inamin niya rin na kahit papaano ay natatakot pa rin siya ngunit nilalakasan na lang nito ang loob kagaya ng pagbabahagi niya ngayon ng kanyang hindi malilimutan na karanasan.

Gusto ko lamang balaan ang mga kabataan na nagbabasa nito na maselan ang istoryang maibabahagi ko sa inyo.

Ang incubus daw ay isang demon na nakikipagtalik sa isang tao partikular sa isang babae. Succubus naman sa lalaki.

Narito ang kanyang kwento.

Ako si Khorie, kasalukuyang nagtatrabaho sa libis bilang office staff. May isa kaming anak na babae ng asawa ko na nasa probinsya kung kaya't dalawa lamang kami sa isang studio type na apartment sa pasig.

Madalas ako lang naiiwan sa bahay kapag rest day ko dahil pumapasok ang asawa ko sa trabaho. Dahil nga nakakakita at parang hindi ako makahinga kaya palaging nakabukas ang ilaw kahit natutulog ako sa umaga at gabi.

Kapag pumasok ka sa bahay yung double deck agad ang bubungad sayo. "Dun ako natutulog. At kapag matutulog naman nakaharap 'yung paa ko sa comfort room at yung ulo ko nakaharap sa bintana.

Kumpara sa ibang umaga mas kakaiba ang umagang iyon, habang mahimbing akong natutulog, may naramdaman akong isang napakalamig na hangin. Sarado ang pintuan ngunit bukas naman ang bintana kaya hindi ko pinansin ang kakaibang hangin na iyon.

Laking pagtataka ko nang ang hangin na iyon ay bumabalot sa buo kong pagkatao.

Hindi ako makagalaw, parang naparalisa ang boo kong katawan, hindi ako makapagsalita.

Naramdaman ko nalang na may puma-ibabaw sa aking katawan. Hindi ko maunawaan kung bakit hindi ko man lang maimulat ang aking mga mata upang makumpirma kung sino siya.

Unti-unti niyang itinataas ang laylayan ng damit ko. Nais ko siyang pigilan ngunit wala akong lakas na gawin iyon. Hanggang sa wala na akong saplot sa katawan.

Naramdaman ko nalang ang normal na nangyayari sa isang mag-asawang nagtatalik sa kama. Naramdaman ko ang kanyang katawan. Ang buhok niyang mahahaba. Ang bawat haplos na ginagawa niya. Subalit ang lahat nang kakaibang sensasyong nagaganap ng sandaling iyon ay napalitan nang takot ng mahaplos ko ang magkabila niyang tenga, kaiba sa ating mga tao meron siyang mahabang tenga na tulad sa isang hindi pangkaraniwang nilalang. Magaspang ang kanyang mukha at nanlilisik na mga mata.

Nang sandaling iyon nabalutan na ako ng takot.

Hindi ako makahinga.

Hindi ako makagalaw.

Gusto kong sumigaw pero pinagdadamutan ako nang lakas ng loob kaya wala na akong nagawa.

Nangyari na.

Nasunod ang gusto ng nilalang na iyon.

Nang matapos siya nagkaroon ako ng pagkakataong na maka-usap siya.

"Sino ka?" Tanong ko sa nilalang.

Isang tinig na maaaring magpatinding ng iyong balahibo. Isang tinig na tila galing sa ilalim ng lupa. Hindi ko siya maintindihan marahil dala na rin ng takot na nararamdaman.

Marami siyang pangalan na binabanggit hanggang sa naglaho na lang siya bigla at nagising akong sapol ang aking dibdib at habol-habol ang hininga. Butil-butil ang pawis sa boo kong katawan.

Naalala ko na hindi lang ito ang unang beses na nangyari iyon. Dati gumagamit pa siya ng ibang mukha pero ngayon ano't pinakilala na niya ang kanyang sarili?

Simula 'nun natatakot na ako sa tuwing nag-iisa ako. At sa mga oras na ito yakap ko ang aking asawa dahil sa takot na baka isang araw ay bumalik muli ang nilalang na iyon.

WAKAS

"Maraming salamat Magzz23 sa pagbabahagi ng iyong karanasan.

Paranormal True Stories- Ang malikot na imahinasyonWhere stories live. Discover now