That Guy

284 26 0
                                    

Karugtong ito ng "Crowning Glory" ko na confession.

Last April 1, 2018... May nakilala akong guy through facebook though matagal ko na siyang friend dahil schoolmate ko siya noong college ako, nasa Maritime Department siya while me ay nasa Arts and Sciences pero hindi kami magkakilala ng personal.

10 pm nang makuha niya ang pansin ko. 2013-2015 posts ko ay pina-floodlikes niya. Galawang stalker. Though, palagi naman niyang nila-likes ang mga recent posts ko.

I don't know kung ano ang pumasok sa isip ko, minensahe ko siya. It says, "Seriously? 2014 posts ko. Stalker." And because of that napuyat ako dahil 3am na natapos ang aming chat.

Himala, hindi ko alam kung bakit natagalan ko siya ng chat, given the fact na hindi talaga ako mahilig, unless kung interesado ako sa topic ng chat.

Nalaman kong long time crush niya raw ako since 2011. Una niya akong nakita sa building na malapit sa department nila. Simula noon para raw siyang asong ulol na sunod nang sunod sa akin pero hindi ko naman daw siya pinapansin.

Saktong lilingon lang ako sandali tuwing tatawagin niya ako at poker face lang. Pilit siyang nagpapapansin sa akin, minsan na rin niyang sinubukang kausapin ako pero tatango o iiling lang daw ako.

Nakipagkaibigan din siya sa kaklase ko para lang mapalapit sa akin, nakuha niya ang number ko pero 'ni isang reply wala. Sinabi niyang masiyado raw akong maganda para mapansin siya, marami raw nagka-crush sa akin na gaya niya inii-snob ko lang daw.

Nganga ako dahil wala akong matandaan kahit isa sa mga sinabi niya. Ang tanging naalala ko lang ay may nirereto ang kaklase ko na kinaibigan niya na taga-maritime.

Kahit nagtataka ako kung bakit ang bilis mahulog ng loob ko sa kaniya. Hindi siya guwapo. Hindi naman ako pihikan pero kakaiba talaga eh, parang may tumutulak sa aking mas maging malapit sa kaniya.

Isa siyang seaman, kaya kahit gusto niyang magkita kami ng personal ay hindi pa puwede dahil malayo pa ang end of contract niya.

Napakarami kong naibahagi sa kaniyang mga sikreto ko na dapat hindi ko sasabihin sa isang tulad niyang hindi ko kilala.

Pati nasabi niya sa akin na may lahi siyang manggagamot. Na dumaan siya sa maraming pagsubok at binabasbasan na raw siya.

Naghinala ako pero ang utak ko ay nakatuon na sa kung ano ang mayroon kami.

Nasabi ko ang sikreto ng aming pamilya. Tungkol sa misteryosong bloodline namin. Na pinakatagotagong sikreto namin.

Naishare ko rin sa kaniya ang nangyayari sa akin. Iyong ibinahagi ko sa Crowning Glory, may inutos siya sa aking ritwal na gagawin para raw tigilan ako ng mga sumusunod sa akin, ginawa ko naman, labag sa kalooban.

Gago. Nakakaloko.

Sinabi niyang dapat daw bago ako matulog ay sambitin ko ang mga katagang ito, "Si **** ang akon kapares asta sa mintras. Si **** ang lalaki para sa akon. Si **** lang ang akon palanggaon."

(Translation: Si **** ay ang aking kapareha. Si **** ay ang lalaking para sa akin. Si **** lang ang aking mamahalin.)

Sasabihin ko raw 'yan sa harap ng kaniyang picture at may sasambitin pa akong dasal.

Siyempre hindi ko ginawa. Nakakaloko kasi. Pinagtawanan ko lang siya. Pero parang magboyfriend na talaga ang turingan namin. Sinabi ko na rin sa pamilya ko ang tungkol sa kaniya.

Nong naisipan kong gupitan ang buhok ko ay doon ko rin napansin ang biglang pagbabago ng pagtingin ko sa kaniya. Narealized ko kung anu-ano ang na-ishare ko sa kaniya. Ang bobo-bobo ko.

Bakit ko sinabi ang tungkol sa sikreto ng pamilya namin? Mahigpit pa naman kaming pinagbawalan na huwag na huwag ipagsabi dahil para sa seguridad namin lalong-lalo na ako.

Nang mas pinaiklian ko ang buhok ko doon ko na siya sinabihang ayaw ko na, na hindi tama. Pero alam kong hindi ko na mababawi pa ang sinabi ko. Alam na niya.

Sa ngayon pinipray ko na sana hindi niya ako ilalagay sa panganib kung saan puwede madamay ang buong pamilya ko.

Sa tingin mo may ginawa kaya siya sa akin o sadyang nadala lang ako?

Paranormal True Stories- Ang malikot na imahinasyonWhere stories live. Discover now