EPILOGUE

7.7K 155 66
  • Dedicated kay all the beautiful readers of IARWMA
                                    

#IARWMAepilogue

#GoodbyeIARWMA

Hello, readers! May iko-confess ako sa inyo. Wala kasing kalendaryo sa bahay namin kaya hindi ko namamalayan ang date. Kahapon pala ang May 2? Akala ko ngayon pa lang yun eh! HAHAHAHA! JK!

Anyways, sorry pooooo kung na-late na naman ng isang araw ang update! Hindi pa ba kayo nasanay sa akin? Bwahaha! Hayaan n'yo na! Last na talaga 'to! Ending na eh! Hahaha!

So ready na ba kayo? HUHUHU

ENJOY READING! HOPE YOU'LL LIKE IT! ^_____^

EPILOGUE

ASHLEY’S POV

 

May mga taong handang isuko ang pagmamahal nila para sa isang tao upang hindi na makasakit pa ng iba. Pero minsan hindi lang iyon ang dahilan nila kaya nila handang iwan ang taong kanilang minamahal. Kasi, higit kaninuman, ang pinakaayaw nilang nakikitang nasasaktan at nahihirapan ay yung mismong tao na mahal nila.

 

***FLASHBACK***

“S-sai... anong... anong ibig sabihin nito?”

Kinuha niya sa akin ang papel.

“Wala lang ito, Ash. Teka... bakit ka ba narito?”

“Sai, hindi ako tanga. Alam kong hindi yan wala lang. Sai naman! Sabihin mo sa ‘kin ang totoo. Anong ibig sabihin nito?” Iyak ako nang iyak habang nagsasalita pero hindi ko inexpect na mas matitindi pa dito ang pag-iyak ko after kong marinig ang naging sagot ni Sai.

“Gusto mo talagang malaman ang totoo?”

He looked directly into my eyes. Nakatingin lang din ako sa kanya. Kinakabahan ako sa maaari niyang sabihin. Pero mas mabuti nang malaman ko ang totoo kaysa itong wala akong kamuwang-muwang sa mga nangyayari. I hate to be clueless. I hate it so much.

Huminga muna ng malalim si Sai bago siya tuluyang nagsalita.

“May sakit ako, Ash. I was diagnosed with a Grade 4 Glioblastoma Multiforme.”

“G-glioblastoma? Sai, hindi ko... hindi ko maintindihan. Ano ba yun? Nagagamot naman yun, Sai, hindi ba? Hindi naman yun malala, di ba? Gagaling ka naman, di ba, Sai? Sai! Sumagot ka! Gagaling ka, hindi ba? Sai... please... tell me...”

I was crying so hard in front of him. I looked at him. Malungkot ang mga mata niya. He then shooked his head slowly.

“Glioblastoma . It’s one of the most aggressive and most deadly forms of brain cancer.”

Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko sa narinig ko mula sa kanya.

“D-deadly? Brain Cancer?” Tuloy-tuloy sa pagpatak ang mga luha ko. Walang tigil. “H-hindi... hindi totoo yan. Sai, sabihin mo... Nagbibiro ka lang, hindi ba? Sai... Sai...”

In A Relationship With Mr. Annoying (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon