Chapter 5.

818K 5.8K 178
                                    

Chapter 5.
Ice Prince

"White Chocolate Mocha for Rein?"

Binigyan niya ng tipid na ngiti ang barista na tumapat sa kanya na may hawak na tray. It was her order. "Yes. Thank you." Inilapag nito iyon sa table niya kung saan nakalagay din ang laptop niya.

"You're welcome. Enjoy your drink, Ma'am" the girl smiled then nodded at bumalik na sa counter. Nasa isang coffee shop siya nang mga oras na iyon at nagtatrabaho. Sinend na sa kanya ng firm ang lahat ng kakailanganing documents para sa project na iyon so she was now doing her research. Nakapagdesign na rin siya ng iilang airport sa US dati ngunit ngayon ang unang pagkakataon na siya ang head designer.

Nandoon siya partly because she was used to work in an environment where everyone is doing something. Mas nakakasipag gumawa kaysa sa bahay na inaantok lang siya at napapatulala lang siya. Lalo na ngayon na marami na rin ang mas gustong sa isang coffee shop nag-aaral or nagtatrabaho gamit ang mga laptop nila. Busy but still somehow chill. Bonus na rin ang amoy ng kape habang gumagawa. Divine.

Pero partly dahil umalis si Alex kasama ang mga lola't lolo nito and honestly, she didn't want anything to do with her dad. Hayaan niyang makasama nito ang apo nito pero gusto nito ay pati siya ay hindi pwede.

Rein didn't hate her father. It was something else entirely. She wanted nothing to do with the man.

In fact, kung hindi lang siya nagu-guilty na wala na ngang ama ang anak niya, wala pa itong lolo ay di niya pa gustong magkakoneksyon ang mga ito.

Her father was rich. Filthy rich.

And by filthy, she meant that quite literally.

Simula pa lang noong bata siya ay wala nang panahon sa kanya ang kanyang ama. Lagi itong umaalis at nagtatrabaho. Noong una ang akala niya ay ganoon talaga ang mga tatay at mga nagtatrabaho, laging may bodyguard na mukhang nakakatakot at may mga dalang malalaking baril until narealize na lang niya that her father wasn't a good man. Kaya pala ganoon ay ilegal ang trabaho nito.

Rein knew just how powerful her father was and how dangerous.

Until now ay hindi niya alam kung ano ang business nito and frankly, she didn't want to know. Hell, It could be drugs.

At first she hated him, papaano nito nagawang pumasok sa ganoong negosyo na may anak at asawa. Inilagay nito sa panganib ang buhay nila, may mga kaaway ito sa negosyo kaya rin ganoon na lamang ang mga bodyguards nila. She hated him so much she changed her surname into her mother's. She didn't want anything to do with him. Umalis din agad siya sa poder ng mga ito dahil di niya maatim na mamuhay sa salapi na galing sa maruming paraan.

And worse, her father let her.

She shook the thoughts of her father. According to her mom, legal na ang business nito. He owns a chain of malls. That was the reason she let her father enter their lives again, or Alex's for that matter.

Ibinaling niya ang isip niya sa trabaho niya. Their client is MA Group of Companies, di pa niya nareresearch ang kumpanyang iyon. Pero noong i-brief siya tungkol dito ng firm ay isa ito sa pinakamakapangyarihang kumpanya sa Pilipinas, even some parts of Asia. They own restaurants, malls, etc. even airports at ang gagawin niyang project ay isa pang branch ng airport nito sa bansa, Cebu in particular.

Magkakaroon sila ng meeting with the owner of the company sa isang linggo kasama ang partner local firm nila dito.

Bumaling siya sa laptop niya at pumunta sa Google tinatype pa lamang niya ang pangalan ng kumpanya---para sana kahit papaano ay may background siya sa kakausapin nila---nang mapapitlag siya dahil may nagsalita.

Romancing The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon