Chapter 25.

744K 7.6K 1.3K
                                    

Chapter 25.
P-51D and Bernice Mendez.

Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Blanko ang ekspresyon niya habang nakatingin sa screen.

Alex baby calling...

Unti-unti kong nilayo ang phone ko mula sa paningin niya. I bit my lips. Nagpapanic na ang buong sistema ko at nagdadalawang-isip na ako kung sasagutin ko ba o hindi.

He shifted his gaze back to the people na lumalabas ng arrival lobby. "Answer it," walang gatol na sabi niya.

Napalunok ako at tinignang muli ang aking phone. "E-excuse me, Sir." sabi ko at lumayo, just a few meters away from him.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kabadong-kabado. Paano na lang kung nahalata niya? What if magtaka siya sa 'baby'? Kapag ba 'baby' anak na agad iyon? Bakit iyon pa kasi ang inilagay kong pangalan!

"Hello, Alex?" I answered, my heart's still pounding against my chest. Tumingin ako kay Miguel. Magkasalubong ang kilay niya at may kausap na sa phone.

"MOMMY!" he replied in a sing-song voice. Inalis ko ang tingin kay Miguel at awtomatikong napangiti. Natunaw ang lahat ng negative na nararamdaman ko dahil sa mala-anghel na boses na iyon.

"Hi, baby. I miss you! Bakit ka napatawag? I'm sorry, hindi kita natawagan kagabi" I said, feeling guilty dahil hindi ko talaga siya natawagan kagabi because of a one night stand with your father!

"It's okay, Mom. I still love you, you know and I know you have sooooooo many things to do. But mom, uhmmm, you see, I just wanna say sorry kasi this airplane you have sa kwarto mo po. I'm sorry po if nigalaw ko yun. I just can't help it, Mom! It's one of my favorites. Mamu said na sa iyo po iyon. Sorry, Mommy." he said, hindi man lang humihinto.

I chuckled. "Wala akong naintindihan sa sinabi mo, baby." Oh, how I miss him.

"Aww, Mommy!"

I smiled. "Okay. Okay. What airplane are you talking about? May airplane sa kwarto ni Mommy? Ang laki naman yata nun, baby."

He grunted. "I mean, the model airplane na nakatago po sa kwarto mo. I saw it po sorry if nigalaw ko po yun.

Scale model?

Parang wala naman akoShit. "The white one, Alex?" kinakabahang tanong ko.

"Opo, Mommy. P-15D Mustang-sorry!" he said hesistantly. Of course, Mustang..

"N-no, baby. It's okay. N-nasira ba?"

"No, mom." I sighed. Bakit kailangan pang makita ni Alex iyon?

"Okay. That's fine. By the way, uuwi ako ng Saturday diyan, baby. Be a good boy, ha?"

"YESSS!" we exchanged our goodbyes and "I love you"s. Tinitigan ko muna ang phone ko at muling napabuntong hininga.

It was from Miguel. The airplane. Hindi ko alam na naitago ko pala iyon and now, Alex discovered it.

"Ms. Gardencias?" napapitlag ako nang may nagsalita.

Tumango sa akin ang driver ni Miguel. Yes, natatandaan ko siya. Siya yung driver ng limousine ni Miguel noong sinundo ako ng huli sa condo.

"Nauna na po si MA sa kotse. Sumunod na lang daw po kayo kapag nakita nyo na iyong mga kasama niyo." walang emosyong sabi niya. Napangiwi ako.

Tumingin ako sa puwesto ni Miguel kanina at nakita kong wala nga siya doon. Pss.

Tumango ako at tinignang muli ang mga lumalabas ng arrival area. I glanced at my wrist watch then naalala kong hindi ko alam kung ano ang flight number ng iniintay ko. I groaned. Umalis siya nang hindi man lang niya sinabi kung ano. Just great.

Romancing The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon