Chapter 67: Against all odds

4K 83 7
                                    

Sinong nag-akalang ending na yung previous chapter? Haha! Aminin! XD

Anyways, enjoy reading kahit maiksi! Hope you'll like it kahit bitin ulit! XD ^_____^

Chapter 67: Against all odds

ASHLEY’S POV

 

“Mommy, Daddy, si Sean po. Boyfriend ko.” I formally introduced Sean to my parents nung nakalabas na si Ate Maegan sa hospital at nakauwi na kami sa bahay namin.

Nauna ko nang naipakilala si Sean kay Kuya Mikee nung nasa ospital pa lang kami. Galit na galit nga si Kuya kay Sean to the point na muntik pa niyang itong masuntok ngunit mabuti na lang ay napigilan ko siya. Alam kasi ni Kuya na si Sean ay ex ni Ate Maegan. Hindi sila magkakilala personally kasi hindi naman daw naipakilala ni Ate noon si Sean sa pamilya namin nung sila pang dalawa. Pero gaya ko, nakita rin ni Kuya yung picture nina Ate at Sean sa kwarto ni Ate Maegan kaya naman mabilis niyang namukhaan si Sean. Tinanong pa ni Kuya kung ano raw balak gawin ni Sean sa aming dalawa ni Ate. Bakit daw tinuhog niya kaming dalawang magkapatid. Grabe lang yung term ni Kuya. Hindi ko ma-take.

Ipinaliwanag ko kay Kuya na nagkakilala kami ni Sean at nagkagustuhan nang walang kaalam-alam na parehas pala kaming konektado ni Sean kay Ate at nito lang namin parehas nalaman ang bagay na iyon. Sinabi ko sa kanya na si Ate ang unang nang-iwan kay Sean kaya sila nagihiwalay na dalawa. Ikinuwento ko rin kay Kuya ang ginawang pakikiusap ni Ate sa akin na iwan ko na si Sean. Sinabi ko sa kanya na ginawa ko yun but then I’ve realized na hindi ko pala kayang panindigan ang naging desisyon ko dahil sobrang mahal ko si Sean at hindi ko kayang mabuhay nang wala siya. Mabilis namang naintindihan ni Kuya ang sitwasyon namin at sinabi niya sa akin na kung saan man ako masaya, susuportahan niya ako. He also told us that we have his blessing on our relationship. But before that pinapangako niya muna si Sean na wag na wag niya akong sasaktan kasi kung hindi, baka raw hindi lang suntok ang abutin niya mula kay Kuya. Grabe lang ang pagiging protective sa akin ni Kuya Mikee. Nakakatouch!

At ngayon nga, sa mga magulang ko naman ipinapakilala si Sean. Gulat na gulat si Mommy nang sinabi ko na boyfriend ko si Sean. Si Daddy naman ay parang walang reaksyon pero deep inside alam ko sobrang lalim na ng pag-iisip na ginagawa ni Daddy.

“Ashley, anak, may I ask kung kelan pa naging kayo?”

“Ahm... last October pa po, Mommy.”

“What? Ganun na katagal? And wala ka man lang naikwekwento sa akin? Anak, nakakatampo ka, alam mo yun? Kahit naman nandun ka sa Pilipinas and we’re here in U.S. hindi ba dapat kapag may ganung kaimportanteng event sa buhay mo, dapat kinukwento mo sa ‘kin yun. Mommy mo ako eh.”

“Mommmy, sorry na po, okay? Can’t you just forgive your oh-so-beautiful daughter?”

Bigla namang natawa si Sean na nasa gilid ko. Hmph! Sinuko ko tuloy siya.

“Hay naku. Sige na nga. Kasi maganda ka naman at anak naman kita at sa akin ka nagmana ng kagandahan. I will forgive you na. But next time ha, you better tell me what’s going on with your life. Feeling ko tuloy ang laki ng pagkukulang ko sa ‘yo bilang Mommy mo kasi hindi man lang ako updated sa buhay ng aking magandang anak.”

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Mommy.

Bigla namang nagsalita si Daddy na kanina pa walang imik. “Sean, hijo, pwede ko bang maintanong kung bakit kilala mo rin ang isang ko pang anak na babae. Si Maegan. Bakit kayo magkasama nung araw na nahimatay siya at dinala mo siya sa ospital?”

Bigla namang nanlaki ang mata ko dahil sa tanong ni Daddy. Naman! Daddy! Gusto mo pa ba talagang malaman ang sagot sa tanong na yan? Aigoo!

“Oo nga, hijo. Napaisip din ako sa bagay na yun. I’m sorry to say this ha pero nung una kasi kitang nakita sa ospital na binabantayan mo ang anak kong si Maegan, akala ko talaga boyfriend ka niya. Hindi ko naman akalain na ito palang bunso ko ang girlfriend mo.”

“M-mommy... Daddy...”

“Kasi po, Sir, Ma’am---” hinawakan ko ang kamay ni Sean upang pigilan siya sa pagsasalita. Ayoko. Ayokong ituloy niya ang anumang sasabihin niya. Siguro kay Kuya ayos lang na sabihin namin ang totoo kasi alam ko namang maiintindihan ako ni Kuya. But with my parents? I don’t think so. Lalo pa’t involved si Ate sa sitwasyon na ito. For sure mas uunahin nilang i-consider ang feelings ni Ate. Tapos mababalewala na naman ako. Ang nararamdaman ko. Lagi namang ganun eh. Lagi na lang.

Hinawakan din ni Sean ang mga kamay ko at saka siya ngumiti sa akin. “Ayos lang, Ashley. They have to know the truth. They’re your parents.”

“What truth?” sabay na tanong ni Mommy at Daddy.

Magsasalita na sana si Sean nang may biglang nagsalita na para sa kanya.

“He’s my ex.”

In A Relationship With Mr. Annoying (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon