Chapter 34.

563K 9.5K 2.3K
                                    

Chapter 34.
Trey

"Hush... I'm sorry, baby. I'm sorry," he whispered.

Tumigil yata ang pag-inog ng mundo ko. Parang may bikig na biglang bumara sa aking lalamunan at bigla akong napipilan. Tama ba ang narinig ko?

MIGUEL. ANGELO. TAN. APOLOGIZED?!

As if on cue ay bumulong siya uli, "I'm so sorry, baby." Mas lalo niyang isiniksik ang mukha niya sa leeg ko at hinigpitan ang pagyakap sa akin.

Wala akong nagawa kung hindi matulala at namnamin ang bawat salitang binitawan niya. Para kasi iyong panaginip na ano mang oras ay maaring mawala na parang bula dahil magigising akong muli.

But yes, here's the man I love, telling me his sorry, his voice full of sincerity and helplessness. It was really happening. Na para bang hindi siya ang lalaking, who, just a few days ago, told me how low he thought of me.

Nang ilang saglit pang walang mga salitang namutawi sa aming dalawa ay napakagat ako ng mariin sa aking labi.

Pinahid ko ang luhang walang tigil sa pagbagsak. Sinubukan kong makawala sa kanyang yakap ngunit mas lalong humigpit iyon.

"Miguel, let me go," pakiusap ko sa garalgal na boses.

Sa pagkagulat ko'y pinakawalan kaagad niya ako at umatras palayo sa akin. Ilang saglit na nagtitigan lang kami hanggang sa gumalaw siya't lumapit sa'king muli.

Hindi ako nakagalaw hanggang sa ilagay niya ang kamay sa likod ng ulo ko.

Inilapit niya iyon sa kanya and pressed his lips on my forehead. "Marami akong naging mali but damn, baby, I promise, i'll do the right things from now on," he whispered at hinuli ang akin tingin.

He was looking at me, his eyes full of promises and determination. Dug. Dug. Parang umangat ang puso ko at nalula.

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Ano bang nangyayari sa kanya? One moment, he was cruel and heartless, pagkatapos ay nagbitaw ng take-me-back words, then he's back to being heartless pagkatapos ay heto na naman siya.

Napapikit siya ng mariin. "Tangina, ang unfair talaga," mura niya sa sarili. Ilang saglit na ganoon ang lang ang ayos siya at ako naman ay mukhang tangang nakatingin lamang sa kanya.


Nang dumilat siya ay seryoso siyang tumingin sa akin. "I'll just keep calm, baby," utas niya. Nang hindi ako magsalita ay ginulo niya ang buhok niya. Tsaka ko lang napansin na wala siyang suot na cap.

"God, Rein! The things you do to me," anas siya at saka tuluyang lumisan. Umalis siyang nakatulala lamang ako.









Napayuko ako ng bahagya habang naglalakad sa hallway. Hindi ko pinansin ang mga nanunuring mga mata at nang-uuyam na mga tingin. Dali-dali akong naglakad patungong office. Mabilis na kumalat ang nangyari sa conference room at marahil, pati ang eksena sa CR.

"Ayan ba? Naku, ang landi naman talaga."

"Ano ka ba? Nagka-dysmenorrhea lang, malamang nagpaka-gentleman lang si MA"

"Siguro inaakit niya si Sir."

"Balita ko gold-digger daw yang babaeng 'yan. Tss"

"Hindi niya siguro alam no? Tsk. Tsk."

Napasandal ako sa likod ng pinto at napapikit ng mariin ng makapasok sa loob ng kwarto.



"Shots?" alok sa'kin ni Shara at iniumang ang shot glass. Umiling ako at tinitigan ang inorder kong orange juice. Nasa isang bar kami ngayon upang magcelebrate kuno dahil sa na-approved na design at na-ischedule na ang construction.

Romancing The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon