Chapter 21.

896K 8.1K 1.5K
                                    

Chapter 21

Jealous?
 

Hindi ko alam kung ilang oras kaming nasa himpapawid, I was too busy making myself at ease for the past hours. I was actually hoping sleep would take me pero hindi nangyari iyon. Hindi rin nakatulong ang harness na nakakabit sa akin. It was too secured for my liking, almost suffocating me. 

Narinig ko na lang si Miguel na nagsasalita "...Vladimir at one eight thousand over." I sighed. He sound too cool and confident, like he was doing this for years. But what do I know? Wala akong alam sa kanya sa mga nakalipas na taon.

Gusto ko sanang imulat ang mga mata ko para makita si Miguel kung ano ang hitsura niya ngayon. Being a pilot was his dream at hindi ko alam na natupad pala iyon. I could hear all the flippings and switchings of buttons, even Miguel's transactions to God-knows-who. It all sounded so professional to me. Pero ayaw ng katawan ko.

Naramdaman kong unti unti kaming bumababa. I let out a sigh of relief. At last! Nang maramdaman ko na parang nasa lupa na kami. Miguel sets the helicopter down. Bumilang ako ng ilang segundo bago ko buksan ang aking mga mata.

Napatingin ako sa bintana at napasinghap ako sa aking nakita. The place was extremely beautiful. I suspected it as a beach-resort dahil mula sa kinaroroonan ko nakikita ko ang isang traditional Mediterranean architecture with lush foliage and coconut trees. Napansin kong nagland ang sinasakyan namin sa isang open area few meters away from the hotel, sa parteng puro damo ang lupa. 

Anong ginagawa namin dito? Surely, hindi naman dito ang site diba?

I shifted my gaze to the cockpit and it landed on Miguel's sexy back. He switched the ignition off, making the rotor blades slow until it stopped. He took off his headphones, making me realize na bababa na kami at wala pa rin akong ginagawa. I mentally cursed myself. 

Una kong tinanggal ang headphones pagkatapos ay bumaba ang tingin ko sa harness na nakakabit sa akin, I winced when I realized na hindi ko alam kung paano tanggalin iyon. Kinabit lang sa akin 'to nung lalaki kanina and I have no idea how to unbuckle this damn thing.

Nagulat na lang ako nang nasa harap ko na si Miguel, unbuckling my seatbelt for me. His face just inches away from mine. How the hell did he get in here so fast? Biting my lips, ipinilig ko sa gilid ang mukha ko. Naririnig ko ang malakas na tibok ng puso ko. I just hope na hindi niya iyon naririnig. 

Nang maramdaman kong nakalas na ang seatbelt ay umusog ako palikod, hoping to have enough space para hindi magkalapit ang aming mga mukha even though it's the exact opposite of the thing I wanted to do right now. 

Romancing The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon