Love Affair no. 11

110K 1.7K 52
                                    

Ipinatong ko ang bowl na may lamang pop corn sa lamesa. Pinakiramdaman ko si Sir kung may iuutos pa sakin. Nakaupo sya sa sofa habang nakapatong ang dalawang paa sa lamesa. Movie Marathon naman ang pinagkakaabalahan nito ngayon.

Naiiling na lang ako dahil sa katamaran nitong amo ko. Aalis na sana ako dahil wala naman ata syang ipag uutos pa sakin nang bigla na lang hinila nya ang kamay ko na dahilan para mapaupo ako sa tabi nya.

Pagkatapos ay binitawan nya ako at kinuha nya ang bowl sa lamesa. Kumuha din sya ng unan at ipinatong ito sa binti nya. Inakbayan nya ako gamit ang kaliwang kamay habang ang isa ay pinangkukuha nya ng pop corn.

Luminga-linga ako sa paligid para makasiguradong walang nakakakita sa ayos namin ngayon. Kahit na medyo naiilang ako ay hindi ko na lang ipinahalata at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa panunuod ng movie.

Ang palabas ay tungkol sa isang bata na isinilang na may sakit. Ipinanganak syang parang matanda ang balat. Namatay ang nanay nya dahil sa panganganak sa kanya. Itatapon na sana sya ng tatay nya kaso nagbago ang isip nito at idanala ito sa home for the aged. Inalagaan sya ng mga tao dito. Habang lumalaki sya pabata ng pabata ang itsura nya hanggang sa mag mahal sya at nagka anak sila. Ang ending ng kwento ay ang asawa nya ang nag alaga sa kanya hanggang sa namatay na ito.

Hindi ko namalayan na hanggang sa matapos ang pinapanood namin ay nakaakbay pa rin si Sir sa akin. Tatanggalin ko na sana ang kamay nya ng mas lalo nya itong hinigpitan.

"Bakit malungkot ka?" Tanong nito. Sasabihin ko sanang dahil naaawa ako sa bida kaso baka isipin naman ni Sir na napaka arte ko kaya mas minabuting umiling na lang ako.

"Bakit nga?" Pamimilit nito.

"Wala nga po Sir." Narinig kong bumuntong hininga sya at inalis ang pagkakaakbay sa akin. Naramdaman ko ang pangangalay dahil halos dalawang oras kami na nasa ganong posisyon.

"Magbihis ka mamayang gabi. May pupuntahan tayo." Tumango na lang ako kahit wala akong kaide ideya kung saan kami pupunta. Hayy. Bahala na.

***

"Dyuskoday! Anong klaseng get up yan?! Aminin mo, Ikaw ang founder ng jologs no?" Ani Jupiter habang kinikilatis ang suot ko. Humarap ako sa salamin. Okay naman ang suot ko ah. Nakatokong ako tapos ang damit ko ay tshirt na may tatak na hello kitty. May kalumaan na ang damit ko kaya may kaunting butas sa may bandang leeg. Mabuti na lang at gabi ngayon kaya hindi masyadong mapapansin. Nag rubber shoes na din ako dahil nakakahiya naman kung magtsitsinelas lang ako. Wala naman kasi akong mga doll shoes o sandals.

"Ano ba yan?! Makikipagdate ka ng ganan ang ayos!" Bulyaw na naman sa akin ni Jupiter.

"Pwede na to. Ito na pinaka maayos kong damit. Tsaka hindi ito date. Nagpapasama lang sya sa akin." Mag iisang linggo na kasi akong hindi naglalaba dahil nga nagkasakit si Manang. Naisuot ko na yung mga magagarang pang alis ko kahit dito lang naman ako sa bahay.

Sasagot pa sana si Jupiter nang napatigil ito dahil sa katok ng pinto. Agad akong kinabahan. Hanggang ngayon kasi ay wala pa din akong ideya kung saan kami pupunta. Bubuksan na sana ni Jupiter ang pinto ng pigilan ko ito.

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon