Chapter 37: Don't leave

8.5K 181 31
                                    

Isang mahabang update for you readers...

Enjoy reading! Hope you'll like it!

^_____^




Chapter 37: Don’t leave

 

Ashley’s POV

 

“Anooo?! Inaway mo na naman si Fafa Sean?! Ano bang problema mo ha, Ashley Margarita?!” sigaw sakin ni Caroline matapos kong ikwento sa kanila ang nangyaring pagwo-walkout sakin ni Sean.

-_____-

“Margaret ang pangalan ko. Hindi Margarita. And FYI lang, hindi ko sya inaway noh! Sya ang nang-away sakin. Ang bait-bait kong bata tapos bigla-bigla na lang nia akong sisigawan. Hmph! Hindi ko na kasalanan un kung may pagka-bipolar talaga ang taong un.”

Kakaasar! Lagi na lang ganito sila Caroline sakin. Tuwing nag-aaway kami ni Sean, laging si Sean ang kinakampihan nila. At parang laging lumalabas na ako ung masama, ako ung may kasalanan. Hmph! Mga kaibigan ko ba talaga sila?

“Ashley, hindi bipolar si Sean. May pagka-sensitive lang talaga syang tao. Intindihin mo na lang.” mahinahong sabi ni Denise.

“Ayoko. Sawang-sawa na akong intindihin sya. Lagi nia akong inaasar pero pinapabayaan ko lang sya. Pero ngaun suko na talaga ako. Asarin nia na ako ng asarin, okay lang.  Pero para sigawan nia ako?! At pina-shut up nia pa talaga ako ha! Grabe! Ayoko na talaga!”

“Eh kasalanan mo rin naman kung bakit ka nia sinigawan eh. Masyadong harsh ung sinabi mo sa kanya.” – Bea

Harsh? Anong harsh dun sa sinabi ko? Ung tungkol sa gang nilang walang kwenta? Tsk. I know mali nga talaga na sinabi ko un sa kanya. Pero mainit lang talaga ang ulo ko nung panahong iyon. Kaya naman hindi ko na napigilan itong dila ko at nasabi ko un. Pero grabe naman! Ganun sya ka-sensitive na kelangan sigawan nia pa talaga ako? Mas nakaka-hurt kaya ung pagsigaw nia sakin. Kakainis!

“Oh san ka pupunta?” – Bea

“Uuwi na ako. Lalo lang sumasama ang loob ko kapag pinagtutulungan niu akong tatlo eh. Hmph! Para ko kayong hindi mga kaibigan.”

Inayos ko na ang gamit ko at palabas na ako ng classroom. Actually, kanina pa natapos ang klase namin pero nag-stay pa kaming apat sa room kasi nga kinwento ko sa kanila ang nangyari.

Nung nasa may pintuan na ako, nakasalubong ko si Sai.

“Oh Ash, uuwi ka na?”

“Yeah.” maiksi kong sagot. Wala ako sa mood makipag-usap eh.

“Ah... may kasabay ka?”

“Wala.”

In A Relationship With Mr. Annoying (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon