Chapter 19.

785K 6.3K 539
                                    

Chapter 19.
Elevator

"I'm Spiderman, isn't it obvious, Mister?"

Biglang nagising ang diwa ko nang marinig ko iyon. Oo nga pala, may kausap pala akong bata.

Ipinilig ko ang ulo ko, amused. "That I can see. But what's your real name?" Hindi ko alam kung bakit gusto kong malaman ang tunay niyang pangalan. Some gut feeling.

"You look familiar, Mister." biglang sabi nito.

I almost smiled. Hindi ko alam kung iniiba niya ang usapan o mukha talaga akong familiar sa kanya at bigla na lang niyang naitanong. Gusto ko tuloy tanggalin ang shades na suot ko at ipakita sa kanya ang mukha ko.  But don't tell me this kid read 'Bachelors'!

He licked his ice cream, looking so innocent. "But I won't tell you my name. Mommy said I shouldn't talk to strangers.."

I smirked. "Smart boy"

"Alex! Naku bata ka, kanina pa kita hinahanap! Bakit ka kasi tumatakbo?"

Sabay kaming napalingon sa babaeng sumigaw. Nakatingin siya sa batang kausap ko. So his name's Alex. Siguro ay iyon ang Mommy niya. Pero bakit parang na-disappoint ako? Like I was expecting something.

Tumayo ako ng diretso. I was about to say goodbye to the kid nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon at nakita kong si Monica ang tumatawag.

Tumalikod ako and answered it.

'Hello, M.A.. Nasan na po kayo?"

Lumingon ako sa paligid at sinabi na nasa tapat ako ng store na iyon.

"Sige po, papunta na po ako dyan."

"Okay" I said then hang up.

Paglingon ko para magpaalam sa bata ay wala na sila. Biglang parang may dumagan sa dibdib ko at parang gusto kong halughugin ang buong mall para makita siya uli. The blue-eyed kid. Maybe his dad is a foreigner. Sa nakita kong Mommy ng bata ay hindi sila magkamukha. Marahil ay ganoon nga iyon.

But why does it bother me so much?


Rein's POV.

"Sorry again. Masama lang talaga ang pakiramdam ko kaya hindi ako nakapasok" sabi ko kayla Twinkle.

Nagpaikot silang dalawa ng mata. "Ano ba? Okay nga lang! Hindi mo naman kasalanan na sumama ang pakiramdam mo, diba? Pero walang takas sa libre! Ikaw manlilibre sa atin ngayon!"

Natawa ako. "Oo na."

Pumasok na uli ako. Naihatid ko na pauwi si Alex kahapon. Hindi ko makalimutan ang nangyari sa mall. Naiiyak na ako kakahanap sa mall kayla Alex—fearing na baka nakita sila ni Miguel at bigla na lang siyang kuhanin sa akin. Muntik na rin ako mahimatay dahil sa sobrang kaba--then bigla ay sumigaw si Alex at tumakbong papunta sa akin.

I was so scared akala ko mawawala na siya sa akin. Takot na takot ako. Napagalitan ko pa si Dina. You couldn't blame me. I was worried sick. Binilinan ko siya na huwag aalis at sa simpleng bilin na iyon ay hindi niya nagawa ng maayos.

"Oh-oww. Patay!"

Napakunot-noo ako nang bumulong si Sexy at napatingin sa kanya. Nasa tapat kami ng elevator at naghihintay na makapasok.

Nakita kong nakatulala sila pareho at nanlalaki ang mga mata. Tinignan ko kung ano ang nakita nila. Nakabukas na pala ang elevator. Pero napa-freeze ako nang makita ko kung sino ang sakay niyon.

Romancing The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon