Chapter 29

629K 7.3K 1.3K
                                    

Chapter 29. 

Kung Pwede Lang

Of course, i'm nothing.. ano bang inaasahan ko?

I gingerly wiped the tears from the corner of my eyes and cursed myself. I'm not supposed to cry, right?

Wala sa loob na binaling ko ang aking tingin sa tinitimpla kong kape. Nasa dulo ako ng hall ng floor namin kung nasaan ang vending machine. May coffee machine sa tabi ko pero ayaw kong gamitin dahil hindi ko gusto ang timpla niyon. And if there's one thing I am good at, besides sketching, it's making coffees. 

I bit my lips and continued mixing it. Gusto kong hanapin si Bernice at sigawan. But what good would that do? Hindi naman siya ang sumagot ng 'she's nothing to me' pero naiinis ako. Ano bang karapatan niyang magtanong at makialam?

I snorted. Anong papakialaman, Rein? Nothing nga diba?

Then suddenly, I hear a thud. Nang lumingon ako ay nakita ko si Mico. Hinihimas niya ang braso niya at nakangiwi. Nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay bigla siyang namula.

"What happened, Mico?" 

Mas lalo pa siyang namula. Kahit hindi maganda ang pakiramdam ko ay hindi ko pa rin maiwasang ma-amuse sa pagpula ng mukha niya. 

"Ah--ah, Ma'am R-rein. Wala po."

I saw him handling a plastic cup. Bumalik ang tingin ko sa mukha niya and forced a smile.  "Kukuha ka ng coffee?"

Tumango siya. "Sira po kasi yung sa floor n-namin so u-umakyat ako rito." 

"Oh, I see." I said and smiled. Pero alam kong hindi umabot iyon sa mga mata ko. He cleared his throat at unti-unti na niyang nilagyan ng kape ang hawak niyang cup. Napasinghap ako nang makita kong may sugat ang braso niya. Mukhang bago lang iyon dahil nakikita ko pa ang dugo at namumula-mula. Then naalala kong hawak niya kanina iyon.

"Hala, Mico. Anong nangyari sa braso mo?" I exclaimed.

Napaigtad siya at muntik nang tumapon ang kapeng pinupuno niya. He cursed and blushed, again. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya. Tinignan ko iyong mabuti. "Ah--ah, w-wala po to, katangahan ko lang. Ayan nasugatan"

Bigla akong natigilan.

"Ano ba 'yan? Tss. Katangahan." he mocked. Kinuha niya ang daliri kong nasugatan at inilapit sa mukha niya, examining it. His blue eyes were serious but I could see a hint of amusement  lingering there

Romancing The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon