Chapter 64: Thank you for the broken heart

3.9K 79 1
                                    

Sinabi ko bang second week of April ang update? Sooooorrrrryyyyy!!! Na-late ng one week. Mwehehe. Last week pa po natapos ang Quali naman. And guess what people! Pasa akooooo!!! OhEmGeeeee! Hihihi. Anyways, just sharing my happiness to you guys. And kung tatanungin nyo naman ako kung bakit ngayon lang ang update, eh kasi po nanuod pa akong You Who Came From The Stars. And tapos ko na siya kanina. Grabe! Ilang days ko rin siyang pinanuod kaya di ako makapagtype ng update. OMG! Sino nakapanuod na sa inyo nun? Grabeeeee! Ang ganda ganda ganda grabe! Must watch yun! Pramis! Panuorin nyo guys. Sobrang ganda talaga!

Anyways, here's the update na po. Enjoy reading! Hope you'll like it! Kahit bitin. Hehehe. Bukas ulet sunod na update! ^_____^

Chapter 64: Thank you for the broken heart

SEAN’S POV

“Dumating ka,” I muttered under my breath.

I quickly turned around to hug her kasi sobrang saya ko.

Pagkayakap ko sa kanya, naipatak niya ang hawak niyang payong hanggang sa parehas na kaming nababasa ng ulan.

“Salamat. Salamat kasi dumating ka.” Hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko sa kanya.

There was a long silence before I heard her say my name.

“Dylan.”

Dylan? Isang babae lang ang tumatawag sa akin sa pangalan na iyon. And no, hindi si Ashley yun.

Agad akong napabitaw sa babaeng yakap-yakap ko ngayon. I looked at her at hindi ko inaasahan ang nakita ko.

“M-mae? What are you... what are you doing here?”

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sobrang nagulat ako. I was expecting to see Ashley pero ibang babae ang nasa harapan ko ngayon. Si Mae. Ilang years na ba ang nakalipas since the last time I saw her? Ang tagal na. Ang tagal tagal na. Kaya sobrang hindi ako makapaniwalang nandito siya ngayon sa harapan ko. Nananaginip ba ako? Naghahallucinate? Hindi eh. Totoo itong nakikita ko. Totoong nasa harapan ko si Mae ngayon. Pero bakit? Anong ginagawa niya ngayon dito?

“Dylan... I... I’m sorry... for what happened three years ago... I really am sorry. I didn’t mean to... I didn’t mean to leave you, Dylan...”

“Mae... stop it.”

Hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang ay nasa harapan ko ngayon si Mae. Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin sa akin. But one thing is for sure. Hindi ako interesado sa anumang sasabihin niya sa akin.

“Dylan, listen to me. I can explain. I can explain what happened back then. Why I had to leave you. Dylan, I have my reasons. Please, give me a chance. Give me a chance and listen to me.”

“Mae, I said stop it. I don’t wanna hear anything from you anymore.”

Tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang maglakad. Kahit na si Mae ang narito ngayon, isang babae lang ang laman ng puso’t isipan ko. At siya lang ang tangi kong gustong makita.

“Dylan, please... I know... I know galit ka sa’kin ngayon. I know nasaktan kita. That is why I am sorry. I am so so sorry for what I did.”

“Don’t be.”

Tumigil ako sa paglalakad at muling humarap sa kanya. Tinignan ko siya sa mga mata at saka unti-unting ngumiti. Before kapag iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon kapag nagkita kaming muli ni Mae after a very long time, lagi kong naiimagine ang sarili being miserable in front of her. Telling her how much I missed her. And asking her to come back to me. But never did I imagine na magagawa kong makamove-on bago pa kami magkitang muli. Na magagawa kong magmahal muli ng ibang babae other than her. Na magagawa kong ngumiti ngayong kaharap ko na siya. At sabihin sa kanya ang mga salitang ito...

“Don’t feel sorry about me, Mae. Don’t be. Siguro nga naging miserable ang buhay ko after you left me. Pero tapos na ako sa stage na yun nang pagiging miserable. May minamahal na akong iba ngayon, Mae. And believe it or not but I really feel thankful to you. Dahil kung hindi mo ako sinaktan noon, siguro hindi ko siya makikilala ngayon at hindi ko malalamang kaya ko pa palang magmahal nang mas higit pa sa pagmamahal na ibinigay  ko sa’yo noon. So thank you. Thank you for breaking my heart.”

“Dylan...” Lumapit siya sa’kin at hinawakan ang aking kanang kamay. “Wala na ba talaga? Wala ka na ba talagang nararamdaman para sa’kin? Wala na ba tayong pag-asa?”

“Mae...” Gamit ang aking kaliwang kamay, hinawakan ko ang kanyang mga kamay. I looked intently into her eyes. “I’m sorry.” At saka ko unti-unting inalis ang kanyang mga kamay sa pagkakahawak sa aking kanang kamay.

Unti-unting nagsipatakan ang mga luha sa kanyang mga mata. I didn’t want to see her that way. But I also don’t want to be the man who’ll wipe her tears again for her. She needs to find another man who’ll do that for her. And so the least thing that I could do for her is to turn my back from her and never give her the chance that she’s asking me so that she won’t get herself be hurt even more.

But again she prevented me from leaving. She back-hugged me. I was startled.

“Wag kang umalis. Please... wag...”

“Mae...” Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko because she suddenly passed out.

In A Relationship With Mr. Annoying (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon